Meet My Sister, Andrea

0 0 0
                                    

[Keyla's POV]

It's 2 AM. Hindi ako makatulog, damn it!

Kanina pa ko paikot-ikot sa hospital bed, medyo kumikirot nga yung dextrose ko kakagalaw ko.

Si Lester, tulog na tulog na sa sofa. Mukha kang hindi natulog to kagabi. Ang himbing ng tulog nya.

Bumaba ako ng kama at lumapit sa kanya. Inayos ko yung kumot nya, malapit na kasing malaglag sa sahig.

Ang gwapo.

His eyes, sobrang sincere pag tinitingnan mo.

Yung ilong nya, pwede kang mag slide sa tangos.

Yung lips, ang kissable. Ang pula, parang may liptint lagi.

Yung jawline, ang perfect.

Yung katawan, ang ganda. May 6-pack abs.

Yung height, ang tangkad. Ni hindi nga ako umabot ng balikat.

Yung porma? No doubt. Fashionista to.

Ano bang mali sayo? You're so perfect.

Ang caring pa nya.

Ang sweet.

Ang gentleman.

Sobrang swerte siguro ng babaeng mahal neto. Sobra-sobra.

"Hmmmm... Wag mo ko iiwan" napatayo ako nung nag-sleep talk sya. "Dito ka lang. Please. Wag mo ko iiwan." bigla nyang hinawakan yung kamay ko at hinila.

Medyo nagulat ako nung hinalikan nya yung kamay ko.

"Promise me, diba di mo ko iiwan?" Hala? Magsasalita ba ko?

Ano bang nagyayari?

Gusto kong sumagot kaso baka hindi ako yung tinutukoy nya tsaka baka magising sya pag nagsalita ako.

Hinayaan ko nalang sya. Binitawan nya rin naman na yung kamay ko at humarap na rin sya sa dingding.

" Casgdkdbsjsj" di ko na maintindihan yung sunod nyang sinabi, nakaharap kasi sya sa dingding at mahina pagkakasabi nya.

Bumalik nalang ako sa kama at pinilit ko nalang matulog.

---

"Key, gising na. Lalabas na tayo." Nagising ako sa kalabit ni Lester sakin.

Napatingin ako orasan at 3 PM na. Napahaba nanaman tulog ko pero ang aga ko pang na-discharge. Expected kasi naming labas ko is mga gabi pa.

"Go, change your clothes. Eto oh." Inabot nya sakin yung pair na squarepants na color green. Ang ganda. Mukhang mamahalin talaga.

Napansin ko wala na rin yung dextrose ko at nakabihis na rin sya.

"Thank you." tumayo na ko tapos pumuntang CR.

After I've changed my clothes, naabutan ko silang nag-uusap nung doctor.

"Please tell her na she needs to rest, wag nyang stressin yung sarili nya. Humihina ang immune system nya," napatingin sakin yung doctor, "Iha, please take care of yourself. Baka magka-anemia ka sa ginagawa mong puyat. Dont stress yourself too much."

"Yes Doc. Thank you" tumango lang yung tsaka nag-excuse at lumabas na.

"Ihahatid kita sa inyo sa ayaw mo at sa gusto." kinuha nya na yung ibang mga gamit, by the way binigyan nya ko ng backpack para daw ilagay yung mga maruming damit, tapos lumabas na kami.

Hindi na ko makatanggi. Hindi ko alam kung pano ako uuwi kasi hindi ako familiar sa ospital na to.

Di nga kasi ako pinapalabas ng parents ko diba? Lalo na ni Mommy. Lagi lang akong nasa kotse or laging may kasamang body guard.

Im Not HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon