[7] His POV

30 2 0
                                    

His POV
 
"Omg! Bakit siya umiiyak?! Bakit mo pinaiyak si Jasmine haaaa babe?!" Nagsisisigaw na si Keisha don. Hay nako ito talagang babae na 'to, kundi ko lang 'to pinsan itatapon ko na 'to. Ang arte e.

"E nagulat nga ako e, magsosorry palang dapat ako sa mga nagawa ko tapos bigla ka namang dumating tapos ayun biglang nagwalk out."

"Omg! Baka akala niya, girlfriend mo ko?! Babe naman o. As if namang papayag akong maging girlfriend mo! Ang pangit mo kaya!"

"Woah. Maganda ka ba?!"

"Yes and I'm also cute. Bleeee." Haaay. Baka isipin ni Jas...baka isipin niya... Haaaay sana naman hindi.

Nakakainis naman o, naunahan pa niya ko umamin. Gusto ko ako ang unang aamin. Gusto kong ligawan siya ng matagal na matagal. Gusto ko kasing iparamdam sakanya kung gaano siya kaespesyal.

Naikwento kasi niya sakin na never pa siya nagkaboyfriend. Kasi dati dapat magkakaron pero pinaasa lang siya. Kaya simula non, ayaw na niyang maniwala sa love.

Kaya nagulat ako na naramdaman pala niya sakin?

Ano nga ba ang nangyari noon? Ganito kasi yun.

Nung sinagot ako ni Cha, sobrang saya ko oo. Pero parang paglipas ng ilang araw, parang hindi ako sanay na ibang babae na yung katawagan at katext ko, hindi ako sanay na ibang babae na yung kasama kong kumain sa labas.

Unti unti kong namimiss si Jasmine. At sa unti unting pagkamiss na yon, unti unti na ding nabubuo yung pagmamahal ko sakanya.

Nainis ako sakanya nung hindi niya ako pinapansin. Ayaw na ba niya sakin? Ano bang meron?

Hindi ako nakaattend ng graduation dahil hinatid ko si Cha. Umalis na siya ng bansa at nakapagusap na din kami about dun. Buti naintindihan naman niya.

Hinanap ko si Jasmine, pero wala na sila sa dati nilang bahay.

Pero tadhana nga naman, magkasama pala kami sa isang university.

I grab the opportunity para mapalapit ulit sakanya. Pero ayun nga, hindi nanaman kami nagkita pagkatapos nung unang pagkikita namin dito.

Haaaay. Tadhana naman, dahan dahan lang. Tapos ngayon, napaiyak ko siya.

"Kei, kaya mo bang umuwi magisa? Pupuntahan ko lang si Jas."

"Ahmm, of course not! Pero dahil naman kay Jas kaya hindi mo ako mahahatid pauwi so okay lang! Hihi. Magsorry ka ha?! Magexplain ka para after that, palagi mo na siyang dadalhin sa house para tumambay tapos we'll go shopping! Yeheeey!"

"Nako ikaw talaga. Sige na, umuwi kana."

"Sige sige. Bye babeee!"

Ngumiti ako at tumakbo na papunta sa direksyon na pinuntahan ni Jas kanina. Nasan na ba yun?

Bigla akong napahinto sa kakatakbo. Parang gumugunaw na ng paunti unti yung mundo ko. Parang winawasak na yung puso ko.

Nakita ko lang naman si Jasmine na may kayakapang ibang lalaki. Hahahaha, siguro manliligaw niya yan. Siguro sila na. Sht.

It fckng hurts. Damn! Umalis na ako don. Fck wala akong mapapala.

In The Right TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon