Chapter 1

9.6K 248 67
                                    

2005

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

2005

Hindi ko alam kung ang naalala ko ang siyang huling karanasan ko sa pagsusuot ng magarbong damit.

Taong 1986 nang ipagkatiwala ako ni mama at papa kay Lolo Antonio. Anim na taong gulang ako noon at sa dulong parte ng maliit naming bayan kami nanalagi. May malubhang sakit si Ate Jane noong mga panahong iyon at mahirap pa ang buhay namin kaya nasa kaniya ang atensyon.

Kahit kulang sa presensya ng magulang, nakatulong ang mga manikang inuukit ni lolo para maibsan ang lungkot ko. Malalaki ang mga katawan nito kumpara sa mga ordinaryong manika, minsan pa nga ay nakakalikha siya ng kasing laki ko.

Ngunit ang  gusto kong mamanang talento talaga ay ang pagtatahi ng mga damit para sa mga manika. Isa sa mga gusto kong ipagmalaki ay ang kahusayan ni lolo sa pag burda ng damit, maging ito man ay mapa pang-lalaki o pang-babae. 

Bilang anim na taong gulang na musmos na wala pang muwang sa mundo ay mabilis akong naakit sa kintab ng sutla. Isang araw ay kinulit ko si lolo na ipagtahi ako ng damit, yung mas maganda pa sa mga manikang dinadamitan niya. Pinaunlakan niya iyon, bagay na ikinagalak ko ng sobra.

Magkahalong puti at pula ang napili niyang kulay. Naalala ko pa habang pinapanood kong pagtagpi-tagpiin ng sinulid ang bawat tela ay tinanong ko siya ng...

"Bakit red and white, lolo?" 

Ang sagot niya ay dahil puro ang aking personalidad at bagay ang pula sa maputi kong balat.

Nang matapos ang damit ay agad ko itong sinuot. Naalala ko pa kung gaano kahirap kunin ang pulbos sa ibabaw ng aparador upang mas maging presentable ang itura ko. Hindi na ako nag atubili pang tignan ang sarili ko sa salamin at pinakita na ang resulta kay lolo, umikot ikot pa ako upang lahat ng anggulo ay makita niya.

Imbis na masiyahan ay tila ba may namuong takot sa mga mata niya. Halos maiyak ako nang pabalikin niya ako sa kwarto upang hubarin ang damit. Hindi ko alam kung hindi ba bagay saakin ang damit kaya naging ganoon ang reaksyon niya.

"Isabella, kahit na anong mangyari. Ipangako mo saakin na hinding hindi ka na magsusuot ng magarabong damit."

Hindi ko maintindihan noon, hanggang ngayon ay hindi pa rin.

Upang makasigurado ay sinunog niya ang damit at lahat ng manika na kaniyang inukit. Simula noon ay hindi ko na siya nakitang magtahi ng damit o gumawa ng mga manika. Mas pinagtuunan niya ng  pansin ang pagsusulat ng nobela hanggang sa...

Mangyari ang gabing iyon.

Nabalik ako sa kasalukuyan nang itulak ng bahagya ni Darwin ang ulo ko paunahan. Bahagya akong nagulat pero agad di iyong napawi nang maramdaman ko ang unti unting pag-angat ng ilang hibla ng buhok ko.

"Kanina ko pa sinasabing yumuko ka teh, nakatulala ka lang," sabi ni Darwin habang may nakaipit na clip sa pagitan ng mga labi.

Napangiti ako ng bahagya, "Pasensya na, may naalala lang ako."

Dress and Bones ✔ (Zodiac  Predators Series #1) [PUBLISHED UNDER POP-FICTION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon