Kabanata 02

644 19 0
                                    

Kabanata 02

Unregistered

Pamilyar na amoy ng silid ang nabungaran ko paggising. Nasa hospital ako base pa lang sa amoy ng alcohol at kulay ng kwartong kinaroroonan ko. Sa huli kong naalala ay kasama ko si Ruin sa isang restaurant, kumakain.

Dahan-dahan akong bumangon para alamin kung nasa silid ba si Ruin. Agad naman akong nakaupo ng maayos at humilig sa headboard ng hospital bed. Napapikit pa ako dahil may kaonting sakit pa ang ulo ko.

I open my eyes when I heard the door open at pumasok si Mommy.

"Thanks God and you're awake. What happened to you, Swain? I almost have a heart attack when Cristan called us," agad na bungad ni Mommy. Napakunot ang noo ko nang marinig ang binanggit nitong pangalan.

"Cristan? Who's that? I'm with Ruin earlier, Mom, before I lost my consciousness," nagtatakang tanong ko.

"Cristan... he is our f-family f-friend, naroon siya sa restaurant noong hinimatay ka kaya siya ang tumawag sa akin. Si Ruin ang naghatid sa 'yo sa hospital at nagpaalam siya na aalis kanina dahil may meeting itong pupuntahan." I nodded.

Pagkatapos akong kumustahin ni Mommy ay nagpaalam muna ito na aasikasuhin lang muna ang bills ko para makalabas na. Ayon daw sa doctor ay dahil lang daw sa kulang ang tulog ko kaya nahihilo ako. Well, it's really true, kasi this past few nights kulang lagi ang tulog ko dahil sa pagsali ko sa racing gabi-gabi. Anemic na siguro ako.

Ruin called me when I got home. Kinumusta ako nito at pinadalhan ng bulaklak. Nagpaalam rin ito na mawawala for a week dahil may out of the country meeting ito for one week.

Kinagabihan, binisita ako ni Daddy at Ate Sammy sa kwarto. Daddy keeps on saying na mag-iingat ako palagi at 'wag masyadong magpupuyat. Kabaliktaran sa mga sinabi ni Ate Sammy.

"Look what happened to you, Swain. I already told you to stop that game of yours. It's not funny, you know?"

Nangalumbaba ako dahil sa sinabi ni Ate Sammy.

"And you already know what is my answer to that, Ate Sammy," walang ganang sagot ko.

She rolled her eyes at me at sinamaan ng tingin ulit.

"Sige, huwag mong itigil 'yan. Huwag ka na ring matulog, Swain, nahiya ka pa ei."

I groaned at her remarks bago ito tuluyang lumabas ng kwarto ko.

Nakahiga lang ako sa kama habang nakatitig sa kisame. Kanina ko pa pilit iniisip kung sino ang lalaking nakita ko noong isang gabi. Bakit t'wing nakikita ko ito, bigla-bigla na lang akong nahihilo, and worst is, nawawalan ng malay. Just like what happened in the falls where I felt dizzy when I saw that man.

'Who are you?' I asked in my mind. 'Bakit parang kilala kita na hindi? Bakit parang...'

I was snapped from my thoughts when my phone rang.

Unregistered number?

I sighed before I pick up my ringing phone.

"Hello, Sahara Wynne, speaking?" Yamot at nakakunot ang noong sagot ko.

Walang nagsasalita sa kabilang linya. Napabuntong hininga ako ulit.

"Hello?" I asked again pero lumipas na ang ilang segundo, wala pa ring nagsasalita sa kabilang linya.

"Hello. Who's this?" But as usual, there's no answer and it's pissing me off.

"If you don't have a plan to talk, don't call! Tang inang trip 'yan! You're just wasting my damn ti—"

Never Been Yours -COMPLETED (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon