Chapter 24

1.1K 69 12
                                    

Binuksan ni Wojtek ang bakal na pintuan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Binuksan ni Wojtek ang bakal na pintuan. Lumikha ito ng isang garagal na tunog kaya naman napatingin sa gawi niya ang taong nasa loob.

Pinagmasdan ni Wojtek ang buong kuwarto. Maluwag ito dahil tanging lamesa at dalawang upuan lamang ang nakalagay doon. Mayroong isang puting ilaw na nagsisilbing liwanag sa pinaka gitna.

Mahahalintulad sa interrogation room ang kuwarto, ngunit walang ni isang salamin sa apat na pader nito.

Okupado ang isang upuan. Kilalang-kilala niya ang mukhang nandoon.

Itinuro nito ang katapat na upuan, "Upo."

Hindi iyon imbitasyon, kundi utos.

Wala siyang makitang dahilan upang tumanggi. Humakbang siya upang maupo sa harap ng pamilyar na lalaki.

Dumako ang paningin ni Wojtek sa papel na nasa ibabaw ng lamesa. Nasa panig ito ng lalaking kausap, at iisa lamang ang ibig sabihin noon.

Siya ang ii-interrogate.

"Kilala mo ba ako?"

Tumango si Wojtek.

Matagal siyang tinitigan ng lalaki at itinulak papunta sa kanya ang papel. Nag lapag rin ito ng ballpen at inilapit sakanya.

"Kung kilala mo ako, isulat mo ang pangalan ko."

Sa hindi niya maipaliwanag na dahilan, naisulat niya ang pangalan ng lalaking kaharap.

Tinanggap iyon ng lalaki at binasa ang sagot niya.

"Tama," puri sakanya ni Senior Sebastian Lajara. "Pati ang uri mo ng pagsulat ay tama rin."

Itinabi ni Sebastian ang papel na pinaglagyan ni Wojtek ng pangalan niya, "Ngayon para sa susunod na tanong."

May kasunod pa? Iyon ang gustong tanungin ni Wojtek pero hindi na iyon lumabas sa kaniyang bibig.

Napangisi si Sebastian.

"Mabuti at hindi mo na tinanong."

Hindi iyon pinansin ni Wojtek.

"Ngayon," isang malinis na papel ang muling itinulak ni Sebastian sa harapan ni Wojtek, "isulat mo diyan kung kailan tayo nagkakilala, anong trabaho ko, at bakit tayo pinagtagpo."

Sinunod ni Wojtek ang sinabi nito nang walang pag-aalinlangan.

Nagkakilala sila ni Sebastian noong trainee pa lang sila ni Nathalie, taong 1998. Ito ang nagsilbing guro nila dahil mataas ang kanilang grado.

Isinulat iyon ni Wojtek at halos maubos ang espasyo ng isang papel sa sobrang haba ng kanyang sagot.

Nang matapos, ibinalik niya ito kay Sebastian. Napatango ito at kita sa ekspresyon nito ang pagkakuntento.

"Tama," tanging komento ni Sebastian.

"Sunod naman ay isulat mo dito kung bakit mo ako pinatay noong katapusan ng 2002," walang pait na sabi ni Sebastian at naglahad muli ng papel kay Wojtek.

Dress and Bones ✔ (Zodiac  Predators Series #1) [PUBLISHED UNDER POP-FICTION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon