CHAPTER TWO

5 1 0
                                    

Chapter 2

“M-mommy! Mommy!” Narinig ko ang pagsigaw ng batang lalaki. Hindi ko makita ang mukha niya. Ang nakikita ko lang ngayon ay ang paparating na kotse na siyang babangga sa tinawag niyang ‘mommy’. Pagkatapos noon ay isang malakas na tunog ang narinig ko, at nakita ko ang sarili sa gitna ng daan, duguan at walang malay.

Agad akong nagising dahil sa panaginip na iyon. Ngayon ko na lang ulit napaginipan
‘yun matapos ang ilang taon. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam ang ibig
sabihin non. At kung sino ang nakikita ko sa panaginip ko.

Dalawang araw ang nakalipas at wala pa rin akong balita kung sino ang naghatid sa ‘kin sa condo ko. Tinanong namin sa receptionist kung kilala niya ba ang kasama ko, pero bigo kami nang sinabi niyang hindi. Frustrated na frustrated pa rin ako dahil hindi ko alam kung paano niya ako nakilala at kung paano niya nalaman na dito ako nakatira.

Shit na alcohol. Hinding hindi na ulit ako magiinom! Ito ang nagagawa ng alak sa
katawan ko, nagkakaroon ako ng temporary amnesia. Bwisit!

“Doon ulit kami kakain sa cafe de belle, Stef. Sama ka ba?” Tanong sa akin ni Anna. Palagi silang pumupunta doon pero hindi ako palaging sumasama. Siguro tatlo o apat na beses palang akong nakakapunta doon, kapag may urgent meeting, doon kami
nagkikita kita. Malimit kasi dito ako kumakain sa office habang kausap si Alex sa phone.

“Pass.”

Lumapit siya sa akin at nagcling sa braso ko, “Sige na, tikman mo lang ang food doon. Please?” Tumingin ako kay Anna.

“Sige na nga.”

“Good afternoon, ma’am and sir!” Bati ng barista sa amin. Humikab ako. Nakakaantok. Napuyat na ako kakaalala sa nangyari ng gabi ng Friday.

Umorder si Risel sa harap ko. Sunod naman sa pila ay ako. Buti naman at hindi lang coffee at deserts ang tinda dito, meron ding rice meals.

Sinabi ko ang napili kong order, “One order of beef caldereta--” Nanlaki ang mata ko. Pamilyar ang amoy! Ano ‘yun?! Parang naamoy ko na din ‘to. Pumikit ako at pilit inaalala kung san ko ito naamoy.

Katabi ko sa bus?

Katabi sa elevator?

Katabi sa CR?

Katabi sa bar?

Sa bar?

Napamulat ako ng unti unti kong maalala kung san ko naamoy ang pamangong ito. Sa bar! Ito rin ang amoy nung kasama ko noong gabi ng Friday! Hindi ko man naalala ang mukha niya, hinding hindi ko naman makakalimutan ang amoy niya!

Tinitigan ko ang barista na nasa harap ko. Ayon sa video ay matangkad ang lalaking iyon kaya imposibleng ito siya. Naglean pa ako ng kaunti sa counter para maamoy ko siya ng ayos. Ito talaga ang amoy na iyon! Hindi ako pwedeng magkamali!

“Uh, ma’am?”

“Huy Stefanie, anong ginagawa mo?” Natatawang tanong sa ‘kin ni Anna. Ibig
sabihin nito ay nasa paligid lang siya. Hindi siya nalalayo sa ‘kin.

“Anong pabango mo?” Tanong ko sa kanya. Tiningnan ko ang pangalan niya at William ang nakalagay dito.

“Uh, h-hindi ko po alam eh,” Nagkamot pa siya ng ulo. Bakit ka naman magpapamango ng hindi mo alam?!

Magtatanong pa sana ako ng may lumapit sa ‘kin na babae, “Excuse me? Hindi ka pa
ba oorder? Nagmamadali kasi ako, eh.” Nagsorry ako sa kanya at sinabi agad ang
order ko doon sa barista.

Date With DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon