CHAPTER THREE

4 1 0
                                        

Chapter 3

Ang plano kong puntahan siya kahapon ay hindi natuloy. Binigyan ako ng sandamakmak na workload ni Ms. D, ang assistant editor namin. At ngayon ay
ganoon ulit, naging busy ako nung lunch kaya hindi ako nakapunta sa cafe. Pero
pinilit ko agad tapusin ang trabaho ko para makapunta ako ng maaga sa cafe. Mag 7 pm na rin nang natapos ako.

Saktong 7:10 nang umalis ako sa office. Kahit gustong gusto ko gumanti kay Ms. D
ay hindi ko magawa. Kailangan kong habaan ang pasensya ko dahil hindi pa taposbang contract ko sa company na ito. Right after talaga ay magreresign na ako dito.

Niyakap ko ang sarili ko dahil sa lakas ng hangin na dumampi sa balat ko. Bakit
naman ang lamig ngayon?

Nanliit ang mata ko nang may mapansin ako. Dalawang metro mula sa aking
kinatatayuan…. ay si Aaron! ‘Yung barista sa cafe!

Tinakbo ko ang distansya naming dalawa. Kailangan kong tanungin kung anong
pabango niya at kung nasaan siya ng byernes ng gabi.

Hindi pa ako nakakalapit ay bigla siyang sumakay sa bus. “Sandaleee!!” Dahil hindi ko naabutan ang bus ay hinabol ko pa ito. Grabe. Hindi ko alam na si Sanchai pala ako nung past life ko. “Sandale! Itigil niyo! Itigil niyo!”

Agad naman akong sumakay sa bus, “Thanks kuya!” Napakamot naman siya sa ulo dahil sa ginawa ko.

Nilibot ko agad ang paningin ko at nahagip ko si Aaron na nakaupo sa dulo. Wala
siyang katabi at nagsusuot na siya ng earphones.

Umupo ako sa tabi niya. Halatang nagulat siya dahil agad akong tumingin sa kanya at ngumisi.

“S-Stefanie…” Nanlalaki ang mata niya habang nakatingin sa ‘kin.

Pinikit ko ang mata ko at inamoy ko siya. Kumunot ang noo ko dahil nagiba ang amoy. Hindi iyon ang amoy niya kahapon paglabas ng cafe. Hindi ito iyon.

Pagmulat ko ay nakita kong medyo umatras siya sa upuan dahil sa ginawa ko. Nilapit ko ang sarili sa kanya. “Sino ka?”

“Ma’am, saan ang baba?” Napatigil ako sa pakikipagusap kay Aaron at hinarap ang
kundoktor.

“Sa may sunod na bus stop po.” Binigyan niya ako ng ticket, binigyan ko rin siya ng bayad. Umalis siya at binaling ko muli ang tingin kay Aaron.

“W-wag po…” Pagmamakaawa niya sa akin. No. I am Gwen Stefanie Orlanes and I show no mercy. Bwuahahahahaha!

Nagmamadaling bumaba sa bus si Aaron kaya sinundan ko siya. Mabilis ang
paglakad niya kaya agad ko siyang hinabol at hinawakan sa bag, dahilan para
mapatigil siya.

“Teka nga lang, bakit ka ba nagmamadali? May itatanong lang naman ako.” Humarap siya sa ‘kin. Kitang kita ko naman na parang kinakabahan siya, “Barista ka doon sa cafe, hindi ba?” Tumango naman siya.

Kumunot ang noo ko at nanliit ang mata ko, “Pamilyar ka sa akin. Nagkita na ba tayo dati?” Umiwas siya ng tingin, “Nagkita na tayo. Palagi. Doon sa cafe.”

Binitawan ko ang kanyang bag, oo nga ano? Ang bobo lang, Stefanie. Nagpupunta nga pala kami doon sa cafe pero ngayon ko lang siya napansin. Ngayon lang din kasi
siya nabanggit ni Anna sa akin.

“Maaari ba kitang matanong?” Inayos niya ang sakbit niyang bag pack, “Ano ‘yon?”

“Nasaan ka ng byernes ng gabi?” Tumingin siya sa mga mata ko. Hindi ko alam pero
nakaramdam ako ng lungkot. Ang lungkot ng mata niya. Para bang nanghihina.

“Nagaaral.” Tumango ako at saka umiwas ng tingin. Teka nga, baka naman katulad
niya lang ng pabango ang taong iyon. Napakaimposible naman na mapapunta sa lugar na iyon ang batang ito. Tsk! Wrong move.

Tinapik ko siya sa balikat. “Okay. Pasensya na sa abala.”

Umuna na ako sa paglalakad sa kanya. Hindi pa ako nakakalayo ay narinig kong may tumawag ng pangalan ko.

“Stefanie!” Lumingon ako at nakatingin sa ‘kin si Aaron. Kumunot ang noo ko. Siguro ay naririnig niya sa kwentuhan namin ang pangalan ko. At siguro tama si Troy, hindi ko binibigyan ng pansin ang nasa paligid ko kaya hindi ko siya kilala, ngunit
kilala niya ako.

“Bakit?” Umiling siya at ngumiti, “Ingat ka pauwi.” Tumalikod siya at nagsimula ng maglakad.

Weird.

Date With DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon