Weird Feelings

0 0 0
                                    

[Keyla's POV]

"Sir, eto na po ang inyong order!" nilapag naman ni Geral yung cake.

I felt a little bit awkward, kasi hinayaan kong palitan nya yung cake slice na tinuro nya kanina. So, siguro naiisip nya na naiisip ko na talagang may lason or gayuma yun.

"Charge it to me, maya ko nalang bayaran." Nahihiya na talaga ako, kailangan ko sya tanungin.

"Why are you doing this?" I sip a caramel macchiato from my drink, infairness. Masarap.

Masarap pati kaharap ko- why am I thinking that?! Ang kalat.

"I don't know, all I want is to know you. If you're not comfortable, I'm sorry. Basta, I feel there's a connection between us." Chill na sabi nya habang kumakain ng cake slice. Ang presko naman niti, ni hindi nya nga ko kilala.

"Huh? Connection? Ngayon palang naman tayo nagkakakilala eh, I don't ven know you." I tasted the strawberry cake na kagaya sa kanya, ang sarap.

Bat ngayon ko lang na-discover tong Café na to?

"I don't know, basta nung nakita kanina, parang nakita na kita dati. Weird no?" Chill lang ang pagsasalita nya pero parang totoo yung sinasabi nya?

"Alam mo, kung pinagtritripan mo ko, wag mo na ituloy, hindi ako interesado, Mr. Lester"

"Kung hindi ka interesado, ako interesado. I want to know you more, Maam Keyla. Can I get your number?" Aba! Speed ah.

"I can't give you my number, sorry. I have to go." akmang tatayo na ko at aalis kaso pinigilan nya ko, hinawakan nya ang left wrist ko.

"Im sorry kung mabilis man, pero please. Can I get your number? It's important." Huh? Important? Pano? Bakit?

"Why? Pano naging importante? Ok." kinuha ko ang calling card ko. It's my office number, hindi ko sya personal number. "This is my calling card, call me here kung ano man yang importante na sinasabi mo, call me within office hours." Tinanggal ko ng pagkakahawak nya sa kabilang kamay ko. Weird. Ano bang nanayayare? "Can I go now? Thank you anyway. Nice to meet you, Mr. Lester." at tuluyan na kong naglakad papalabas ng café na yun.

Ang weird naman. Sino ba kasi yun?

Anong importante na sinasabi nya? Sino ba sya?

Hayyysss sayang gwapo pa naman.

Nag-antay ako ng taxi ngayon, 30 minutes na yata akong nakatayo kaso wala paring sumadaan na taxi.

Anong oras na ba?

Tiningnan ko yung phone ko at 11:35 PM na, unti unti na ring nagsasarado yung mga buildings at establishments dito sa kinakatayuan ko.

Delikado na.

Well, wala namang mag-aalala sakin sa bahay. No, scratch that. Si Manang Celia lang pala nag-aalala sakin dun.

Unti-unti nang dumidilim ang paligid, nagsasarado na din ang Café Ajero na pinuntahan ko kanina.

Kinabahan ako bigla. Ang dilim na ng paligid.

Natatakot ako sa dilim.

"Fuck! Gusto ko na umuwi!" Bulong ko. Nanginginig na ang mga kamay ko ngayon.

Pano ba naman kasi, wala nang tao sa paligid. Medyo madilim na rin.

Naiiyak na ko. Wala naman talaga akong balak magpagabi sa daan kung hindi may dala lang akong pera eh. Magho-hotel nalang sana ako, kaso wala akong dalang pera.

May huminto na black na color blue na kotse sa harap ko, shocks! Ang bilis ng tibok ng puso ko. Kikidnapin ba ko nito? Pano na ko neto? Kidnap for ransom ba to?

Bumaba ang salamin ng passenger's seat, at nakita ko si Lester na nag-dagdrive, mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko,

"Are you ok? Gusto mo ihatid na kita sa inyo?" Ayokong sumama sa kanya, I don't even know him.

I'm just stating the possibilities. Nasa reality tayo. Don't trust anyone.

"No, I can handle myself." Pagsisinungaling ko.

"Sure? Eh nanginginig ka na dyan eh, hop in! Ihahatid na kita sa inyo."

Hahatid? Edi nalaman na nya bahay namin. No, no, no!

"I can handle myself nga, umuwi ka na."

Thank God at umalis na sa harap ko ang kotse nya. But, he just parked it sa kabila lang pala.

I thought aalis na sya, but I'm wrong. He's walking towards me right now.

"What? I said, I can handle myself." Nagulat ako ng hinawakan nya ang kamay ko.

"Nanlalamig at nanginginig ka, hindi ako masamang tao, Keyla. Halika na, ihahatid na kita sa inyo. Anong oras na? Dis oras na ng gabi, delikado na sa daan kung uuwi ka pang mag-isa." I feel the sincerity from his voice. At yung hawak nya sa kamay ko, ramdam mo yung care.

"I-i don't want to go home," please, wag sanang tutulo ang luha sa mga mata ko.

"Ha? Bakit naman? San ka tutuloy? Gabi na." Binitawan nya ang mga kamay ko, "Delikado naman kung iiwan kita dito sa kalye, kung sa bahay ka nalang kaya muna?" nanlaki ang mata ko sa offer nya.

I don't like his idea.

"No! Ayoko! I don't even know you, I just met you earlier and sa tingin mo sasama ako sayo? No. Uuwi nalang ako. Maglalakad nalang ako, thank you for your concern." Naglakad na ko papalayo sa kanya.

Hindi man lang ako sinundan. Tsk.

Nung nakarating na ko sa kanto, biglang nagpatay-sindi yung ilaw ng poste.

Anong nangyayari? Ayaw umayon ng tadhana sakin.

Natatakot na ko.

Nanginginig na yung mga tuhod ko.

Sobrang bilis na tibok ng dibdib ko.

Nahihirapan na ko huminga.

Ang then the last thing na naalala ko, It went all black at nahihilo ako.

Im Not HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon