Kabanata 25

424 10 4
                                    

Kabanata 25

Stay

It's been a month since I talked to my family about it. Most of the time, I'm not in the mood to talk to anyone, dahil palaging naglalakbay ang isipan ko sa mga nalaman ko. Feeling ko, kinokontrol ako. Ayaw nila na ako ang magdesisyon sa sarili ko. Never ko pang naramdaman ang ma-insecure sa iba, dahil alam ko sa sarili ko kung ano ang meron ako na wala sila. Pero sa bawat araw na dumadaan, nilalamon ako ng insecurities ko. Nai-insecure ako kasi okay sila, wala silang problema na katulad ng sa akin. They haven't lost their memories. Ako, meron.

Do I know myself enough? This is the question that always makes me think hard. Bukod sa mga nalaman ko nitong mga nakaraang buwan, ano pa ba ang hindi ko alam? Siguro naman tama na iyon? My life is full of surprises; mga surpresang hinding-hindi ko magugustuhan kailanman man.

"Ma'am may bisita po kayo."

Nag-angat ako nang tingin mula sa binabasa kong libro nang sabihin iyon ng katulong. Nasa veranda ako at inubos ang oras sa pagbabasa.

Agad dumapo ang tingin ko sa taong nakasunod dito. Cristan is wearing his uniform and standing snappily a few meters away from me. He looked so damn intimidating and hot at the same time. Seryoso itong nakapako ang paningin sa akin.

Napadako ang mga mata ko sa bitbit nitong bulaklak, at sa hindi malamang dahilan, para akong sinasaksak dahil sa sakit na naramdaman ko.

I can't think enough of how he handled the pain at tiniis na makita akong kasama ang ibang lalaki through the years, how it pained him every time he saw me happy with someone else. Ako iyong labis na nasasaktan sa isiping iyon. And I'm starting to adore him because of that; he's been strong in enduring that pain.

"Good... morning."

I parted my lips at agad na suminghap ng hangin. Para akong kinakapos nang hininga dahil sa boses nitong walang kasing lambing. He looks so rough and hard, but his eyes, while staring at me, were gentle.

"G-Good morning..."

I bowed a bit at kinagat ang pang ibabang labi para pigilang manginig ang boses, but I didn't make it. Unti-unting bumagsak ang mga luha ko, kaya ilang hakbang lang ang ginawa ni Cristan at nasa paanan ko na agad siya. Lumuhod ito para maging pantay ang paningin namin. Nag-iwas ako nang tingin, nahihiya sa biglaang pag-iyak.

"Sshh... what's wrong? May masakit bas a 'yo?" he asked with his soft voice. Mas lalong nanikip ang dibdib ko at napayuko.

Cristan held my hand and placed the flower on the table, katabi ng librong binabasa ko kanina.

I bit my lower lip. Nakokonsenya ako. Naisip ko iyong mga taong kasama ko si Ruin at masaya kami. Ngayon, kinokonsensya ako ng mga iyon dahil sa lalaking nasa harapan ko ngayon. All this time, nagpaparaya at nagtitiis pala ito para sa akin.

"I-I'm sorry..." I muttered. Sobra-sobra akong nakokonsenya. "A-Are you mad at... me?" dagdag ko sa mahinang boses at nag-angat nang tingin.

Ang makakapal nitong kilay, ang mapilantik nitong mga pilik-mata, ang mapupungay nitong mga mata, ang mariing pagkakatiim nito ng bagang, ang matangos nitong ilong, at ang mapupula nitong mga labi—how could I forget all of this? Paano kong nakalimutan ang lalaking ito? Bakit hindi applicable sa akin ang sinasabi nilang maaalala ng puso ang nakalimutan ng isip? Bakit hanggang ngayon, hindi pa rin mahanap ng puso ko iyon?

"I will never be mad at you, even if you did something wrong. Not that you want it to... because I love you so much, and I can't stand to be mad at you even for just a second," madamdamin nitong saad at pinagsiklop ang mga daliri namin.

"I will fight for you... I will fight for us," dagdag niya. He sounds so sure about it.

Hindi ko magawang magsalita pa. Ayaw kong pilitin ang sariling magsalita at maiyak lang kalaunan.

"I will still choose to stay, even if it hurts so bad."

I closed my eyes and let my tears stream down my face. Ramdam na ramdam ko ang sakit at hirap na naramdaman ni Cristan nang sabihin ang mga katagang iyon. I feel his fingerstips traced on my cheeks; kaya mas lalong nagpaiyak sa akin.

How heartless am I to feel the same pain for different people for the same reason? Nasasaktan ito dahil sa akin, at nasasaktan ako dahil kay Ruin. It ripped my heart apart to see his genuine smile, assuring me that he was fine.

Cristan flashed a smile when I looked at him.

"Why do I keep falling in love with the wrong person?" I mumbled. I heard him sigh, pero nanatili pa ring nakaluhod sa paanan ko.

"I hate the fact that you're not mine anymore." I closed my eyes tightly.

"Even if you've hurt me unintentionally so many times, I am still willing to understand and love you, like I am not hurt... because that's how much I love you."

I cried out. I don't deserve this kind of man, but I can't let him go, either.

"S-Sorry for causing you too much pain, but I just want to ask you something." Cristan nodded at me.

"P-Please... stay with me while I'm fixing myself," I howled slowly.

Never Been Yours -COMPLETED (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon