Kabanata 03

546 17 0
                                    

Kabanata 03

Congratulations

"W-Wha—"

Hindi ko natuloy ang sasabihin ko sana dahil agad na humarap si Agent Fuelero kay Ate Sammy.

Nanatili akong gulat.

"Anyway, Lieutenant, I'll go ahead. May mga aasikasuhin pa kasi ako sa opisina," paalam nito kay Ate Sammy. Agad namang tumayo si Ate at nakipagbeso sa kaharap dahilan para umismid ako.

"Okay, take care, Cristan."

"I'll go ahead, Ms. Swain."

Tipid na tango lang ang ginawa ko bago ito tumalikod.

"I'll escort you, Cris." Napabalik ang tingin ko kay Ate Sammy nang sinabayan nito si Agent Fuelero sa paglalakad palabas. Nag-uusap pa ang mga ito hanggang sa tuluyang nawala sila sa paningin ko.

Nanatili lang akong nakatayo sa may sofa hanggang sa nakabalik si Ate Sammy. Narinig ko rin ang tunog ng motor na papaalis na.

Naka-motor siya?

Tinaasan ako ng kilay ni Ate Sammy nang makita ako nitong nakatayo pa rin sa may sofa.

"I thought you're going to take a dip?" taas-kilay na saad nito.

"Uh... Ate, matagal na bang family friend natin si Mr. Fuelero?" kuryuso kong tanong.

"Yes. And he's the one who called Mommy when you passed out at the restaurant when you're with your-so-called boyfriend." Ate Sammy rolled her eyes at me as she quoted her words about Ruin. But it isn't what captured my attention.

"Ate, don't be so mean to Ruin. And, did he call me in my second name awhile ago? I mean, he called me Wynne," litong saad ko.

"He called you 'Swain' not Wynne. Nakakita ka lang ng gwapo nabingi ka na. Maligo ka na nga lang doon dahil may tatapusin pa ako." Ngumiwi ako dahil sa sinabi ni Ate Sammy.

Naupo si Ate Sammy sa sofa at agad na nagsimulang mag-type sa laptop. Nakakunot ang noo nito at feeling ko bubuga ito ng apoy kapag inisturbo ko.

"Uh... Ate," tawag ko ulit.

"Yes?"

"Uh... ano nga pala ang sadya no'n rito?" I bit my lower lip dahil sa tanong ko. This time, Ate Sammy looked at me and took a deep breath. "Okay fine. Hindi na ako magtatanong. Maliligo na ako," agad na paalam ko dahil parang napikon na yata si Ate Sammy sa akin.

Naglakad ako patungo sa living room pero narinig ko pa ang sagot ni Ate Sammy kaya nilingon ko ito.

"He's here because of an important thing, and he invited me for a dinner date." Ate Sammy smirked at me. I twisted my lips.

"Uh... okay. Enjoy then." Nagkibit-balikat ako bago tuluyang nagpunta sa pool.

Ilang beses kong paulit-ulit na inisip ang pagtawag sa akin no'ng Agent Fuelero kanina. At ilang beses ring sinabi ng isip ko na tama ang narinig ko. Tinawag niya akong Wynne. Pero bakit sabi ni Ate Sammy, Swain naman daw ang tawag nito sa akin?

Sa inis ay itinuon ko na lang ang atensyon sa pag-e-scroll sa social media.

I scrolled up and down to comfort myself. Ilang scroll up and down pa ang ginawa ko nang may biglang nag-pop up na notification sa friend's list ko. Agad kong che-neck ito at napakunot ang noo ko nang makitang isang Cristan Fuelero ang nag-send ng request sa akin.

I always stalk everyone before I accept them, lalo na kapag hindi ko kilala. Wala akong ibang makita maliban sa kakagawa pa lang nitong account at wala rin kaming mutual friend.

Never Been Yours -COMPLETED (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon