Agad na napa palakpak si Isabella nang dumating na ang kaniyang ama na may dalang tray ng kape.
"Bakit naman dito ka pumuwesto?" reklamo ni Fernan sa anak, sa may bintana kasi ng Starbucks pumuwesto ang kaniyang anak, "Hindi ka ba naiilang na habang nainom ka ng kape ay tinititigan ka ng mga tao mula sa labas?"
Inilabas naman ni Isabella ang kaniyang dila pang-asar, "Dito ako pumwesto para makita tayo agad nila Ate!"
Napailing na lamang si Fernan, sa totoo lamang ay sinabi niya lamang iyon para asarin ang pikunin niyang anak.
Nasa Paseo de Sta. Rosa sila mag-anak, nag-aya kasi si Jane na mag gala at bumili ng mga damit pang buntis. Nasa yugto na rin kasi ang babae ng paglilihi at hindi lutong bahay ang nais ng sikmura nito, sawa na rin ang tatlong myembro ng pamilya na magpa deliver kaya upang matahimik ay dinala na nila ito sa lugar kung saan maraming food outlet.
"Kumusta ka sa ospital?" kumusta ni Fernan sa kaniyang bunso habang sumisipsip sakaniyang mocha frappucino, hindi katulad ng kaniyang asawa ay hindi hilig ni Fernan ang mga maiinit na kape.
Tumango naman si Isabella, "Ayos lang naman po, mas ma-trabaho."
"Wala ka namang nae-encounter na makukulit na pasyente?" pangangamusta muli ni Fernan habang pinapanood ang mga tao na dumadaan sa tapat ng Starbucks.
"Sa mga nurse ko lang naririnig," natawang sagot ni Isabella, binuksan nito ang sariling cup dahil mas gusto nitong inaamoy ang kape bago inumin.
Napangiwi si Fernan nang makita kung gaano kaitim ang kape ng anak, hinagis naman nito ang sachet ng asukal sa harapan ni Isabella, "Haluan mo ng asukal, sobrang pait niyan."
Inikutan lamang siya ng mata ni Isabella at humigop sa kape, mas lalong umasim ang mukha ni Fernan.
"Ahhhh," ginhawang sabi ni Isabella nang malasap ang pait sa kaniyang dila, "I heard that they roast their beans at higher temperature. Pait!"
Nailapag naman ni Fernan ang sariling inumin sa lamesa.
"Hindi ko alam kung paano ka nakakatulog ng ganiyan ang timpla ng kape mo," iling iling na sabi ni Fernan, napakibit balikat na lamang si Isabella bilang sagot.
"Nakasanayan ko na noong College ho ako, day before exam ako kung mag review kaya kailangan ko ng malakas lakas na kape," kindat ni Isabella, natatawa na lamang siya kada maalala ang itura ni Darwin noong nasa kolehiyo pa lamang sila.
"Noong nasa kolehiyo ako ay hindi ko kayang mag review ng day before exam," kunot noong bahagi ni Fernan, "Kailangan may allowance na dalawang araw, pero 3.00 pa rin ang grado ko."
"Atleast pasado," mayabang na turan ni Isabella sabay higop sa mapait niyang kape.
"Yabang," tudyo ni Fernan, "Porket laging nasa hanay ng uno at dos ang grado mo?"
BINABASA MO ANG
Dress and Bones ✔ (Zodiac Predators Series #1) [PUBLISHED UNDER POP-FICTION]
Mystery / Thriller[THE WATTYS 2021 WINNER] [COMPLETED] In the secluded part of Canlubang Laguna, a game where a clueless lamb will be lured to a manipulated fate of lingering wild. Not knowing a past that has yet to be forgotten will re-open 18 years later. Date Sta...