[1] Her POV

96 3 2
                                    

Her POV

Nagsimula ang lahat noong high school ako. Student teacher siya that time. Since nalate ako, nagkaroon kami ng pagkakataon para makapagusap. Yung school kasi namin, sobrang mahigpit. Kapag nalate ka, kailangan mo pang kausapin yung teacher mo kung papapasukin ka pa niya sa klase niya o hindi na.

Kapag hindi ka pinapasok, magsstay ka lang sa detention. Sakto, yung subject namin noon ay hindi naman ganun kasungit yung teacher.

Pero nagulat ako ng ibang tao ang bumungad saakin.

Matangkad, maputi at mabango.

"Transferee ka?" Hindi ko mapigilang magtanong, e kasi naman ngayon ko lang siya nakita dito. Napatawa siya at umiling.

"Student teacher ako dito, hindi ka pa ba aware?" Mukha naman siyang mabait.

"Nope, absent ako ng isang linggo last week. Nagkasakit kasi ako."

"Ah talaga? So bakit ka nalate?" Tinignan ko naman siya. Nakatingin lang siya sa mga puno. Nasa corridor na kasi kami.

"Kailangan mo pa ba malaman yon? Papasukin mo nalang ako."

"It's in the rule, right?"

"Whatever."

"Why are you late then?"

"Kasi I woke up late."

"And so do I, pero hindi ako nalate pumasok sa klase niyo."

"Well ikaw yan, kung ikaw hindi nalate, ako nalate kaya papasukin mo na ko." Napatingin siya ng seryoso sakin.

"Well, with all due respect miss, teacher pa din ako dito. Hindi mo ko nirespeto, kaya hindi ka makakapasok." Tapos pumasok na siya sa loob.

Maghapon akong nagstay sa detention room noong araw na yon, sobrang laki ng galit ko sa student teacher na yun. Napaka yabang niya, akala niya uubra sakin yung tapang niyang yon? Asa siya.

Nung maguuwian na, napadaan siya sa detention room at nagkatinginan kami. Nakita ko sa mga mata niya na parang naaawa siya sakin. Na parang gusto niyang itanong kung okay lang ako. Pero inirapan ko siya.

Nung maguwian na, lumabas agad ako ng detention room. Pagkalabas na pagkalabas ko nung mga oras na yun, nakita ko siyang nakaupo sa sofa na nasa harap ng detention room dala dala niya yung bag niya.

Tinignan ko lang siya tapos nilagpasan ko siya. Pero akala ko, iiwasan niya ako. Pero hindi, bagkus sinabayan niya ako maglakad tapos nagsorry siya.

"Hindi naging maganda yung unang pagkikita natin, Ms. Cervantez. So I'm sorry."

"Wala yun, sanay na ko."

"Ayokong maging masama ang tingin mo sakin since it's our first meeting kasi you were absent last week. So, pwede bang ayusin natin yung unang paguusap natin?" Nakangiti niyang sabi.

"What do you mean--"

"Hi, Ms. Cervantez. I'm Luke Delos Reyes. Can we be friends?" Medyo natawa naman ako sakanya.

"Ilang taon kana SIR? Hahahah."

"Mag 20 na next month. Accelerated kasi ako kaya maaga akong grumaduate."

"Woah, 16 na ko e."

"So hindi ka na ba galit sakin?"

"Hindi na. Ako naman yung klase ng tao na hindi nagtatanim ng sama ng loob. Siguro nainis lang ako kasi hindi mo ako pinapasok kanina. First time ko kasi malate at masama pa pakiramdam ko kaya siguro nainis ako."

"Wala yun, ayoko din naman gawin yun. Ayoko din na yung mga magiging estudyante ko, hindi makakapasok sa klase ko. Kasi wala silang matututunan kung ganon."

"Oo nga eh. Oh, hindi ka pa ba uuwi?"

"Hindi pa, pero may naiisip ako."

"Ano yon?"

"Para makabawi ako sayo, tara."

Nagulat ako sa ginawa niya na yon, hinawakan niya yung kamay ko at hinila niya ako papunta sa bayan. Malapit kasi sa bayan yung school namin at may mga kaininan don. Mga Mcdo, Chowking ganon.

Dinala niya ako sa Mcdo. Tapos pinaupo niya ako at siya na ang umorder.

Noong mga panahon na yun, hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Hindi ako sumasama sa mga lalaki, kasi pakiramdam ko lahat sila threat lang sa ating mga babae. Lahat sila makakasama lang.

Pero iba siya, iba si Luke. Para bang kapag tinignan ka niya, parang sinasabi niyang safe ka kapag nandyan siya.

No wonder, madali akong nafall sakanya...

In The Right TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon