Chapter 7
Dahil sa kahapon ay nag overslept ako. Nagmamadali tuloy ako ngayon. 15 minutes na lang at malalate na ako. Sana ay madali makasakay at wala masyadong traffic.
Lakad takbo ko na ang daan papunta sa bus stop.
“Oh! Tingnan mo nga naman! Late din siya!” Kumunot ang noo ko sa taong
sumasabay sa ‘kin sa pagtakbo.
“Aaron?!” Tanong ko sa kanya habang lumalakad ng mabilis. Sinusundan niya naman ng bilis ko, ‘yun lang mas nauna pa rin siya dumating sa ‘kin sa bus stop kasi malalaki ang hakbang niya.
“Yap. The one and only, madame.” Tumango ako at tiningnan ang oras. 12 minutes. “Bakit tinanghali ng gising?” Tanong niya. “Napaginipan mo ako?”
What?! “Puyat at pagod,” Sagot ko na lang. Malayo palang ay naaaninag ko na ang bus. Mabilis akong nakipagunahan sa ibang pasahero. Inikot ko ang mata ko at nagbabakasakaling may mauupuan pa ngunit puno na.
“Stefanie!” Napalingon ako sa tumawag sakin. “Dito!” Nakita ko ang kumakaway na barista sa akin. May upuan siguro sa tabi niya.
Pagdating ko sa kanya ay tumayo siya sa kinauupuan niya at tinuro iyon sa ‘kin. Nagaalinlangan pa akong tanggapin ‘yun pero hinila niya ako sa braso at pilit pinaupo. Bumulong naman ako sa kanya ng thank you pagkaupo. Standing naman siya sa tabi ko.
Tiningnan ko ang oras at 9 minutes na lang, sana umabot. Dalawa ang mode of transpo bago makapunta sa company, jeep at bus. Mas gusto ko sa bus dahil mas mura
at comfortable, kesa sa jeep na mainit at siksikan.
Nagpaalam na ako kay Aaron nang makadating ako sa bus stop malapit sa company. Pinaupo niya ‘yung isang babae na nakatayo sa seat na inalisan ko. Gentleman. Lampas pa sa company ang East University.
--
Muntik pa akong hindi umabot kanina, buti na lang at mabilis ako tumakbo. Akala ko ay simpleng kainan lamang sa restaurant ang post celeb ni Anna pero heto, nasa Central na naman kami. Pero maganda na rin siguro ito, baka makikita ko ulit ang
taong naghatid sa condo ko. Sana ay may maaalala na ako sa nangyari nang gabing iyon. Kung sino ang kumidnap sa ‘kin at naghatid sa sarili kong condo.
“Ayan na pala sila!” Kumaway pa si Anna sa malayo. Tiningnan ko iyon at nakita kong papalapit sa direksyon namin si William at Aaron.
“Guys! Akala ko hindi kayo makakapunta!” Sabi ni Anna. Nakipagappear naman siya kina William at Aaron.
“Syempre, minsan lang ito!” Sagot ni William. Tumingin ako sa kanila at nahuli kong nakatingin sa ‘kin si Aaron. Tinaasan ko naman siya ng kilay.
“Nalate ka ba kanina?” Tanong niya sa ‘kin. Kumunot ang noo ko, inaalala ko pa kung paano niya nalaman na muntik na akong malate kanina, nagkasabay nga pala kami sa bus kaninang umaga. Umiling ako,
“Nope. Mabilis ako,” Pero nawala ang tawa ko ng maramdaman ko ang
tingin ng lahat sa ‘kin.
“Sayang.” Inirapan ko siya samantalang humagalpak naman siya sa pagtawa.
“Woah! Magkapatibahay pala kayo?” Tanong ni William kay Aaron.
Sasagot pa sana si Aaron, pero inunahan ko siya sa pagwagayway ng kamay at pagiling, “Hindi ah! Nagkasabay lang kami sa bus.”
“Okay, let’s go na!” Phew. Muntik na akong ma hotseat doon.
Teka lang, hindi ba busy sa pagrereview itong si Aaron at nakasama siya ngayon? Sa pagkakaalala ko ay hindi nagpapaabala ngayon si Gio dahil semi-finals week daw nila.
BINABASA MO ANG
Date With Destiny
RomantikGwen Stefanie always believed in destiny. She has a soft heart and high dreams. But she lost it the day she lost her eyes for saving a woman, the same accident that killed her parents. She lost it all, her dreams, her parents and her eyes, in just a...
