Hindi ako makapaniwala sa aking nakikita.
Bigla nalamang nagliwanag ang itim na libro, pagbukas ko nito ay mga blankong pahina noon ay unti-unting nagkakaroon ng sulat.
Nabitawan ko ito sa sobrang pagkagulat, wala akong maintindihan sa mga nangyayari ngayon.
"Basahin mo." aniya at ibinigay sakin ang libro.
Unti-unting pumatak ang aking mga luha matapos masagot lahat ng katanungan.
Ni minsan ay di ko naisip na hindi ako nabibilang sa mundong ito. Ni minsan di ko inakala na may iba pa palang mundong tinitirhan ng ibang mga nilalang.
"Handa ka na bang sumama patungo kung saan ka nararapat?"
Iniabot niya ang kaniyang mga kamay at nagliwanag ang buong paligid. Isang kakaibang liwanag na ni minsan ay di ko pa nakita.
"Nasaan na tayo?" tanong ko habang iniikot ang aking mga mata sa napaka-gandang paligid. Sa harapan namin ay may nakatayong napakalaking gusali.
"Nasa mundo tayo ng Gods and Goddess, ang nasa harapan mo ay ang bahay ko." nanlaki ang mga mata ko sa kaniyang sinabi. Di ako makapaniwalang ang pinaka normal na bahay sa mundong ito ay mala-palasyo na sa mundo ng mga tao.
Bumukas ang napakalaking gate sa aming harapan na halatang gawa sa ginto at pilak.
Sa labas palang ng kaniyang bahay ay tanaw na ang napakalaking hardin. Pagkapasok namin sa loob ay pumukaw sa aking atensiyon ang napakalaking ginintuang libro.
"Ano ito?" muli kong tanong dahil sa kuryosidad. Ngunit pagkaharap ko palang sa kaniya ay bigla na akong nagsisi. Bakit ba ang hilig mag-topless ng lalaking ito?!
Napangisi na lamang siya at ibinalot sa kanya ang puting tela.
"Hubarin mo na iyang damit mo." lalong nanlaki ang mga mata ko sa kaniyang sinabi.
"A-ano?! B-bat naman ako maghuhubad?!" wala sa sarili kong iniharang pa-krus ang mga kamay ko sa aking dibdib. Ano bang iniisip niya?!
------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Thank You for Reading!!
Kindly vote and leave a comment
YOU ARE READING
The Fallen Poems
General FictionMadalas ang takbo ng buhay ng tao ay bigla nalang mag-iiba. Kung akala mo ay madali lang mabuhay ay nagkakamali ka, sa isang iglap lahat ng meron ka ay pwedeng mawala. Sa gitna ng kadiliman, may isang nilalang na handang tumulong kay Zephyrine, ng...