[3] Her POV

39 3 0
                                    

Her POV.


Sobrang nasaktan ako nung mga panahon na yun. Para bang, para bang pakiramdam ko pinaasa niya ko.

Akala ko, may nararamdaman na siya sakin kaya siya ganon. Pero yun pala, nakababatang kapatid lang ang tingin niya sakin. Siguro? Ewan. Hindi naman niya totally sinabi na nakakababatang kapatid, naisip ko lang

Ang liit ko kasi. Ayan tuloy.

Hindi ko siya pinapansin. Gusto kong maramdaman at malaman niyang naiinis ako sakanya at galit ako sakanya.

Gusto kong mamiss niya ako. Kung pano ko siya kulitin.

Naiinis ako sa sarili ko, naiinis ako kasi alam kong hindi kami pwede.

Bata ba ako?! 16 na ako ah. Isang taon nalang, magiging 18 na ko. Ganap na dalaga na. Bata pa din ba yon?

Kapag tumitingin siya sakin, ginagawa ko ang lahat para hindi mapatingin sakanya. Ginagawa kong busy yung sarili ko.

Nakikinig ako sa discussion niya, oo dahil ayokong may ibagsak akong isang subject.

Pero hindi ako nakafocus sakanya. Hangga't maaari, ayoko siyang isipin muna.

At buti nakikiayon sakin ang tadhana ngayon dahil hindi siya ang magdidiscuss ngayon, kundi yung totoong teacher na talaga namin. Nakaupo lang siya sa may likod.

Unfortunately, nasa pinaka likod ako. Bali nasa likod ko siya at nasa harapan niya ako. Naiinis ako dahil ang awkward. Para bang, ayokong huminga dahil alam kong nakatingin siya sakin.

Alam kong nakakahalata na siya dahil ilang araw na hindi ako sumasagot sa tawag niya at texts niya. Pag uwian, tatakbo agad ako palabas ng school para hindi niya na ako maabutan. Tapos pag nasa room, hindi na ako ang pinakamalakas tumawa sa mga jokes niya. At higit sa lahat, hindi na ako ngumingiti sakanya. Hindi ko na siya tinitignan.

Nagulat ako ng may biglang kumalabit sakin. Alam kong siya yon kaya hindi ko siya pinapansin. Pero paulit ulit na kalabit lang ang nararamdaman ko kaya dahil naginit na ang ulo ko, napasigaw ako ng.

"TNGINA ANO BA?!" Pagkaharap ko, laking gulat ko na hindi pala siya ang kumakalabit sakin. Kundi yung kaklase kong babae. Si Apple. Lunch na pala? Kakaisip ko sakanya, hindi ko namalayan lumabas na pala sila.

"Sorry. Bakit mo ba ako kinakalabit kasi?"

"Itatanong ko lang sana kung hindi ka ba maglulunch?"

"Ah. Hindi."

"Sige, lalabas na ko ha?"

"Sige." Magisa nalang pala ako dito sa room. Next month, birthday na niya. At next next month, gagraduate na kami. Makikita ko pa ba siya? Graduate na din ata siya eh. Baka maging teacher na talaga siya. Tapos hindi na kami magkikita.

Haaay. Ano ba naman yan Jas, sa sobrang pagiisip mo sakanya, naibubuntong mo sa iba yung init ng ulo mo.

Dumukmo ako sa arm chair ko tapos nagulat ako ng may biglang nagtext sakin.

From: Sir Luke :)

Hindi ka ba maglulunch?

Again, hindi ko siya nireplyan. Naiinis ako. Naiinis ako ng sobra.

Naiinis ako dahil napaka unfair niya. Kasi hindi niya alam na nasasaktan na niya ako sa ginagawa niya.

Hindi ko naman pwedeng sabihin na, "Luke.. sir, nagseselos po kasi ako sa girlfriend mo, pakibreak siya please?"

Hindi naman pwede diba? Kaya ayan siya, masaya siya. Samantalang ako, eto nasasaktan.

---*

Graduation na ngayon at eto ako handa ng grumaduate. Mamimiss ko ang high school life ko at syempre, mamimiss ko si Sir Luke na naging inspirasyon ko.

Wala siya dito ngayon kaya hindi ko alam kung paano ako magpapaalam sakanya. Kung magkikita pa ba kami or what.

Hindi ko rin siya maitext or matawagan kasi nasnatch yung phone ko last week lang.

Magkikita pa ba kami? Makikita ko pa kaya siya? O talagang kailangan ko nalang kalimutan lahat ng nabuo naming alaala?

In The Right TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon