Her POV
Iyak lang ako ng iyak habang tumatakbo palayo sakanila. Ang sakit sakit. Ayoko siyang makita. Ayoko...
"Omg, Jasy?!" Napahinto ako sa pagtakbo dahil nakita ko si Krissela at Toffy, holding hands as usual. Hehe segway.
Napatakbo ako kay Krissela at umiyak ako ng umiyak.
"Yaaaah, Jasy anong nangyariiii?!" Tanong ni Krissela.
"Krissela.. *sob* umamin na ko kay Luke.. *hulk* *sob*"
"Then?"
"Tapos... Parang gusto niyang magsorry tapos biglang dumating yung girlfriend niya. Parang nireject niya ko. Ganon yung feeling."
"Nakooo. Masama yan, Toffy. Dalhin mo si Jasy sa playground. Bantayan mo siya. Ihug mo siya ha? Kasi yun lang makakapagpatahan dyan. Bibili lang ako ng Ice cream, hindi mo kasi alam yung favorite niya e. Sige byee!" Tumakbo paalis si Krissela at ayun sinamahan ako ni Toffy sa playground at kinausap niya lang ako.
"Toffy... huhuhu mahal na mahal ko si Luke.."
"Haaay, Jasmine. Wala kasi tayong magagawa, kung ayaw satin ng taong mahal natin, we have no choice. The only choice we have is to move on."
"Pero mahirap.. Mahirap sobra."
"Alam ko. Pero yun lang yung kailangan mong gawin." Hinug ako ni Toffy tapos pinapakalma niya ko.
"Hindi naman siguro magagalit si Yobab, kung kakantahan kita diba? Ganun kasi yung ginagawa ko sakanya pag hindi siya maka-kalma, baka lang gumana sayo?"
"Ah wag na. Ayokong kinakantahan ako. Okay lang."
"Haha, basta ha? Andito lang kami para sayo. Parang baby sister na kita. Kaya kung kailangan mo kami, andito lang kami para sayo."
"Sige, salamat."
"Sige. Ayan na si Yobabskie." Medyo natawa naman ako. Ito talagang dalawa na 'to.
"Ito na yung favorite mo o Jassssyy! Smile naaa!"
Ngumiti naman ako sakanila.
"Salamat ha? Palagi kayong nandyan. Sorry naistorbo ko yung moment niyo hahaha."
"Ok lang yun--" Magsasalita pa dapat si Krissela."Anong ok? Hindi no dapat ngayon nandun na tayo sa bahay niyo specifically sa kwarto--Aray! Biro lang naman by! Napaka brutal mo talaga."
"Dami mo kasing alam sugarplum!"
Hinug nalang siya ni Toffy tapos natawa na din ako. Haaay. Wala pa ding pinagbago.
"Pero seryoso, okay lang talaga yon Jas." Nakangiting sabi ni Toffy.
"Sige, una na ko ha? Ingat kayo pauwi. Salamat sa pagcomfort sakin."
"Sige sige. Ingat ka din. Gusto mo ihatid ka na namin?"
"Di sige wag na. Kaya ko naman."
"Sigurado ka ha?"
"Oo."
Hinug muna ako ni Krissela bago sila umalis.
Haaay. Pagibig nga naman.
BINABASA MO ANG
In The Right Time
Short StoryIn the right time, everything will fall into place. It will fall to where they are supposed to. (c) TatianaJade