Chapter 4
Ilang araw ang nakalipas mula nang nakausap ko si Aaron. Sigurado akong hindi siya ang hinahanap ko kaya ngayon ay desidido na akong hintayin sa cafe ang lalaking naka cap na nakita ko doon noong isang araw. Maaaring siya lang ang tanging makakasagot ng aking mga tanong. Buti na lang at day off ko sa work kaya maaga
palang ay nagpunta na ako sa cafe.
Pasado alas diyes na noong dumating si Aaron. Nagulat pa siya ng nakita niya ako. Hindi ko na lang siya pinansin. Inayos ko ang cap kong blue at saka mas tinalasan ang mga mata. Kailangan kong mahuli ang lalaking iyon ngayon.
“Girl!” Napatingin ako sa dumating. Nilagay niya sa ibabaw ng table namin ang dalang paper bag. “Sorry, tinanghali ako ng gising. Ayan na ‘yung hinihiram mo.”
Kinuha ko ang paper bag at tiningnan ang laman nito, iba’t ibang uri ng pabangong
panlalaki. “Thanks!” Sabi ko kay Katriz. Alam ko ang kapatid niya ay mahilig
mangolekta ng perfumes. Sigurado akong hindi basta basta ang suot na pabango ng
lalaking iyon kaya kung isa man sa mga ito ang kanya, madali ko na siyang matetrace.
Kinuha ko iyon at inilabas. Isa-isa kong inamoy habang inaalala ang nangyari ng
gabing iyon.
“Err, hindi ka ba mahihilo diyan, Stefanie?” Tanong niya sa ‘kin. Umiling ako. Kailangan kong tiisin ang pagkahilo ko sa pagamoy ng pamangong ito kung gusto ko pa mabuhay ng matagal. Oras na malaman ni auntie at uncle ang nangyari sa ‘kin ay siguradong pagbabawalan na nila ako umapak ng bar o umalis man lang sa gabi. I’m totally doomed.
Tiningnan ko ulit ang paligid ng cafe. Wala pa namang pumapasok na kahina-hinala.
“Here’s your frappe, ma’am.” Medyo binaling ko pa ang ulo ko dahil humarang ang barista na ito sa harap ko. “Enjoy ma’am.”
“Uh, thanks.” Sagot ni Katriz in her maarteng tono. Napatingin naman ako kung sino ang nagserve ng frappe niya at hindi ako nagkamali, si Aaron nga.
Ngumiti pa siya sa akin noong napatingin ako.
Shit. Napahawak ako sa ulo ko dahil bigla akong nahilo. What was that?
Ngiti. Isang ngiti rin ang nakita ko sa aking ala-ala.
“Girl, okay ka lang? Parang namumutla ka.” Tumingin ako kay Aaron at saka kay
Katriz.
“Sumakit lang ang ulo ko.” Umalis na si Aaron sa table namin.
“Wala ka pa ring naaalala from Friday night?” Tanong ni Katriz. Umiling ako. Kahit anong pilit ko sa utak ko na alalahanin kung anong nangyari ng gabing iyon ay wala talaga akong maalala. Para akong puzzle na hindi mabuo-buo.
Tinuloy ko na lamang ang pagamoy sa perfumes na dala ni Katriz.
Sandali! Inamoy ko pa ulit ng isa itong hawak ko.
“Anong pabango ito?”
“Guess seductive. Limited edition ‘yan.” Inamoy ko ulit ang perfume na iyon. Hindi ako pwedeng magkamali. Ito nga iyon!
“As far as I remember noong nabanggit ‘yan sa ‘kin ni kuya ay limited edition lang ‘yan. Sa Philippines, ngayong taon, ay limang tao lang ang nagpurchase ng perfume na ‘yan. At isa na doon si kuya.”
“Paano malalaman kung sino pa ‘yung apat na nagpurchase?”
Nagkibit balikat siya, “Hindi ko alam. Pero atleast, may apat na tao na lang sa
Pilipinas ang pwede mong tanungin.” Para namang ang liit ng Pilipinas.
Pero! Kapag naamoy ko ito malapit sa akin ay sigurado akong siya na iyon. Napatingin ako sa dalawang taong nasa counter, si William at si Aaron. Maaaring isa sa kanila ang nagpurchase ng pamangong iyon o maaaring malapit sa kanila.
BINABASA MO ANG
Date With Destiny
RomanceGwen Stefanie always believed in destiny. She has a soft heart and high dreams. But she lost it the day she lost her eyes for saving a woman, the same accident that killed her parents. She lost it all, her dreams, her parents and her eyes, in just a...
