Kabanata 12

388 9 0
                                    

Kabanata 12

Inside

I remained silent while we were heading home. Cristan's smug smile was plastered on his face, mocking my irritated mode. He's been like that since in the hospital; nanunuya ito sa akin na mas lalong ikinainis ko.

Just like what my father said, Cristan bring me home. Kahit ayaw ko sana, utos iyon ni General, tsk.

Nanatili akong tahimik lang habang binabagtas ang kahabaan ng kalye. Memories lingered in my mind. Kung paano ako napunta sa firing range was because of Ruin. He lied to me. He said he'd be out of the country, tapos makikita siya ni Tiara somewhere, and the worst part is that he was with someone else.

My phone beeped for a text message, which brought me back to my senses. It was from Ruin.

Ruin:

I heard what happened. Are you okay now?

Napabuntong hininga nalang ako dahil sa mensahe nito. Just like that? I can't feel that he's worried, tho. Nakita ko ang bahagyang paglingon ni Cristan sa gawi ko, pero hindi ko ito pinansin.

Ako:

Hmm, I'm fine. Where were you?

Ilang minuto pa muna ang hinintay ko bago nag-reply si Ruin. I am so irritate right now.

Ruin:

I'm in my condo. Na-cancel ang flight ko yesterday, at ngayon pa ako matutuloy sa pag-alis. You take care, okay?

I gritted my teeth dahil sa sinabi nito. He didn't even tell me yesterday that his flight was cancelled! Ngayon niya lang iyon sasabihin, which is, aalis rin kalaunan? And what is it? He's texting me like nothing happened yesterday?

Hindi na ako nag-abalang mag-reply pa. I am pissed, and I don't want to argue with him. I blink my eyes to prevent tears from forming. I won't want to cry when I'm with Cristan, I'm sure, tatawanan lang ako nito.

I remained silent the whole ride; nagsalita lang ako nang malapit na kami sa subdivision.

"Can you... drop me off at Ruin's condo?"

Kagat-kagat ko ang labi ko dahil sa hininging pabor. Nag-aalangan ako dahil baka may gagawin pa itong importante sa opisina at pinagbigyan lang si Daddy dahil nakakataas ito.

I bit my lower lip when Cristan glanced at me. Gusto kong puntahan si Ruin at kausapin ito, but maybe, huwag na lang.

"Uh... never mind, I know you're busy..." agap ko, nahihiya dahil hinatid na nga ako, nag-request pa ako ng ibang bagay.

I glance at him and saw his forehead creased before he U-turned the car. My eyes widened, gulat ko itong tiningnan.

"Uh... o-okay lang naman na h-hindi na..." My voice stutters, hindi magkanda-ugaga sa pagsasalita. "At... baka may gagawin ka pa." Cristan cocked his head and looked my way.

"We're heading, so it's fine," he simply said and looked away. Tumahimik na lang ako at hindi na nagsalita pa. Nahihiya ako na baka isipin nitong napaka-arte ko, hihingi nang pabor, tapos ngayon hihindi na.

Hindi naman ganoon kalayo ang condo ni Ruin, kaya ilang minuto lang ang biniyahe namin ay narating na namin agad ang lugar. Cristan parked his expensive car in the parking lot, and I scanned the whole place as I got out of the car to check if Ruin's car was there. And I was right; it's in his usual area, kaya dali-dali lumabas ng tuluyan.

"I'll be back ASAP, but kung may importante ka pang lakad, you can go already. Don't worry about my father; I can explain to him, and... thank you," tuloy-tuloy na saad ko kay Cristan, at tumiim lang ang bagang nito.

"I'll wait for you here. I'll bring you back to your home."

Cristan raked his fingers through his hair before he put it inside his pocket, kaya bahagya akong natigilan, namamangha siyang pinagmamasdan. I slowly nodded, bago naglakad palapit sa elevator.

I don't know why I felt nervous. Kinakabahan ako sa isiping naghihintay si Cristan sa akin sa baba, and here I am, heading to my boyfriend's unit. Hindi ko alam bakit ang sagwa noon isipin ko. I feel like I'm cheating on him, and he'll just let me do that thing as long as it makes me happy. It feels like he's just tolerating my whims.

Nasa tamang palapag na ako, pero hindi ko man lang magawang kumilos para lumabas ng elevator. My mind was still on Cristan's, kaya nang sumara ulit ang elevator ay napabuntong hininga na lang ako, at nagpasyang bumaba na lang ulit.

Pagkabukas ng elevator ay agad kong nakita si Cristan na nakahilig sa harap ng kanyang sasakyan. He jammed his hand in his front pockets habang nakayuko. I took a deep breath and slowly walked towards him.

My chest rose and fell with rapid beats when Cristan's serious pair of eyes raked my body up to my face with his usual knotted forehead. Bahagya kong nilakihan ang hakbang, kahit na sa mahinang paraan. He looks dashingly handsome in his pose and his uniform. Now I know why women flock to him. He has this air of coolness that can make you stop and stare at him and then fall without knowing it.

"You came back fast."

Malapit na ako nang sinabi niya iyon na para bang isang himala ang pagbalik ko kaagad. I stiffened when he stood straight and walked near me. Doon ko lang din napagtanto ang agwat ng tangkad namin. He's towering over me, even if I am 5'5, hanggang ibaba lang niya ako ng kanyang tenga. I pouted because of that.

Napakislot lang ako nang tumunog ang sasakyan nito at binuksan ang front seat. Halos mangapa pa ako kung ano ang gagawin dahil sa nakakaliyong titig nito.

My eyes roamed around as I bit my lower lip, but I looked back at his lips again. It looks reddish now because he licked it and watched me intently. Para akong kinakapos ng hininga, lalo na at sobrang lapit niya sa akin. Hawak-hawak pa rin nito ang pintoan sa likod ko, at halos dalawang dangkal lang ang layo namin sa isa't-isa.

Even his expensive perfume lingers on my nostrils na muntik nang magpapikit sa akin kung hindi lang ito nagsalita ulit.

"Get inside; I'll drive you... home."

Never Been Yours -COMPLETED (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon