[Keyla's POV]
Nagising ako sa ingay ng babaeng nagsasalita, "Ok naman sya Sir, siguro stress lang sya and sobrang pagod or maybe takot. Don't worry she will be fine."
Nasan ba ko?
"Thank you, Doc." boses ng lalaking nagsalita. Wait his voice is familiar.
"Hayyysss! Ayaw umuwi sa kanila, ayaw sa bahay, pero sa ospital, gusto?" Ospital? Anong ospital?
Unti-unti kong minulat ang mga mata ko, puti lahat. Nakakasilaw ang ilaw.
"Where am I?"
"Hay salamata at nagising ka na, nasa ospital ka. Nag-collapse ka kagabi. Tapos dinala kita dito sa ospital. Ok ka na daw at ang baby mo." Ha? Baby?
"Baby?!" napabangon ako bigla.
Wala akong naalalang nakasamang lalaki sa kama, ni-wala nga akong boyfriend eh.
"Joke lang hahahaha stressed ka lang daw sabi ni Doc, pero ok ka na daw. Makakalabas ka na daw mamaya."
"You're pissing me off! ANG SAMA MO!" sabay bato ko ng unan sa kanya, by the way si Lester kasama ko ngayon.
"Ha? Kung ako masamang tao, di sana kita dinala sa dito sa ospital, sa bahay sana, tapos pinagsamantalahan dapat kita." Natahimik ako sa mga sinabi nya.
He has a point.
"Edi thank you, don't worry, ako magbabayad ng bill dito. Thank you for everything." Tatayo na sana ako kaso naka-dextrose ako.
Akala ko ba, ok ako bat naka-dextrose ako?
"Wag mong tatanggalin." Napansin nya yata na tinititigan ko ung kamay ko na may dextrose.
"Akala ko ba ok ako?" tinuro ko ang kanang kamay ko na may dextrose, "bat may ganto?"
"Aba malay ko, doctor ba ko?" tsaka nya itinaas ang paa nya sa sofa, "basta nilagay lang nila yan" tsaka sya kumagat ng apple.
Ngayon ko lang napansin na ang daming prutas sa lamesita.
"Kelan ako pwedeng umuwi?"
"Bukas daw. Pag-naubos na yang dextrose mo."
Binuksan nya ang TV, nasa private room kami ngayon. Malaki yung room, may sala may TV, tapos CR, meron pang Maliit na kusina at Dining Area tapos yung kama ko pa.
"And don't mind the bill, nabayaran ko na." Naglalagay sya ngayon ng mainit na tubig sa cup noodles.
"Why are you doing this?" Out of nowhere ko na natanong.
"Hanggang ngayon, nag dududa ka parin sakin?" umupo sya sa upuan dun sa dining area, "I don't know also kung bat ko ginagawa to, all I want to do is to know you more." Sabay patong nya nga cup noodles sa try.
"Kain ka na, kagabi ka pa walang kain." then inabot nya yung cup noodles, "Subuan na lang pala kita, you can't eat kung may dextrose ka"
"Kaya ko naman, don't worry. Ako na." Kinuha ko ang kutsara sa kamay nya.
"Ok, hindi na kita pipilitin, baka magalit ka nanaman." Bumalik sya sa dining area at nagbuhos ng tubig sa baso, "pagkatapos mo dyan, iinom ka ng gamot."
He sounds like a very caring boyfriend. Ang swerte siguro ng girlfriend nito no? Ang sweet na tapos gwapo pa.
"Wala akong girlfriend. Wag ka mag-worry dyan."
Napahinto ako sa pagsubo ng noodles nang magsalita sya. Mind reader ba to?
"Ha? Wala naman akong sinasabi ah?" Pagkakaila ko.
"Di ka nga nagsabi, pero yung tingin mo, halata."
"Aba malay ko ba, baka mamaya kasi, biglang may sumugod dito then magwala. Wala akong kakayahang lumaban sa ngayon." mamaya may mag-eskandalo dito at sabihin mang-aagaw ako.
"Wala nga, wag kang makulit." napatingin sya sa kamay ko, "tingnan mo, ang kulit mo kasi, dumudugo na tuloy kamay mo"
Napatingin ako sa kamay ko na may dextrose, dumudugo nga.
"Wait, tatawag ako ng nurse-" hinila ko sya, nakakahiya dumudugo lang tatawag pa ng nurse.
"Wag na, ok lang ako." Tinanggal nya yung pagkakahawak ko sa kanya, then lumanas sya.
Ngayon ko lang napansin, it's 8:00 PM na pala. So it means, maghapon akong tulog? Sya kaya natulog? Ni-hindi nga sya nagbihis at naligo, pero ang bango parin-- ano nanaman tong naiisip ko?!
Pagbalik nya, kasama nyang dumating ung babaeng nurse.
"Wait lang, may tatawagan lang ako ah?" kinuha nya yung cellphone nya na nakapatong sa lamesa sa may sofa, "babalik din ako agad."
Tumango lang ako at nginitian sya.
"Alam nyo maam, ang swerte nyo sa boyfriend nyo-"
"Hindi ko-" hindi ko na naituloy sasabihin ko kasi dire-diretso nagsalita yung nurse.
"Kagabi po, last shift ko, mga bandang 1 AM, nagmamadali po yan si Sir na sumugod at buhat buhat po kayo. Natataranta po sya, nagpa-panic, tapos po nakita ko parang naiiyak na po si Sir. Ayun lang po huli kong natandaan nun," tapos medyo tumigil sya. "Pagbalik ko po ng 3 AM, nakita ko sir, hindi natutulog, nakatulala. Binabantayan po kayo. Ewan ko kung umiiyak si Sir kasi medyo malayo po ako sa pinto," nagtataka akon sa mga sinasabi nung nurse.
"Hindi ko nga po alam kung natulog yan si Sir eh, nag aalala po talaga sa inyo. Kaya kung ako po sa inyo, wag nyo na pong papakawalan si sir. Sobrang swerte nyo maam. Gwapo na, Caring pa. Halatang mahal na mahal nya kayo maam."
Nagtataka ako sa mga sinasabi nung nurse.
Bakit ginagawa ni Lester to? Ni hindi kami magkakilala. Kahapon lang kami nagkita. Sino na talaga sya?
"Ok na? Sorry medyo natagalan." Bumukas ang pinto, si Lester. He looked stressed. Nangingitim na yung eyebags nya.
"Ok na po maam, basta po yung sinabi ko sa inyo, tandaan nyo po. Dito na po ako."
"Thank you, I will." I just waved at the nurse and smile. She just smiled din and tuluyan na lumanas ng room.
"Anong pinag-usapan nyo?" naupo sya sa sofa, then parang nay hinihintay na text.
"Ah wala naman, binilinan nya lang ako kung anong dapat gawin" tapos nginitian ko sya, "kumain ka na?" I asked him, baka kasi di pa sya kumakain.
"Hmm.. Yah. Kanina habang natutulog ka." nakita kong tumunog at umilaw ang phone nya. Mukhang na-alarma naman sya.
"Ah wait lang, may kukunin lang ako sa baba ah. Dito ka lang. Babalik rin ako agad." then tumayo na sya dala yung phone nya.
Why is he doing all of this? Sino ba talaga sya? Kilala nya kaya ako? Naguguluhan pa ko sa ngayon. But he got my trust. Convinced na kong hindi sya masamang tao.