Chapter 18

1.3K 91 2
                                    

Habang abala sa pagtingin ng mga litrato si Nathalie ay biglang tumunog ang kaniyang cellphone

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Habang abala sa pagtingin ng mga litrato si Nathalie ay biglang tumunog ang kaniyang cellphone.

Saglit na naalis ang atensyon niya sa mga papel na nakakalat sa kaniyang lamesa at tinignan ang pangalan ng tumatawag sakaniya, isang malalim na buntong hininga naman ang pinakawalan ni Nathalie nang makita ang pangalan ng kaniyang nobya.

Sa isipin na mabu-bwisit ito kapag hindi niya sinagot ang tawag ay pinindot niya ang answer button at inipit ang kaniyang cellphone sa pagitan ng kaniyang tainga at balikat.

"Hindi ka saakin tumawag ng meryenda," bungad ni Sarah,  ang nobya ni Nathalie na artista.

Umikot naman ang mata ni Nathalie sa kabilang direksyon, "Sabi mo may shoot ka ng mga oras na iyon, isa pa may trabaho ako."

"Minsan iniisip ko talaga na mas mahal mo ang trabaho mo kaysa saakin," buntong hininga ni Sarah habang ipinapahid sa mukha ang cream na nagpa-panatili ng kakinisan nito, puhunan niya ang kaniyang mukha kaya naman kailangan niya itong pangalagaan.

"Oo, mas may thrill kasi ang trabaho ko kaysa saiyo," sarkastikang bato ni Nathalie, kinonkluda na ang susunod na iyak ng kaniyang mareklamong nobya.

Ibinagsak ni Sarah ang kaniyang suklay ng malakas, sinadya na marinig ni Nathalie, "Talaga ba? Pwes mas masarap naman marinig ang cheer ng mga fans ko kaysa sa ungol mo kada pupunta ako sa bahay mo!"

Napatameme naman si Nathalie, kalauna'y nabitawan ang hawak niyang papel at napatawa ng malakas. Panay naman ang mura ni Sarah sakaniya sa kabilang linya.

"Damn it Sarah! Sabi ko na may dahilan kung bakit kita nami-miss eh," sabi ni Nathalie nang makabawi na sa sobrang galak, "Alam nating dalawa na kapag napipikon ka saakin, lahat ng sinasabi mo ay kabaliktaran lagi ang katotohanan, gaano mo ba ako na miss at nasabi mo iyan? Gusto mo bang iparinig ko saiyo ngayon?"

Napangiwi naman si Sarah at inilayo sa kaniyang tainga ang cellphone nang dumaing daing si Nathalie na tila inaasar siya, minsan gusto niyang bumalik sa mga oras na nagkakilala sila at gawaran ng isang malaking middle finger ang nobya para pumangit ang unang impresyon sakaniya nito.

Nagkakilala si Sarah at Nathalie nang irekomenda ng NBI si Nathalie bilang instructor ni Sarah, ang role kasi na ginanapan ni Sarah noon ay isang detective at tanging si Nathalie lamang ang available na babaeng detective noon.

Aware si Sarah na lalaki ang gusto niya, yoon nga lang binasag ni Nathalie ang paniniwala niyang iyon.

"Huwag mong ibahin ang usapan, nage-enjoy ka diyaan kasama si Wojtek," naningkit naman ang mga mata ni Sarah, si Wojtek ang isa sa mga tinuturing ni Sarah na karibal sapagkat malakas itong mang asar na aagawin nito si Nathalie sakaniya kapag nakakuha ng tamang pagkakataon, "Ang balita ko ay diyaan daw siya nakatira noong bata pa siya, wow naman at talagang ikaw pa ang pinartner sakaniya? Coincidence nga lang ba talaga ito o talagang pinagplanuhan niyo ito para makapag bakasyon sa probinsya?"

Dress and Bones ✔ (Zodiac  Predators Series #1) [PUBLISHED UNDER POP-FICTION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon