[2] Her POV

56 3 0
                                    

Her POV

Lumipas ang mga araw, mas naging close kami ni Luke. Palihim kaming kumakain sa labas after school. Bawal kasi na makitang magkasama ang mga teachers at students na dalawa lang sila. Except kung they are relatively connected. Kasi malaking issue daw yon.

Kaya ayon, habang tumatagal mas sumasaya kami kapag magkasama kami. Pero sa room, hindi mo siya makikitang nakatingin sakin pag discussion. Aral kung aral.

Pero kapag hindi na siya nagdidiscuss, titingin siya sakin at ngingiti. Tapos ngingiti din ako.

Kapag nagpapalecture siya, tapos nahuli niya akong hindi nagsusulat o natutulog, pagagalitan niya ako.

Minsan, pasimple niya akong binibilhan ng pagkain pag lunch. Magugulat nalang ako may pagkain na sa arm chair ko tapos may sticky notes na nakadikit don.

Nagulat ako ng bigla niyang hiningi yung number ko. Noong una, inisip ko na baka para lang sa pagaaral namin yon. Baka may kailangan siyang sabihin ganon.

Pero napapansin ko na sa bawat text niya, parang iba. Parang may iba.

Until one day...

"Jasmine, anong pangarap mo?"

"Huh? Ako? Pangarap ko?"

"Hindi. Pangarap ko."

"Nye, haha. Pangarap kong, makapunta sa Korea. Pangarap kong makapagpatayo ng cafe shop. Pangarap kong maging isang interior designer."

"Andami mo palang pangarap."

"Oo. Ikaw ba?"

"Gusto ko kasi talaga maging Engineer. Kaso si Mama gusto niya akong mag teacher. Kaya ayon."

"Pero ayaw mo magtry mag engineer someday?"

"Gusto.. Pero ito na ako e, so ganun nalang. Haha."

"Luke, kung anong gusto mo dapat yun ang gawin mo. Kasi kung hindi mo naman gusto pero ginawa mo dahil yun ang gusto ng iba, hindi ka magiging masaya."

"Haha, wala akong lakas ng loob para hindi sundin ang mama ko."

"Luke, may nadagdag sa pangarap ko."

"Ano yon?"

Humarap ako sakanya tapos ngumiti ako.

"Gusto kong gawin mo yung gusto mo. Gusto ko makita kitang engineer someday."

Napangiti nalang siya at hindi na nagsalita.

Magkasama kami ngayon sa veranda ng bahay namin. Nasa baba kasi sila Mama. Kilala nila si Luke bilang kaibigan ko, at syempre bilang Student Teacher namin.

Gabi na ngayon at nakatingin kaming dalawa sa mga bituin sa langit

"Anong iniisip mo?" Tanong ko sakanya. Nakatulala lang kasi siya.

"Ah wala naman..."

"Ah.."

"Jasmine may sasabihin nga pala ako."

"Hmm?"

"Ang saya ko ngayon!"

"Bakit?"

Sasabihin mo na ba na masaya kang kasama mo ako lagi?

"Sinagot na ko ng nililigawan ko. May girlfriend na ko! Girlfriend ko na yung babaeng mahal na mahal ko."

In The Right TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon