[Keyla's POV]
After 10 minutes, nakabalik na si Lester. Meron syang dalang 3 paper bags.
Inopen nya isa-isa.
"Damit mo, magpalit ka muna. Ang baho mo na." inabot nya sakin yung pair of pajamas na color black. Silk sya. Ang ganda then a pair of under garments. Tapos may toothbrush and ponytails. How sweet.
"Mabaho? Wehh?" then kunwaring inamoy-amoy ko yunh sarili ko.
"Joke lang hahahah you're cute" then tumingin sya sakin. Hala ang gwapo! Kahit mukha syang zombie, ang gwapo parin.
"Thank you ha." Inabot ko then nagsmile ko ng todo.
Papasok na sana ako ng CR, kaso naalala ko naka-dextrose pala ako. Mukhang napansin nya yata at tinulungan nya na abutin then dinala sa CR.
"Ok ka lang talaga ah? Tulungan na kita?" nakaramdam ako ng konting awkwardness dun ah.
Ano papasok sya ng CR?
"Ok lang po, Sir" Pagsisinungaling ko kahit medyo nahihirapan ako.
Bat kasi may dextrose pa? Ok naman ako. Ok lang naman pakiramdam ko. Wala naman akong nararamdamang iba. Hindi nga masakit ulo ko eh.
After kong matapos, lumabas na kong CR, wow parang nasa bahay lang ako ah? Naka pajamas pa, taray. Hahahaha
"Sige, maliligo muna ko ha. Dito ka lang, wag kang lalabas." Ha? Bat naman ako lalabas?
Nag open lang ako ng TV, tapos natanaw ko ung phone ko na naka-charge sa gilid. Kinuha ko at tiningnan.
Walang message.
Walang tawag.Maybe I'm not important sa pamilya ko. Tsk. Sino ba naman ako dito? I'm worthless. Di ako importante. Buti kung ako si Ate Andrea, baka sakali.
"Stop worrying." napatingin ako sa lumabas sa CR.
Natulala ako sa Abs nya, jusko. 6-pack abs. Naka shorts lang kasi sya tapos nagpapatuyo ng buhok, gamit yung tuwalya ko kanina.
What? Tuwalya ko?
"I used your towel, kulang kasi pinadala ni Gerald sakin, mali mali talaga bigyan ng instructions yun."
Napansin nya siguro na mukhang nagulat ako.
Sa pagkakaalam ko kasi, mag-asawa lang nag she-share ng towel eh, correct me if I'm wrong nalang. Basta, ang awkward lang para sakin.
"Wag ka daw masyado mag-isip, nakakasama sa baby hahahahah" tumawa lang sya, "joke lang."
Bat ganon? Pag tumatawa sya, parang kanta na ang sarap pakinggan?
Waaaaaahhhhh! Ano ba tong naiisip ko?
"Thank you." wala na kasi ako ibang masabi kundi salamat.
"You're always welcome, Ca- Keyla."
Ngumiti lang ako then tumingin ako sa cellphone ko.
"Hindi ka ba hinahanap sa inyo? Look, 2 days ka nang hindi umuuwi." umupo sya tapos nagsuklay ng buhok.
"Edi sana kung hinahanap samin, may tawag or text na sana to, kaso wala. Edi walang naghahanap sakin." binaba ko ang cellphone sa may side table, "kelan ba ko lalabas dito?" bumalik ako sa pagkakahiga tsaka kunwaring nanunuod ng TV.
"Bukas daw sabi ni Doc," nagsusuot na sya ng T-shirt ngayon. Ang hot nyang tingnan sa white t-shirt tapos black na shorts. "Ihahatid na kita bukas sa inyo."
"No. Kahit wag na. I'm fine." Umayos ako ng pagkakaupo, "ok naman ako. Pano yung Café na pinagtra-trabahuan mo? 2 days ka nang wala dun."
Natawa sya sa sinabi ko. Huh? Ano bang nakakatawa dun?
"Ok lang yun, nandun naman si Gerald. He can handle the café. Masyado kang nag-wo-worry sa mga bagay-bagay." hinuhukay nya yung pangatlong paperbag na dala nya kanina.
Wow. Adobong Baboy tsaka may 2 separate na rice.
"Oh, para sayo to," inabot nya sakin yung canister. "baka sabihin mo, ginugutom kita eh."
Ang sarap naman nitong adobo, may boiled egg pa sa na kasama.
"Thank you." He just smile then pumunta dun sa may kusina. "Kape? Gusto mo bang kape?" Wow. Kape.
"That's my favorite. Yes please!" Nag-iba yung tingin nya sakin. I dont know kung anong tingin yun, pero di ko gets. Yung tingin nya, parang may naaala syang tao.
Bumaba ako sa kama then inayos ko na ung kakainan namin sa dining table.
"Dapat di ka na bumaba, dapat dun ka nalang muna kumain." sabi nya sabay lapag ng 2 tasang kape.
Ang bango niya, amoy chocolate ung pabango nya. No! I mean ang bango ng kape. Aiiist! Ang kalat.
"Ok lang. Kaya ko naman." I just smiled tapos umupo na.
"Puro ka ok, kahit hindi naman." Inabot nya sakin yung kapeng bagong halo lang.
Ok lang naman ako-- wait. Ok lang ba talaga ako? I don't know. Ewan.
Hahaba pa kasi ang usapan pag ipinaliwanag ko kung hindi ako ok. Basta ok lang ako.
Ok lang ako. Ok lang.