Kabanata 01

1K 24 0
                                    

Kabanata 01

Familiar

"Tigilan mo na nga 'yang kasasali mo sa racing na 'yan, Swain. Inuubos mo lang ang oras mo sa walang kwentang bagay."

Walang gana kong tiningnan si Ate Sammy dahil sa sinabi nito. Pababa pa lang ako sa hagdan dahil kagigising ko lang ay sinalubong na ako nito ng galit na mga mata. Nakasuot na ito ng military uniform at handa nang umalis.

Alas nueve na ng umaga ako nagising dahil halos alas kwatro y medya na kami natapos kagabi sa racing. Puyat na puyat ako tapos bunganga ni Ate Sammy ang sasalubong sa akin.

I sighed.

"Where are mom and dad?" Imbes na patulan si Ate Sammy sa nginangawa niya ay minabuti ko na lang na magtanong. Tinaasan ako ni Ate ng kilay kaya pinaikotan ko ito ng mata.

"Did you expect to see our parents when you woke up late?' balik-tanong nito sa akin kaya nagbuntong hininga na lang ako. "Itigil mo na 'yang kasasali mo sa racing, Sahara Wynne, mapapahamak ka lang niyan!" ulit ni Ate Sammy. I just rolled my eyes again. She's really annoying for god sake.

"Inaano ka kasi ng racing, Ate? Galit na galit ka eh."

Imbes na makipagtarayan, naglakad na lang ako papunta sa living room para magtimpla ng kape. Sobrang inaantok pa ko. Kung hindi lang talaga ako kinulit ni Tiara kagabi na mamasyal ngayon ay hindi pa sana ako babangon. Ilang gabi na ring kulang ako sa tulog dahil sa pagre-racing. When I was in Italy, motor racing was my past time. I am a good racer there. Kaya nga lagi akong pinapagalitan ni Ate Sammy dati kasi lagi akong nasasangkot sa disgrasya noon. Pero kahit ganoon ay ilang beses na rin akong nanalo sa pagsali-sali ko sa mga motor race contest.

Paglabas ko sa living room wala na si Ate Sammy. Sabi ng katulong ay umalis na raw at nagpunta na sa trabaho. Nagkibit-balikat na lang ako at ti-next na lang si Tiara.

Sa araw-araw na gumigising ako ay minsanan ko lang naaabotan sina Mommy at Daddy dito sa bahay. Kadalasan ay wala na sila katulad na lang ngayon. Laging maaga ang mga itong pumupunta sa trabho.

Isang oras na kaming nakaupo sa Euthopia. Tiara was enjoying herself while watching the coffee shop's owner, who was busy on his laptop. I know this man; it's Lorenzo Ferrer. Kilala ito dahil sikat ang Euthopia lalo na sa mga mag-aaral ng Sierra Leona Colleges.

Tiara got a smirk from me. When it comes to gorgeous men, Tiara never takes her gaze away from them.

"Stop that, Tiara!" saway ko kalaunan dahil nakangiti na itong parang timang. "You're creepy, don't you know that?"

Tiara looked at me and pursed her lips.

"You know what, you're so KJ. What happened ba kasi after the racing kaninang dawn?"

This time, Tiara's attention was all on me. Nauna kasi itong umuwi kagabi dahil tinawagan ito ng pinsan na magpapasundo sa airport.

Pagkatapos kasi ng racing ay didiritso pa sana kami sa Shanden's para sa victory celebration namin. But there's a policeman na sumita sa amin at pinapauwi na kami dahil daw nakaka-isturbo ang tunog ng mga motorsiklo namin. What did he expect for a motor race, naka-silent mode?

"Duh, just an annoying policeman na sumita sa amin kagabi. So, later, we're going to Shanden's, we'll continue the celebration." Malapad ang ngisi ni Tiara nang sabihin ko iyon. Why not? Tahanan ng mga gwapo ang Shanden's Bar tuwing gabi, isa na doon ang playboy nitong ex na si Garvy, ang bartender ng bar.

"Okay, I'll be there," nakangising saad nito.

"I expected that already, bitch; I know you'll never say no when it comes to Shanden's, a bar where the Villafranca, Arceos, Fueleros, and Svalbards' favorite place is." I sipped on my iced tea kaya bumuhanglit nang tawa si Tiara.

Never Been Yours -COMPLETED (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon