Her POV.
"Anong sabi ng mama mo?"
"Noong una nadisappoint siya, pero ayun pinagpilitan ko lang. At eto, masaya nga ako. Tama ka, salamat Jas."
"Wala yun. Salamat nga pala dito sa softdrinks."
"Wala yun. Parang yan lang eh. Haha dun pa din ba kayo nakatira sa dati?"
"Hindi na e, lumipat na sa probinsya sila Mama. Ako nalang ang naiwan dito sa Manila nag dodorm ako."
"Ah. Ako may condo ako dito din sa Manila. Nasa states sila Mama e."
"Ah."
"Naalala ko lang Jas, bakit nga pala iniiwasan mo ko non? May problema ba?"
"Ah.. W-wala lang."
"Nako Jas. Haha." Parehas kaming natahimik. Gustong gusto ko itanong sakanya kung sila pa ba nung girlfriend niya. Gusto kong malaman kung may girlfriend pa siya. Kaso nahihiya ako.
Hindi ko alam kung paano ko itatanong. Nakakahiya naman kung magtatanong ako ng ganon. Parang ang awkward.
"Jas/Luke." Ayts. Nagkasabay pa kami. Awkward.
"Sige ikaw muna/Ikaw muna."
"Hindi ikaw na./Sige ikaw muna."
Tumahimik kami at sabay na tumawa.
"Ano bang sasabihin mo?" Itatanong ko na ba?
"Ah.. Ano kasi, Luke may gir--"
"Babeeee! Ano ba yaaaan. Kanina pa kita hinahanap e. Ang tagal moooo." Sa pagkakita ko sa babae na yon, parang yun na ang sumagot sa tanong ko.All this time, taken parin pala si Luke. Baka siya nga yung kinwento ni Luke sakin. Sila pa rin pala? Ang swerte naman.
"Ohhh. May kasama ka pala, sino siya?" Nakangiti sakin yung babae. Mukha siyang bata, ganun pala mga type ni Luke? Mga parang bata? Haaay. Sorry ha? Maliit lang ako pero hindi ako bata kumilos. Ayoko kasing, maliit na nga ako magpapakabata pa ko aba.
"She's Jasmine." Nakangiting sabi ni Luke. Medyo nanlaki naman yung mata nung babae tapos tumaas saglit yung kilay niya. Pero agad ding nawala yun at ngumiti siya.
"Ohh I see. Tara na Babeeee. Diba you'll make libreeee? Tara naaaa let's have a date naaaa. Lezzgooo." Hinila hila na siya nung babae.
Tumingin sakin si Luke na para bang tinatanong niya kung okay lang kaya ngumiti ako sakanya as assurance na okay lang.
Kaya tumango siya at umalis na sila. Haaaay. May girlfriend pa rin pala siya. Ano ba yan. Akala ko may pagasa na kami ngayon. Wala padin pala.
BINABASA MO ANG
In The Right Time
Short StoryIn the right time, everything will fall into place. It will fall to where they are supposed to. (c) TatianaJade