[Keyla's POV]
Pagpasok namin ng kwarto ko agad kong ni-lock yung pinto. Alam ko kasing sisingit nanaman yung Andrea na yun.
"Why did you locked it?" Tanong ni Lester.
"Wag na madaming tanong." Hinubad ko na yung jacket na suot ko.
"Why are you removing your clothes!?" gulat nyang tanong. Laptrip naman itsura nya hahahah
"Sinasabi mo? Tinanggal ko lang jacket eh. Mainit kasi." then I opened the aircon. "Upo ka muna. Antayin nalang natin yung meryenda na papadala ko kay Manang."
"I thought the lady earlier is your mom. Grabe sya kung mag-care sayo."
Maraming nagsasabi kasi grabe kung makareact yan si Manang eh.
"No. She's our maid. Hindi pa ko pinapanganak, dito na yan si Manang kaya ganyan yan." sabay katok sa pinto.
Sabi ko na nga ba, si Andrea. Nakita ko sya mula dun sa may lens na sinisilip.
"Higa ka sa kama dali!" turo ko sa kama, nagtataka ung expression ng mukha nya, "hubarin mo yung tshirt mo!" hinubad naman nya kaso mukha talaga syang nagtataka.
"Bakit ba?! Ikaw ah, may pagnanasa ka sakin?!"
"Pupunta akong CR, paalisin mo yang bruhildang yan!" nagtaka ako sa sinabi ko, bat ako pupuntang CR? "ay mali! Buksan mo to tapos ako pala hihiga! Maghuhubad ako kunwari, basta! Mamaya ko na ipapliwanag! Basta paalisin mo lang yang bruhilda na yan!"
Tumalon na ko sa kama ay mali, pumasok pala akong CR tapos plano kong kunwari lalabas ako galing dito then tinanggal yung 2 butones ng damit ko, basta! Basta may plano ako.
Hindi parin tumitigil ang katok, binuksan na ni Lester yung pinto.
Mula sa pagkakasilip ko sa awang ng pinto, kita ko na natulala si Andrea sa nakita nya, napatitig sya abs ni Lester.
"Babe! Sino ba yan?! Im ready-" Sana sumakay tong Lester, please.
Sana.
Sana.
"Kapatid mo, babe." tiningnan ako ni Lester then I know he got my plan kasi nag-wink sya sakin. "Any thing? Anong kailangan mo?" galing sumakay hahahah
"Ah, I'm just checking if you two are ok?" Nagpa-bebe pa ng boses. Di naman bagay.
"We're ok. Istorbo ka! Umalis ka dito!" Lumapit ako then hinawakan ko yung kamay ni Lester. Nanlalamig sya hahahaha
"Friend huh? Friend lang ang pakilala kay daddy, pero look! Nakabuhad at tanggal ang butones ng damit mo. Friend?"
"Pinakealaman ba kita nung nakita ko kayo ng EX-BOYFRIEND ko na ganito rin ang sitwasyon nyo? Hindi diba? Go! Leave." nakita ko na napatingin sakin si Lester. He looks worried. Nararamdaman nya yata yung panginginig ng kamay ko.
"Hindi. Concerned lang ako na baka sa susunod, bumalik ka ulit sa ganong sitwasyon..." hahawakan nya sana yung abs ni Lester kaso nabigla ako sa mga sumunod na nangyari.
"DON'T TOUCH ME." madiin ang pagkakasabi ni Lester kaya napahinto si Andrea. "HINDING HINDI MANGYAYARI YUN." Tinitigan sya ni Lester at mas lalong humigpit ang hawak nya sa kamay ko.
"Who knows?" ayaw talaga patalo tong si bruhilda na to.
"WALA NA BANG IBANG LALAKI SA MUNDO?" nagulat ako kasi nakikipagsagutan tong si Lester sa Andrea na to, hinding hindi yan magpapatalo. "WELL, KAHIT IKAW NALANG ANG BABAE SA MUNDO, HINDING HINDI KITA PAPATULAN. LEAVE US ALONE."
"Wag kang magsalita nang tapos, Lester. Hindi natin alam ang susunod na pangyayari." then she left. Nakahinga ako nang maluwag nung umalis sya. Napaupo ako sa kama dahil nararamdaman kong naginginig ang tuhod ko sa pagpigil ko ng iyak.
Sinarado na ni Lester yung pinto at ni-lock.
Lumapit sya sakin, tiningnan nya ko na parang naghahanap ng mga sagot sa lahat ng tanong nya kanina.
Unti-unting pumatak ang luha ko na kanina ko pa pinipigilan.
"Iiyak mo lang yan, nandito lang ako. Handa akong makinig." umupo sya sa tabi ko at niyakap nya ko tsaka nya nilapat ang ulo ko sa balikat nya.
Napahagulgol ako. Sobrang sakit. Sobrang bigat ng pakiramdam ko.
Naramdaman ko nalang na hinahaplos nya yung likod ko, para akong bata na pinapatahan nya mula sa pag-iyak.
"Wait lang, isarado mo muna ung butones mo. May nakikita ako eh" natawa ako sa sinabi nya.
Conservative.
Nagdamit na rin sya paghiwalay ko sa yakap nya.
"Pwede kang magkwento sakin, kung gusto mo lang naman." He smiled then kumuha sya ng tubig mula sa personal ref ko. "Painom ako ah, ay ikaw muna pala" inabot nya sakin yung tumbler na may lamang malamig na tubig.
Huminga ako nang malalim. Should I open myself to him? Can I trust him?
Uminom na muna ako bago ako nagsimulang magsalita.
"2 years ago, nagsimula ang alitan samin ni Andrea after my mom left. Pumunta syang America." huminto ako saglit kasi may kumatok nanaman sa pinto. Sinenyas ni Lester na si Manang Celia daw,dala yung pagkain namin.
He opened the door tapos kinuha yung tray tapos umalis naman agad si Manang.
May 2 kape tapos mini cake. Strawberry cake.
"Uy, remember this one? Hahahah baka ito yung may lason o gayuma ah?" tumawa sya. Ang cute nya talaga pag tumatawa, "joke lang. Sige tuloy mo na kwento mo." naghati na sya ng cake ngayon.
"Ayun lang alam ko. Maayos naman trato sakin ni Dad noon, maayos naman. Pero nung umalis si Mommy, everthing was changed." humigop muna ko ng kape pampakalma.
"He always comparing me to Andrea, hanggang sa nagbago rin si Andrea. Lumaki ulo. She wanted everthing that I have. Naging selfish. Naging plastic. Maayos sya pag nandyan si Dad, pag wala na, lumalabas sungay nya."
Hindi sya nagsasalita kundi nakatingin lang sya sakin, nakikinig.
"Gusto nya, lahat nang atensyon dapat nasa kanya. Gusto nya sya lagi magaling. Until dumating sa buhay ko si Kenjie. Sya yung first love. Naging kami. Noong una, ok lang kasi atleast may inspirasyon ako. Maayos ang pakikitungo sa kanya ni Daddy at Andrea, nun pala may ibang pakay tong demonyo kong kapatid, "
I took a deep breath para humugot ng lakas ng loob para ituloy ang kwento ko.
" Until, kanina. Kung anong naabutan nya, yun na yun ung scenario na naabutan ko sa kanilang dalawa. Sa kwarto ni Andrea. Tatawagin ko sana sya para kumain kaso iba ang naabutan ko" tumulo nanaman yung luha ko, pero agad ko ding pinunasan.
"No. Worst pala. Mas worst. Naka-hubad si Andrea nang maabutan ko."
"What did you do?" inabot nya sakin yung handkerchief galing bulsa nya.
"Wala. I just walked away. Alangan abalain ko sila." ngumiti ako saglit then itutuloy ko na ulit kwento ko.
"Nakakatawa nga kasi, tinuloy pala talaga nila. Bumaba sila nung nakaraos na sila. Ngiting ngiti pa nga nun si Andrea habang pababa sila ng hagdan. And guest what, hindi nagtaka ang daddy namin kung bat kasama nya ang boyfriend ko. I was betrayed by my boyfriend and my sister, kasabwat pati si daddy. " Napaiyak nanaman ako. Hindi ko mapigilan, hindi sa thought na pinagpalit ako ni Kenji kundi inahas ng mismong kapatid ko ang nag-iisang lalaking pinaka mamahal ko.
"Don't cry. I'm here. I won't leave you." Lumapit sya sakin at niyakap ako. I feel I'm safe and secured sa yakap ni Lester sakin.
"Thank you for everything. Thank you that I met you."