Cafe Ajero's

1 0 0
                                    

[Keyla POV]

"Ah maam, pasensya na po kanina ah. Ewan ko ba dun kay sir bat natulala hahahah" pagpapaliwanag ng crew, and I think his name is Gerald from his nameplate.

"Ah ok lang naman hahaha don't be sorry." I just smiled.

"Ang ganda nyo po kasi maam eh, kaya natulala si Sir" Sabi nya habang pina-punch yung order ko.

"Sus, nambola pa hahaha thank you anyways." I gave him the money and smile.

"Name po maam?"

"Gerald? Ako na dyan, asikasuhin mo nalang yung ibang mga costumer." bumalik yung cute guy kanina.

He's cute. Matangkad, maganda built ng katawan. Gwapo, basta. He looks like a kdrama actor. Parang ganon.

Makinis sya parang walang pimple kahit isa at he looks professional. He's wearing a pink polo na naka-tucked in ung left side then yung kabila hindi. Parang pormang KPop pero he looks professional parin. Tapos bitin na slacks pants, color black then plain black rubber shoes, kita pa nga pink nyang medyas eh.

Maganda yung mata nya, singkit pero hindi masyado. The jaw line was perfect. Matangos ilong, kissable lips at perfect ang ngipin.

Shockkkks! Bakit parang kinakabisado ko ung mukha nya-

"Maam? Ok na po ba? Nakabisado nyo na po ba mukha ko?" He's grinning.

What the heck?! Ganon na ko katagal na nakatitig sa kanya? Ilang seconds or minutes? Arrrrggggh! Nakakahiya.

"W-what?" I fake a smile. Shocks nakakahiya yata yung ginawa ko, fuck it!

"Name po maam? Kanina ako ung natulala then ikaw naman po hahahaha" nakakahiya talaga, nakakainis.

But aaminin ko, na-attract ako sa kanya. He looks familiar at may kakaiba akong nararamdaman. I feel there's a connection between us. Parang nagkakilala na kami dati.

"Hmmm sorry hehehe Keyla. My name is Keyla."

"Ok po maam, serve ko nalang po. Thank you po." Patalikod na sana ako naalala ko yung change ko. Wala akong dalang ibang pera.

"Wait! My change?" Nilahad ko yung kamay ko habang nakapamewang.

"Ay eto po hehehe nakalimutan ko po. Here's your change maam Keyla" Bumilis ang tibok ng puso ko nang banggitin nya ang pangalan ko.

What the heck is happening to me? Normal naman ako diba?

"Thanks."

Umupo ako sa bandang gilid sa left side. Tanaw na tanaw mo ang labas. Medyo magulo ang view pero ok naman. Table for two yun actually, pero I don't care. Wala namang masyadong tao.

Nilabas ko ang phone ko and earpods. Pero bago ma-play ang music may naglapag ng tray sa table ko.

2 large na cups and 2 strawberry cake slices, hindi nya ba nakita na may naka-upo na dito? Tsk.

"Look, may naka upo na dito." sabi ko habang naghahanap ng song, without looking kung sino ang naglapag ng pagkain. "Get yourself another table-" pag-angat ko ng tingin, yung manager ata nila, basta yung cute guy kanina.

"For you, maam Keyla." Lapag nya ng mga pagkain sa table from the tray.

"I did not order that one." sabay turo ko sa strawberry cake slices, it looks yummy pa naman.

"Ah eto ba? That's my treat. Please take it." Treat? Sino ba to?

"Sorry but I don't talk or take any thing from a stranger. Thank you but no, thanks." I smiled. Baka mamaya may gayuma yan eh. Mahirap na.

"Look, hindi ako masamang tao," he pulled the chair then umupo sya. Aba ang kapal naman nito. I did not invite him naman to sit eh, "sorry about earlier, I didn't mean to look at you that way, sorry." what's the big deal with that? Wala naman kasi.

"No big deal sir, and don't be sorry, wala ka namang ginawang masama." Ngumiti lang ako.

Shocks ang ganda ng mata nya, he looks sincere. Tsk.

Hindi ko maiwasang tingnan ang mga mata nya, pababa sa matatangos nyang ilong, pababa sa lips nya, and then he smiled.

"Lester, Im Lester, by the way." nag offer sya ng shake hands. And I grab it.

Grab it? Ano yan opportunity? Hahahahah what am I doing?

Ang lambot ng kamay, parang walang ginagawa na gawaing bahay. Ano ba to? Bat ganto naiisip ko?

For Pete's sake, I just met him earlier, and now kung ano ano na naiisip ko?

"Can I join you here?" Wala na kong magagawa, nakaupo na sya eh, alangan naman patayuin ko pa sya diba?

"Kung nagdududa ka, I will get you another slice there, baka isipin mong may lason yan eh, or worst may gayuma. Gerald?!" na-sense nya yata na nagdududa ako ng very light sa kanya.

"Yes sir?"

"Palitan mo to, kumuha ka ng another slice, tapos sa inyo na to."

"Yes sir. Comingggg!" kinuha naman ni Gerald yung cake slice na tinuro ni Lester.

Why am I letting a stranger share a table with me? I don't even know him. Why did I let him? Tsk.

Im Not HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon