Chapter 6
Pinatay ko na ang laptop ko at saka humiga sa aking kama. Sinubukan kong mahanap
sa internet kung sino ang apat pa na nagpurchase ng pabangong Guess Seductive, pero wala! Hindi nakadisclose nag information nila! At nagemail pa ako pero hindi nila pwedeng ibigay unless sobrang importante. Paano ko siya matetrace kung hindi ko kilala ang iba pang nagpurchase niyon?Humiga na lang ako at pinilit matulog.
Nakarinig ako ng malakas na ingay, kasunod noon ang pagbaliktad ng sasakyan.
Habang lumalapit ako ay lumalayo din ito. Hindi ko sila maabot. Hindi ko alam kung bakit pero iyak ako ng iyak. Tiningnan ko ang paligid at nakita ko ulit ang batang walang mukha, nasa tabi siya ng babae na nakahandusay sa daan. Lumapit ako at nakita ang sarili. Ako ‘yung nakahiga.
Pagkatapos ay biglang dumilim ang paligid. Wala akong makita.
Napaupo ako sa higaan nang magising dahil sa nakakatakot na panaginip na iyon. Agad kong binuksan ang ilaw at kurtina. Tiningnan ko ang paligid. Napapikit ako, unti unti kong minulat ang mata ko. Nakakakita ako ng liwanag at kulay.
Mabigat ang mga mata ko pagpasok ko kinabukasan sa office. Antok na antok pa kasi ako.
“Eto na naman tayo, meeting with the boss na naman!” Complain ni Anna. Ayaw na
ayaw ni Anna sa boss namin na si Ms. Tanya. Strict at mataray kasi ito. Siya ang pinakamataas sa ngayon dahil wala pang chief manager. Nasa ibang bansa pa daw at hindi pa pumapasok sa opisina.“Niyaya ko si Aaron bukas.” Sabi niya sa ‘kin pagpasok namin ng conference room. Kumunot naman ang noo ko. “Doon sa party natin! Post birthday celebration ko
hello?” Tila nabasa niya ang nasa isip ko.“Ah! Oo nga pala! Napostponed iyon last week kasi nagkasakit si tita.” Dapat last
week pa ang celebration ng birthday niya na magkakasama kami pero biglang
nagkasakit ang mom niya at kinailangan dalhin sa hospital. Ngayon naman ay okay na ulit siya kaya go na ulit sa party si Anna.“Yap! And guess who’s invited? None other than, Aaron! Kailangan ay maging kami
bago matapos ang party!”“Mangarap ka!” Binatukan naman siya ni Risel.
“Anna, hindi mo ba alam na pwede kang sampahan ng kaso? Child abuse ang
ginagawa mo.” Singit naman ni Troy.“Excuse me?!” Napailing na lang ako sa pagtatalo nila. Hindi ko rin alam kung
seryoso siya ng pagkakagusto kay Aaron o trip-trip lang.--
Nagsimula na ang meeting. Nagbigay ng ideas ang lahat para sa sunod na ipupublish na magazine. Isang concept na doon ay ang tungkol sa vlogging world, kaya nagkaron ng article at photoshoot with Ms. Elisa. Three month long ang sunod na issue at tumatakbo na ang oras nito. Parang special issue. Dito mas tutok ang labanan dahil ng mga katunggaling fashion magazines.
“How about we focus on nature this time?” Tanong ni Ms. D. “I mean magfocus naman tayo sa outdoor activites, hindi puro indoor ang ating photoshoots. Like sa isang forest or beach, something like that. Malapit na rin ang summer! What do you
think?”“That’s a good idea.”
“And then we’ll publish articles and some facts tungkol doon sa settings natin.” Tumango tango ang ibang editors sa conference room. Medyo umiiling ang research team dahil siguradong iisa-isahin nila lahat ng gubat sa Pilipinas.
“Maiba naman tayo sa concept for this special issue. Baka matalo na naman tayo ng Lime Magazine sa next issue.”
“That won’t happen. I’ll assure everyone na tayo pa rin ang nasa top selling magazine sa Philippines.”
Magiging busy na naman ako nito. Hindi ko na ata makikita ang lalaking naghatid
sakin sa condo. Tapos… malalaman ko na lang na buntis na pala ako. At walang ama ang batang dinadala ko!“Stefanie, can we talk?” Bumalik ako sa wisyo ng mapansin kong kami na lang pala ni Ms. Tanya, ang chief editor, ang nasa loob ng conference room.
“Narinig ko kay Ms. D ang nangyari kahapon kay Ms. Elisa,” Kinakabahan ako. Siguradong mapapagalitan na naman ako. “Pwede bang next time huwag ka muna
pumunta sa photoshoot hall?” Nagulat ako sa sinabi niya. Sa isang fashion magazine
ba talaga ako nagtatrabaho?! Bakit niya naman ako pagbabawalan pumunta doon?“For a while. Ms. Elisa requested it. She doesn’t want to see you,” Paliwanag niya pa sa akin. Aapela pa sana ako pero wala na akong energy. Para saan pa. Ang masusunod ay ang client.
Umuwi akong matamlay at walang gana. Kinamusta pa ako ni auntie pero tanging ‘antok lang po ito’ ang naisagot ko. Kinuha ko ang phone ko at saka tiningnan ang
facebook account ko.Aaron Monteverde II sent you a friend request.
Ang bilis naman! Naiadd na agad ako as a friend! Inaccept ko ‘yun since kilala ko din naman siya personally. Pero nakita ko sa profile niya na second account na ito. Kaya may II ganon sa name niya. Tiningnan ko ang first account at active account niya, friends na kami. Teka, paano? Kailan? Parang hindi ko matandaan na inaccept ko siya. Anyways…
Pumunta ako sa youtube account ko at in-stalk ko si Elisa. Pinakamahina niya na
atang views ang 12 million sa lahat ng videos niya. Kaya naman pala totoong
pinagaagawan at may special treatment. Mas sikat pa ata ‘to sa mga artista ngayon.Kahit pa… hindi naman ata kailangan pagbawalan ako pumasok sa loob ng
photoshoot hall dahil lamang doon.Napatigil ako sa pagphophone nang marinig kong kumatok sa kwarto ko si Gio. “Bukas ‘yan.” Sigaw ko.
Binuksan niya ang pinto at sumilip, “Punta akong 7-Eleven, may ipapabili ka ate?” Tutal stress ako ngayong araw, kailangan ko ng stress-reliever.
“Sasama na lang ako.” Tumango siya at sinarhan ang pinto. Kumuha ako ng jacket sa closet at saka sumama sa kanya papunta sa 7-Eleven. Buti na lamang at may malapit na 7-eleven dito sa lugar namin.
“Tapos na ba ang exams niyo, Gio?” Tanong ko sa kanya habang naglalakad kami.
“Nope. May ilan pang subjects this week.” Masipag magaral itong pinsan ko. Future engineer ito ng pamilya namin. Kung sana ay masipag ako magaral, nag engineering din ako. Kaso hanggang ngayon, I’m stuck. Stuck sa environment na hindi ko gusto. Kung hindi ba ako pansamantalang nabulag noon ay may direksyon ang buhay ko ngayon?
Pagpasok sa loob ng 7-Eleven ay pumunta agad ako sa mga chocolate at kumuha ng
kitkat.“Hindi pa ako tapos magsagot ng problem sets.” Napatigil ako sa pagpili ng bibilhin ng marinig ko ang pamilyar na boses, “Ipasa mo na lang sa ‘kin tapos aaralin ko.”
Naglakad ako papunta sa counter at nadaanan ko ang naguusap na si Gio at si Aaron?!
“Oh!” Bati sa ‘kin ni Aaron.
“Oh?” Tiningnan naman ako ni Gio, sunod ay si Aaron, “Magkakilala kayo ate?’
“Ate?!” Gulat na tanong ni Aaron. “Kapatid mo si Gio?”
“Hindi, pre. Pinsan ko ‘yan. Siya si Stefanie.” Paliwanag ni Gio.
“Kayo? Bakit kayo magkakilala?” Tanong ko sa kanilang dalawa.
“Batchmates? Classmates?” Talaga, engineering din siya?
“Bakit parang hindi ka makapaniwala, Stef?” Tanong ni Aaron na nasa kaliwa ko. Tumawa na lang ako at hindi siya sinagot.

BINABASA MO ANG
Date With Destiny
RomanceGwen Stefanie always believed in destiny. She has a soft heart and high dreams. But she lost it the day she lost her eyes for saving a woman, the same accident that killed her parents. She lost it all, her dreams, her parents and her eyes, in just a...