Kabanata 30

544 11 1
                                    

Kabanata 30

Take

Wala sa sarili kong tinawagan si Cristan. Isang ring pa lang ay agad na nitong sinagot ang tawag ko.

"Baby?"

Mas lalo akong naiyak dahil sa bungad ni Cristan sa akin. His soothing voice gave me a pain.

Ilang beses muna akong huminga nang malalim bago sumagot.

"P-Pwede ba tayong m-magkita?" Pigil ang hikbi na tanong ko.

"Are you okay?" Rinig ko ang nag-aalalang boses ni Cristan. Tahimik lang akong lumuha para hindi ito mag-alala sa akin.

"Yeah... I just m-miss you..." Narinig ko ang mahinang buntong hininga ni Cristan sa kabilang linya. Alam kong hindi ito kumbinsido sa sinabi ko.

"Where are you? I'll pick you up."

"Nasa shop... thank you."

"Wait me there. I'll be there in 10 minutes, okay?"

Tumango ako kahit hindi naman ako nakikita ni Cristan bago binaba ang tawag. Doon pa lang ako humagulhol ulit. Hindi ko man lang magawang sisihin ang kahit na sinuman, lalo na si Ruin, kung bakit hindi ako nito magawang mahalin sa paraang gusto ko, dati. Naiintindihan ko kung gaano iyon kasakit para sa kanya na pakisamahan at mahalin ako dahil lagi niyang maaalala si Amira. I can't blame him.

Nasa labas na ako ng shop, naghihintay kay Cristan, kaya pagbaba pa lang nito sa sasakyan ay dumiritso agad ito sa akin. I hugged him tight at humagulhol na naman nang iyak. I cried in his arms, at mahigpit ako nitong niyakap at hinahagod ang likod ko.

Muling nangibabaw sa isipan ko ang nalaman. Ang mga sakripisyo ng mga taong nasa paligid ko. Si Amira, si Ruin, si Cristan, my family, lahat sila, nagsakripisyo sa akin. Hindi ko magawang magalit at manisi sa kanila. They just wanted to protect me.

Inakay ako ni Cristan papasok sa sasakyan niya nang humupa ang pag-iyak ko. He put my seat belt on at nagmadaling pumunta sa driver's seat. He also gave me a bottle of water to calm me down. Hindi na rin ako umimik habang nagmamaneho na si Cristan. Panay ang sulyap nito sa akin, pero hindi naman ako pinilit na magsalita, na ipinagpasalamat ko.

Sa isang over looking view ako dinala ni Cristan. Makikita sa kinaroroonan namin ang buong Isla Grande ngayon. I haven't been in this place, kaya humahanga ko itong tinanaw at dinama ang preskong hangin na dumadampi sa balat ko.

The sun is setting to its final view, na mas lalong nagpaganda sa paligid. Gumaan din ang pakiramdam ko dahil dito.

Cristan's arms snaked on my waist at ipinuwesto nito ang mukha sa pagitan ng balikat at pisngi ko. I can feel his heart beats rapidly, dahilan para maalala ko ulit ang dahilan ng matiniding pag-iyak ko kanina.

"Do you like it, hmm?" Walang kasing lambing ang boses ni Cristan nang itanong iyon, kaya munting tango lang ang sinagot ko.

Sa isang iglap, bumuhos ang mga alaalang nakalimutan ko. I see myself laughing with Amira while we're in Euthopia. Ang tawanan namin, ang pagsama ko sa kanya sa racing field, at ang pagsama nito sa akin sa firing range.

Nandoon din ako sa araw na nag-propose kay Amira si Ruin, which happened in a nearest island in Isla Grande. I was clapping happily with tears on the corner of my eyes while Amira's tears are streaming down.

Mahigpit akong napakapit sa railings nang biglang sumakit ang ulo ko.

"Are you okay?" nag-aalalang tanong ni Cristan, pero hindi ko man lang magawang sumagot.

Mas lalo kong idiniin ang pagpikit ko sa mga mata ko dahil sa biglang naalalang malakas na pagsabog.

I heard people weeping after the loud noise. I saw clearly in my memory my co-trainees panicked. Ang iba ay humandusay sa ground.

Never Been Yours -COMPLETED (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon