Chapter 5
“Doon tayo ulit maglunch sa cafe de belle!” Napatigil ako sa paglalakad palabas ng
company.
“Pwede pass muna ako? Hindi pala ako nagugutom,” I said. Napatingin naman sila sa ‘kin at ang mga mukha nila ay tila naging question mark.
Nagcling agad sa braso ko si Anna, “Gurl, hindi ka nabubusog, ‘yun ang tama kaya
tara na.” I tried to protest pero masyadong malakas si Anna kaya napilit niya akong
kumain sa cafe na iyon. Ayaw ko sanang pumunta doon dahil sa nangyari kahapon.
“Good afternoon, ma’am.” Bati sa ‘min ni Aaron. Nginitian ko naman siya. Hindi
alam nina Anna ang nangyari kagabi sa cafe na ito.
“Beef caldereta?” Tanong niya sa akin. Tumango naman agad ako dahil alam niya na ang oorder-in ko. Ngumiti rin naman siya.
Tila ba humaba ang leeg ni Anna at napatingin siya sa ‘ming dalawa.
“Close kayo?” Bulong niya sa ‘kin.
Tumingin ako sa kanya saka kay Anna, bumulong ako pabalik, “Hindi.” Tumango-tango siya saka ngumisi.
--
“Magsisimula na ang photoshoot in 10 minutes!” Sigaw ng isang fashion assistant.
Isang malaking buntong hininga ang pinakawalan ko bago ako tumayo at dinala ang mga kinakailangan sa photoshoot. I’m working on a fashion magazine company as a sub-editor. I check the copy of the magazine if it is gramatically and factually correct bago ito ilagay sa market.
Pero kapag ganitong may photoshoot, kailangan ko pumunta doon at actual na makita din ang concept para makakuha ako ng ideas. Lahat naman kami ay nagbabatuhan ng ideas para sa concept ng isang magazine, hindi lang ang mismong fashion editors.
“Stefanie, bakit ang lungkot mo ata ngayon?” Tanong ni Lily, ang aming Fashion editor.
“Wala naman. Kulang lang ata sa tulog,” Well, partly true kasi hindi talaga ako nakatulog ng ayos kagabi. Isama pa ang weird kong panaginip.
Pumasok na ako ng photoshoot hall. May kanya kanya silang ginagawa. ‘Yung
photographers at art director ay busy sa pagaasikaso sa cameras and computers na gagamitin sa photoshoot. Nakaalalay naman ang stylist ng model sa kanya. Habang ang iba ay hinihintay lang magsimula ang shoot, katulad ko. Hawak ko ang checklist ng concepts for today’s shoot.
“She’s the oh-so-famous Elisa diba?” Bulong sa ‘kin ni Anna. Nakakagulat siya!
Muntik na akong atakihin sa puso. Magisa lang ako dito sa sulok nang bigla siyang
lumapit at bumulong.
Nag peace sign siya at ngumiti sa ‘kin. Mas napansin ko ang suot ni Elisa ngayon. Gawa ito ng isang kilalang fashion designer na si Ms. Shaira.
“Ano ba! Ayusin mo, nasasaktan ako!” Natahimik ang lahat sa biglang pagsigaw niya habang nasa platform. “Oops, sorry. Na hurt lang.” Ngumiti pa siya sa lahat.
Nakita kong napayuko dahil sa hiya ang hairstylist niya.
Nagkatinginan ang ilang fashion at beauty editors. Sa totoo lang ay hindi ko kilala ang model na ito. Kung hindi pa sinabi sakin ni Anna na sikat siya sa vlogging world ay
hindi ko pa makikilala.
“Motheeeerrrr!” Sigaw niya habang nakalahad ang mga braso para sa isang yakap. Muntik na akong mawalan ng balance ng bunguin ako ng assitant editor namin. Nagtatakbo siya papalapit kay Elisa at niyakap ito.
“Thank you sa pagaccept ng offer namin, Elisa! You’re so beautiful talaga!” Napairap naman si Anna sa ginawa ni Ms. D. Dapat kasi Mr. D e, kaso nagagalit siya kapag may natawag sa kanya ng Mr. Dominador.
BINABASA MO ANG
Date With Destiny
RomanceGwen Stefanie always believed in destiny. She has a soft heart and high dreams. But she lost it the day she lost her eyes for saving a woman, the same accident that killed her parents. She lost it all, her dreams, her parents and her eyes, in just a...
