PROLOGUE

30 2 0
                                    

Prologue


“Excuse me! Excuse meeee! Sorry po!” Sigaw ko sa madadaanan ko.


“Stefanie, ingat ka!”


“Yes po!” Binaba ko sa desk ng workmate kong si Anna ang isang kahon na naglalaman ng bond papers mula sa storage room. Ang bigat!


Napatingin ako sa oras, 5:15 pm na!


“Anna, ikaw na bahala dito ha? Nagmamadali ako, eh.” Mabilis kong kinuha ang bag ko at nagtungo sa pinto.

“Hoy, Stefanie!” Hindi ko na pinatapos si Anna dahil nagtatakbo na ako palabas ng
building kung saan ako nagtatrabaho. Sumigaw na lang ako na ililibre ko siya bukas.


Napapatingin tuloy ang mga nakakakita sa ‘kin dahil nasayaw sayaw pa ako habang
naglalakad. Naeexcite na akong makita ang boyfriend ko after 6 months and it’s our anniversary today!


Tumigil ako sa isang cafe at tiningnan ang sarili sa salamin. Inayos ko ang dress na
suot ko. Kumuha din ako ng lip tint mula sa bag ko at dinagdagan ang pula sa aking
labi. Sigurado akong lalong maiinlove ang nakatadhana sa akin. Nilagay ko muli sa
bag ang liptint and yep, I’m ready to go!


“Ouch!” Muntik na akong mawalan ng balanse dahil sa pagkakabunggo sa ‘kin ng taong kasalubong ko. Hindi ko alam kung siya ang hindi tumitingin o ako ang hindi
tumitingin.


“Sorry, miss.” Medyo paos na sagot niya sa akin. Napairap na lang ako. Ano ba ‘yan,
baka nagiintay na si Alex sa akin doon sa meeting place namin.


Kahit na kasalanan niya naman kung bakit nagpatakan ang gamit niya ay kinuha ko pa rin iyon at tinulungan siya.


“Thank you.” Hindi ko nakita ang mukha niya dahil sa cap na suot niya tapos medyo madilim pa dito sa pwesto namin. Wala ata sa sarili ang isang ito.


Hindi ko na lang siya pinansin ang naglakad na sa direksyon ng pupuntahan ko.


“Oh!” May naapakan ako na isang bagay. Wallet! Teka, hindi ito sa akin. Baka doon
ito sa lalaking iyon. “Hoy! Teka!” Aish, malalate ako lalo sa date namin!
Tumakbo ako pabalik kung saan ang direksyon na pinuntahan kanina ng lalaking nakabunggo ko. Kailangan ko maibalik ang wallet niya. Kawawa naman ang isang iyon. Nilibot ko ang tingin sa paligid pero he’s nowhere to be found! Ang bilis niya naman mawala! Ano ba iyon, multo?!


Wait, what…


Binuksan ko ang wallet, baka sakaling may pagkakakilanlan ako sa kanya. Pero wala! Twenty peso bill lamang ang laman nito. At saka resibo na nanlabo na sigurado dahil sa katagalan sa wallet na ito. At saka picture ng batang lalaki. Paano ko naman siya makikilala dito sa picture na ‘to?


Tinago ko muna iyon at saka nagpatuloy sa pupuntahan ko. Babalikan ko na lang ulit
siya dito mamaya. O di kaya ay dadalhin ko sa pinakamalapit na police station. For
now, pupunta muna ako kay Alex.


“Good evening, ma’am.” Bati sa ‘kin ng waitress. Tinanong niya ako kung may
reservation ako sa magandang resturant na ito, sinagot ko na lang siya na may
tatagpuin ako dito.


Napalingon pa ako sa dumaan na motor na sobrang ingay. “This way ma’am.”


Napaawang ang bibig ko sa ganda ng restaurant na ito. Bigatin na talaga si Alex kaya nadadala niya ako sa ganitong restaurant! Bakit pakiramdam ko magpoprose na siya sa akin. Omo! Kaya niya ba ako dinala sa ganito kagandang restaurant? Aahhh, confident na talaga akong siya ang binigay sa akin ni Lord. Totoo na talaga ‘to. Si Alex ang destined sa ‘kin. My first and last love.


Itinuro ng waitress ang table kung nasaan si Alex. Napangiti ako. Kahit ang likod niya ay napakagwapo.


Lumapit ako at mula sa likod ay niyakap ko siya ng sobrang higpit.


“I miss you, Alex…” Hindi siya agad nakapagsalita at nakakilos. Siguro dahil sa gulat.


“Stefanie?” Nawala ang ngiti ko ng marinig ang pamilyar na boses. Bakit parang
boses iyon ni Alex?


Inalis ko ang pagkakayakap ko sa kanya. Bakit ang boses niya ay malayo? Parang nasa likod ko?


“Stefanie? I’m here.” Nanlaki ang mata ko at automatic na lumipad ang kamay sa
bibig ko. Nasa likod ko si Alex at God knows kung sino iyong nakaupo na niyakap ko!


What a mess!

Date With DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon