Her POV
"Jasmine, ikaw na yung pumunta sa hotel ha? Para makuha mo na yung mga iluluto natin sa kasal."
"Osige, ngayon na ba?"
"Oo ngayon na."
Inayos ko na yung mga papel na hawak ko tapos umalis na din ako.
Pagdating ko sa hotel, agad kong kinuha yung mga list of foods na iluluto namin.
Wow, siya ba yung bride? Ang ganda naman niya.
"Sarapan niyo yung luto niyan ha?" Sabi niya kaya ngumiti kami at tumango.
"Sige mauna na po ako." Sabi ko tapos umalis na din ako agad don. Madami pa kasi akong gagawin kaya hindi na ko pwede pang mag stay.
Pagkasakay ko ng kotse ko, dumiretso muna ko sa puntod ng mga magulang ko.
Haaay. Namimiss ko na sila. It's been 5 years, pero parang kahapon lang, kasama ko pa sila. Pero okay na rin 'to, atleast iniwan nila akong kaya ko ng tumayo sa sarili kong mga paa.
Ang hirap pala ng walang kapatid, wala kasi akong kadamay sa mga pwede pang mangyari sa buhay ko
Naglagay ako ng bulaklak sa puntod nila..
Tapos gaya ng palagi kong hinihiling...
"Ma, pa. Hindi pa rin po ba right time?"
Humangin lang ng sobrang lakas, kaya napahawak ako sa balikat ko. Haaay. Baka nga hindi pa.
Wag ka magalala Jas, malay mo next week. O baka next month. Okaya next year. Next next year.
Basta maghintay ka lang. Tutuparin niya din yung mga sinabi niya.
Kaso ngayon parang... Parang napapagod na kong maghintay. Parang ang tagal na kasi.
Wala pa kaming communication. Baka naman naghihintay na ko sa wala? Paano kung kasal na pala siya? Tapos inaalagaan na nila yung anak nila sa mga oras na to?
Haaay. Andaming thoughts ang nabubuo nanaman sa utak ko.
Aalis na dapat ako pero may biglang tumugtog ng gitara mula sa likod ko.
At dun nakita ko sila Krissela, Toffy, Yung babaeng tumatawag ng babe kay Luke... at syempre... si Luke.
Nag gigitara si Toffy tapos sila Krissela at yung babae naman, may hawak na placards. Puro picture namin ni Luke yung nandoon. Nakamosaic siya. Since dalawa lang silang may hawak, parang naka yarn yung mga placards para magkadikit dikit sila tapos hawak nilang dalawa yun sa magkabilang dulo. Kaya ayon, yung mga pictures namin tapos sa gitna yung mga katagang nakapagpatulo ng luha ko.
Will you marry me?
Lumuhod sa harapan ko si Luke habang kumakanta sila Krissela ng Marry Me.
"Hi, Jas. It's already the right time. I know you've already reached your dreams,and so do I. I've already reached mine. So, Jas. Will you be mine now, for real? Will you marry me?"
--*
BINABASA MO ANG
In The Right Time
Short StoryIn the right time, everything will fall into place. It will fall to where they are supposed to. (c) TatianaJade