Chapter 9

1.8K 98 18
                                    

"Salamat," pasasalamat ko nang iabot sakin ng tindera ang gulaman

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Salamat," pasasalamat ko nang iabot sakin ng tindera ang gulaman.

Kukuha na sana ako ng sarili kong pangbayad pero binayaran na agad iyon ni... Nakalimutan ko nanaman ang pangalan niya!

Dinaan ko na lang sa ngiti.

"Nakalimutan mo na nanaman pangalan ko ano?" sabi niya habang nag-aabot ng bayad. Napataas ako ng dalawang kilay na tila walang alam sa sinasabi niya.

Napailing siya at umarap saakin. Ganoon na lang ang gulat ko nang pinitik niya ang noo ko.

"Wojtek."

Napahinga ako ng malalim. Tanda na suko na ako at nakalimutan ko nga ang pangalan niya.

"Ang hirap naman kasi tandaan," reklamo ko at hinigop ang sago sa gulaman na iniinom ko, "May galit ba saiyo sila tita at pinangalanan ka nila ng ganoon."

Natawa na lamang siya at humigop sa sarili niyang gulaman, "Tek na lang para hindi ka na mahirapan. Nakakaawa ka eh."

Napatango ako at pinag  patuloy ang pag inom sa gulaman. Nakita ko pa siyang bumili ng fishbol at kwek kwek, niyaya pa nga niya ako pero agad akong tumanggi. 

Mayamaya ay nagsimula na kaming maglakad lakad.

"Ang dami na nagbago dito," puna ni Tek habang ginagala ang paningin sa kanto kung saan sila dati nakatira, "Dumami na rin mga nakatira."

"Sigurado naman akong mas maraming nakatira sa Maynila," komento ko, napatango siya bilang pag sang-ayon.

"Hindi pa pala ako nakakapag pasalamat saiyo," sabi ko at tumigil sa paglalakad. Napatigil naman din siya at sabay ubos ng gulaman niya.

"Thank you," panimula ko, "Kung hindi dahil saiyo ay baka pinagkalat na ni Ginang Eva na mamamatay tao si ate."

Napailing siya at napakibit balikat, "Hindi mo rin siya masisisi. Nawalan siya ng anak at naghahanap ng masisisi."

Napasabay naman ako sa pag tango sakaniya.

"So si Wojtek na ang forte ay mga gadgets ay naging detective?" pag-iiba ko ng tapika. Napatawa naman ng bahagya si Tek, "Anong nangyari sa childhood friend ko na halos ipagpalit na ako sa computer?"

"Binago ng Maynila ang buhay ko," sagot ni Tek saakin. Nagpatuloy siya sa paglalakad at ako naman ay sumabay sakaniya, "Mas malaki ang populasyon doon kaya mas marami akong tao na nakasalamuha. Noong lumipat kami doon ay walang araw na naging tahimik ang gabi ko," kwento pa ni Tek. 

Napangiti ako dahil naiimahe ko kung gaano siya kabugnot sa mga kapit bahay nilang maingay. Naalala ko tuloy noong natutulog siya ng tanghali tapos nilabas niya kami habang pulang pula ang mukha niya, sa tapat ng bahay nila kasi kami naglalaro dati.

"So, impluwensya ng mga kaklase. Ganoon ba?" pagkonkluda ko.

Ngiti siyang umiling.

"Noong later years ko sa high school, I met a woman," panimula niya. Pansin ko ring nag-iba ang kinang ng mata niya. 

Dress and Bones ✔ (Zodiac  Predators Series #1) [PUBLISHED UNDER POP-FICTION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon