Krus ang dalawang braso ko habang inaaalis ang puting tela na nakatakip sa bangkay ng estranghero na lumantad sa talahiban.
Napakuyom ako ng labi sa lumantad saakin. Ang pagkakaiba lang ng itura niya kumpara noong isang araw ay nakahubad na ito at syempre, buhay.
Hindi ko naiwasang pagmasdan ang naka-kadisturbong marka sa dalawang gilid ng labi niya paakyat sa pisngi. Yoong mga buong braso at binti niya rin ay nangingitim, kung mayroon mang bukas na sugat ay magkahalong pula at dilaw na ang kulay nito.
Tinitigan ko ng maigi ang nangingitim niyang mga braso. Wari ko'y kung hahawakan ko ay wala akong mararamdamang buong buto.
"Siya ba iyong lalaki na sinasabi ninyo ng kasamahan mo?" tanong saakin ng isang Imbestigador na hindi ko mawari kung nakita ko na.
Nag-iwas ako ng tingin at ibinaling ang direksyon ng aking ulo kay mama na marahang hinagod ang aking braso. Alam niyang hindi ko na kayang tignan pa ang itura ng bangkay.
"Opo, siya iyon."
Sinenyasan ng Imbestigador ang isang nagta-trabaho dito sa morgue na takpan muli ang bangkay.
"Pinatay siya ilang oras matapos niyang pagnakawan ang Pharmacy."
Hindi ako nag-untag ng kahit na anong sagot dahil wala naman akong maisasagot. Halata namang may pumatay dito.
"Tinanong na namin si Ms. Stella patungkol dito, ang sabi niya ay siya ang pinakuha ng taong ito ng mga gamot na nakasulat dito," ani ng imbestigador at pinakita sa akin ang papel na dala dala ng estranghero na nasa plastik na ngayon, "Anong ginagawa mo noong panahong kumukuha ang kasamahan mo ng gamot?"
Sasagot na sana ako nang humigpit ang yakap sa akin ni mama.
"Hindi niyo pa ba siya tinanong kahapon patungkol dito? Bakit kailangan niyo pa ulitin?" iritableng sabi ni mama.
Tamad namang tumitig ang imbestigador sakaniya, "Tinanong ho namin ang anak ninyo patungkol sa pagnanakaw sa Pharmacy kahapon. Ang tinatanong ho namin ngayon ay ukol sa pagkamatay ng taong ito."
"Bakit ninyo kailangang kwestyunin ang anak ko? Labas na siya dapat dito, hindi ba?!"
"Ma," pigil ko rito, tumingin naman sa akin si mama at sinabi ko sa pamamagitan ng titig na ayos lang saakin ang kwestyunin.
"Ha!" padabog na nasabi na lang ni mama sabay krus ng dalawang braso.
Malalim ang buntong hininga na pinakawalan ko at sinagot ang tanong ng imbestigador, "Nagstay lang po ako sa counter. Hostage ako ng mga oras na iyon habang kinukuha ni Stella yoong mga gamot."
Tumango tango ang imbestigador habang nagsusulat sa maliit niyang kwaderno.
"Habang kayo lang nitong estranghero sa counter, wala ka bang napansin? Mag-isa lang ba siya o may kasama siya sa labas?"
BINABASA MO ANG
Dress and Bones ✔ (Zodiac Predators Series #1) [PUBLISHED UNDER POP-FICTION]
Mystery / Thriller[THE WATTYS 2021 WINNER] [COMPLETED] In the secluded part of Canlubang Laguna, a game where a clueless lamb will be lured to a manipulated fate of lingering wild. Not knowing a past that has yet to be forgotten will re-open 18 years later. Date Sta...