Natapos ang shift ko sa ospital ng hindi nakakarinig ng bulungan sa paligid.
Mabuti na lang at mabilis mapanis ang balita. Himalang hindi na ako nakarinig pa ng chismis tungkol kay Ate Jane ngayon araw. Kung mayroon man ay panigurado ginagawa nila ang best nila para hindi ko marinig dahil nga sa dinadala nito ang anak ni Kuya Fred.
Bahagya akong nalungkot. Hindi naging maayos ang huling pag-uusap namin ni Kuya Fred. Kung alam ko lang na mangyayari iyon ay sana hindi ko na siya inaway. Pakiramdam ko tuloy kung hindi kami nagkumprontahan ay hindi ako kakausapin ni ate. Hindi rin malalaman ni ate ang tungkol sa mga private interviews na dinaluhan ko at hindi sila mag-aaway ni Kuya Fred.
Baka hindi sila nagkita sa park.
Napahilamos ako ng mukha. Hindi ko nga rin alam kung ayos na kami ng magulang ko. Maayos na kami ni Ate Jane dahil hindi naman namin maatim na magkagalit ng matagal. Isa pa ay buntis siya, ayokong maging kumplikado ang lahat.
"Isabella!"
Napatigil ako sa paglalakad nang marinig at makita ko si Rona sa daang dadaanan ko. Naningkit naman ang mga mata ko, tumalikod at nagsimula muling mag martsa pabalik sa pinanggalingan ko.
Ngunit nabigo ako, dahil agad itong nakahabol saakin.
"I heard na tinuturuan mong mag piano si Earl?" sabi nito habang naka krus ang dalawang braso.
Hindi nakatakas sa pandinig ko na tinawag niya si Gareth sa second name nito. Hindi naman sa hadlang ako sa pag tawag niya sa second name ni Gareth, pero hindi ba weirdo para sa ibang tao ang tawagin ng ganoon?
"Oo, nagpaturo siya," simpleng sagot ko, "Magkakilala kayo?"
"Nakatira siya sa dating bahay ng lolo mo, right? Malapit lang siya saamin," ngiting sabi ni Rona. Gusto kong mag maningkit ng mata dahil matagal na pala niyang alam na may nakatira doon pero mainit naman ang dugo saakin ni Rona at hindi kami close kaya isinantabi ko na lamang ang isipin na iyon.
Napatigil ako sa paglalakad at humigop ng malalim na hininga bago siya harapin.
"May kailangan ka sakaniya kaya mo ako kinakausap ngayon?"
Napangisi ito saakin.
"Ganoon ba ako ka obvious?" kamot ulo nitong sabi, "Fine, I like him. Nagkausap kami one time nang mag jogging siya ng gabi, then simula noon ay inaabangan ko na siya tuwing naalis siya ng 6 am para pumasok sa trabaho."
Napangiwi ako sa narinig ko, "Okay?"
Stalker. Hindi ko lang masabi ng malakas.
"Huwag mo akong husgahan, please? It's not my fault na kita ko mula sa bintana ng kwarto ko ang bahay niya," kibit balikat na sabi ni Rona.
Sa narinig at tumalikod na ako ulit at nagpatuloy sa paglalakad pauwi. Hindi na ako nagtaka nang sumunod muli siya saakin.
"Kung may gusto ka sakaniya, siya ang kausapin mo," iritado at diretsahan kong sabi, "Bakit ako ang lalapitan mo?"
BINABASA MO ANG
Dress and Bones ✔ (Zodiac Predators Series #1) [PUBLISHED UNDER POP-FICTION]
Mystery / Thriller[THE WATTYS 2021 WINNER] [COMPLETED] In the secluded part of Canlubang Laguna, a game where a clueless lamb will be lured to a manipulated fate of lingering wild. Not knowing a past that has yet to be forgotten will re-open 18 years later. Date Sta...