Forehead Kiss

0 0 0
                                    

[Keyla's POV]

Kasalukuyan kaming nasa dining area. Ako, si Lester, ang dracula kong kapatid, Andrea at si Daddy.

Kaharap ko si Andrea at katabi ko naman si Lester.

Tahimik naman kaming lahat, pero mukhang nagpapa-pansin tong si Andrea.

Yung tingin nya kay Lester mukhang nang-aakit. Sarap tusukin ng mata eh.

Tapos kung makahawak ng tinidor, dalawang daliri lang.

"Hmmm... Lester," napatingin kaming lahat nang magsalita si bruhilda. Sino pa ba, edi si Andrea. "Pwedeng pakiabot nung rice," tinuro nya yung lagayan ng kanin, "hindi ko kasi abot eh." nagpa-bebe pa ng boses, kala mo naman bagay.

Sa sobrang inis ko, ako ang tumayo at inabot sa kanya yung kanin. Badtrip to, pwede naman ipaabot sa maids, kay Lester pa talaga. 

"Eto oh!" abot ko sa kanya.

"Opppsss! Wait! Ikaw ba si Lester?" Nag-kunwari pang nagulat. Tsk.

Nanggigil na ko eh. Konti nalang papatulan ko na talaga to.

"Eto oh" kinuha sakin ni Lester yung plato tapos inabot sa shokoy kong kapatid.

Nananadya to eh, kasi alam nyang kakampihan sya ni Daddy kaya gumagawa ng kaartehan.

"Kanin oh," nilagyan nya yung plato ko.

Napatingin ako sa kanya sa ginagawa nya, pero hindi ko maiwasang tingnan kung anong reaksyon ni Andrea.

She looks pissed-off. Wow. Sya pa may ganang tingnan ako nang masama ah. Nakakaloka hahahah

"Wag mo na patulan, ikaw lang talo. Hayaan mo na sya, basta pag nandito ako, ipagtatanggol kita" bulong nya sakin.

Ha? Ano daw?

Basta daw pag nandito sya, ipagtatanggol nya daw ako?

Tama ba yung narinig ko?

The moment na nag-sink in sa utak ko yung mga sinabi nya, naramdaman kong bumilis ang tibok ng puso ko.

Ano ba tong nararamdaman ko, bigla akong kinabahan.

"Ah Hijo, Lester right?" Napatingin kaming lahat kay Daddy.

Mukha naman syang kalmado lang.

"Yes po Sir, I mean, Tito."

"Sabi mo parents mo ang aking nga kaibigan, right?" sumubo muna si Daddy at uminom ng tubig bago magsalita ulit, "how are they? Matagal-tagal na rin kaming di nakakapag-usap"

"Ok naman po sila,"

"Ah! Ilan kayong magkakapatid? Ikaw na ba ang may-ari nung isang café? Balita ko iniregalo daw sayo yun ng parents mo?" Bat ganon ang tono ng pananalita ni Daddy? Parang ini-intimidate nya.

Wait? Sya yung may-ari ng café na yun?

Sana all.

"Ako lang po mag-isa, tito. Opo. Binigyan po nila ako ng capital nung birthday ko, then itayo ko nalang daw po yung business na gusto ko. Kaya po ayun, may café na po ako." Kalmado lang naman ang sagot ni Lester, pero bat parang ako pa yung kinkabahan.

"Where? Invite mo naman ako some other time." Napalingon ako sa biglang singit ni Andrea. Kahit kelan talaga.

"Pano kayo nagkakilala ni Keyla?" Napalunok ako sa tanong ni Daddy.

Sana maayos tong sagot ni Lester, kundi baka ano nanamang sabihin na masasakit ni Daddy.

"Matagal na po kaming magkakilala" nagulat ako sa sagot nya.

Matagal? Eh halos nung isang araw lang kami nagkita eh.

"Sa isang seminar po nung college," tiningnan nya lang ako at ngumiti. Na-gets ko naman yung tingin nya. Ibig sabihin sakyan ko nalang lahat ng sasabihin nya. "kinontact ko po sila, since I was the one who trained them, I texted each of them kung sino ang gustong magtrabaho sa café ko nun, then fortunately, nakita ko po si Keyla na nag-dine sa café at nakapag-usap po kami."

Grabe. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko, na-speechless talga ako sa lahat nang ginagawa ni Lester.

Hindi ko alam kung anong motibo nya kung bat nya ginagawa lahat nang to. Pero, alam ko lang, pwede ko syang pagkatiwalaan afer all.

"Sayo ba tumuloy si Keyla nung umalis sya dito?" Singit nanaman ni bruhilda.

Kahit kelan, kahit kelan talaga.

"No." Simpleng sagot ni Lester na may kasama pang pag-iling.

"Saan?"

Wag mo sabihing na-ospital ako please.

"Along the way, nung pauwi na sya, bigla lang nag-collapsed and I brought her to the hospital," shocks! Bat nya sinabi?! Eepal nanaman tong kapatid ko--

"Oh my gosh! What happened to her?!" sabi na nga ba eh, epal.

"She stayed at the hospital, with me."

"Kaya pala hindi ko sya ma-contact." Kunwari pa to, wala namang nakaalala sakin talaga. Hindi mo naman ako tinatawagan.

Pwe! Pabibo!

"Pagabi na, tapusin na natin itong pagkain natin at uuwi na si Lester." I cut their conversation. Baka san nanaman to mapunta.

After we've finished our dinner, hinatid ko na si Lester sa labas.

"Lester!" Papasok na sana sya ng kotse nya, kaso tinawag ko sya.

"Yes, baby girl?" huh? Baby girl?

"Baby girl ka dyan! Thank you pala ha. Don't worry babayaran ko yung bill sa hospital and ibabalik ko ung mga damit. Salamat sa lahat."

"Sinabi ko bang bayaran mo at ibalik yung mga damit? Sayo na yun. Sino magsusuot nun? Ako?" tinuro nya pa yung sarili nya. Cutie. "Tapos yung baby girl, wala yun. Mukha ka kasing baby pag umiiyak eh" wow. Inasar pa ko.

"Tse! Eto pala yung number ko then email address sa facebook. Username sa twitter, IG tsaka gmail account ko. Ikaw na bahala kung anong gusto mong gawin dyan hahahaha basta i-follow mo ko. Followback kita hahhahah" tapos binigay ko sa kanya yung papel na may sulat.

"Wow himala. Nung nakaraan ayaw mo ibigay eh Hahahha pero thank you. Sige na, alis na ko. Mukhang inaantay ka ng bruhilda mong kapatid hahahah" niyakap nya ko then hinalikan nya yung noo ko.

Hinalikan nya ung noo ko.

Hinalikan nya ung noo ko.

Ha?!

Bat nya ginawa yun?!

Natulala ako while waving goodbye to him. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko shocks.

Nag pa-palpitate ako.

Im Not HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon