HER POV
Grabe, college na pala ako. At eto ako ngayon, hinahanap kung saan yung building namin. Ang hirap pala maging college.
Saan nga ba yun? Hmmmm.
"Hi Jasy! Namiss kitaaaaa!"
"Woaaah, Krissela! Dito ka din pala? Anong course mo? Namiss din kita! Gumanda ka lalo ah. Hahaha." High school friend ko si Krissela. Sobrang ganda ng babae na 'to.
"Oo eh, HRM ang kinuha ko girl. Nyeee bola pa ano? Hahaha. Kumusta na nga pala kayo ni SIR Luke? Hahaha!"
"Hala? Hahaha. Ewan ko sayo, eh kayo ni Toffy? Kumusta na?"
"Ayun, mas lalong nagiging strong yung relation--I mean, friendship namin. Haha."
"Until now, mag best friend pa rin kayo?"
"Yep, wala pang 10 years eh. Hahahahaha. Osha, mauna na ako ha? Papagalitan nanaman ako non kapag nalate ako eh. See you around Jasy!"
"Sige sige. :)" Ang sweet ng dalawa na yon, kasi nung first year kami, naging sila ni Toffy. Kaso nagbreak sila nung bakasyon non, tapos second year may bago ng girlfriend si Toffy then yung si Krissela'ng maganda naman, hirap magmove on.
Until nung nag third year kami, nagkabalikan sila...Pero hindi na as magboyfriend, girlfriend. Mag best friend nalang. Mahal nila ang isa't isa pero mas gusto nila yung ganon nalang. Kasi walang break-ups yon. Tapos after 10 years palang dapat maging sila.
At tadhana nga naman, hanggang ngayon, sila padin--oops. Magbest friend pa din sila. Hahahaha.
Napapangiti ako magisa habang naaalala ko kung gano kaganda si Krissela--Ay kung gano pala sila kasweet hahaha.
"Jasmine?" Napahinto ako sa paglalakad at parang nabuhusan ako ng malamig ng tubig. Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko. Hindi ko alam kung lilingon ba ko o ano.
Hindi pa naman masyadong matagal na panahon ang nakalipas kaya alam ko pa din yung boses niya. Alam kong siya yon.
"Jasmine, ikaw nga. Kumusta ka na?" Nagpunta siya sa harapan ko kaya hindi na ako magtataka na siya yon. Tska pabango palang niya, alam kong siya na yon. Ang tapang kaya ng pabango niyan.
He is wearing a maong pants, a simple black shirt tapos naka vans siya. Tapos may hawak siyang papel.
"Ah.. H-hi, L--Sir..Luke."
Medyo natawa siya.
"Hahaha wag mo na kong tawaging Sir, Jasmine. Hindi na ko teacher."
"Huh?"
"Masaya ako. Masaya akong natupad ko ang isa sa mga pangarap mo."
"Anong ibig mong sabihin?"
"Tinupad ko yung pangarap mo. Mas pinili kong maging engineer para sayo."
Huuuuh?

BINABASA MO ANG
In The Right Time
Короткий рассказIn the right time, everything will fall into place. It will fall to where they are supposed to. (c) TatianaJade