c h a p t e r 19

26 3 2
                                    

C H A P T E R  19

Pag sinabi kasing tama na,
Tumigil ka na.
Baka mamaya masapak pa kita.

⊱ ────── {.⋅ ♕ ⋅.} ────── ⊰

Taehyung 🐯
▪ Active now

Taehyung 🐯
gising ka pa??

:
zzZ

Taehyung 🐯
ha ha ha, nakakatawa
naman.

:
Ano ba kelangan mo?

Taehyung 🐯
ka-late night talk lang
pre

:
Kausapen mo sarili mo.

Taehyung 🐯
as if kaya mo ko iwan

bleh :P

:
As if di kita kayang iwan.

Taehyung 🐯
hala binago mo pala
nickname ko?!

:
Anong ako?!

Baka ikaw?

Taehyung 🐯
bat ako?

babaguhin ko rin nickname
mo ahh?

Taehyung 🐯 set your nickname to
Jane 👻

Taehyung 🐯
bagay diba?

ghoster ka kase.
Seen

▪ ▫ ▪ ▫ ▪ ▫ ▪ ▫ ▪ ▫ ▪ ▫ ▪ ▫ ▪ ▫ ▪ ▫ ▪ ▫ ▪

"Tignan mo yun, tinatarayan ako." Bulong ni Kiara sakin. Tinuro niya naman yung babae sa kabilang table na mukhang clown. Nasa canteen kase kame, breaktime.

"Kanina nabangga- este binangga niya ko. Pwede naman mag-excuse me kaso di niya ginawa tss." Ew, ganda ka gurl? Okay lang sana kung maganda siya, kahit papano ugali lang problema, kaso hinde!

"Baka di naturuan ng GMRC nung pre-elem." Tawanan naman kaming apat.

Ampanget! Sobra! Hindi ako judgemental, lahat tayo ginawang maganda okay? Ewan ko ba bat naiba siya.

"Tignan mo oh tignan mo! Inirapan ba naman tayo ng mata!" Pabulong na sigaw naman sakin ni Kiara.

"Hala nakita rin namen yon!" Sabi naman ni Sam samin.

"Boo!" May biglaan namang humawak sa balikat ko. Ang bigat nung kamay niya tas ang baba rin ng boses niya kaya medyo nagulat ako, medyo lang ha?

"Taehyung hindi nakakatuwa." Mataray kong sabi kay Taehyung. Na-iistress pa kase ako kay clown girl.

"Sino yun? Tinitignan mo?" Pina-usog naman ni Taehyung si Sam kaya kami na yung magkatabi ngayon.

"Kuya kase, may nagtaray saken kanina, kala mo naman maganda tss. Yun oh! Yung kapatid ni jollibee sa bandang gilid." Turo naman ni Kiara kay clown girl. Anak ni Mcdo at Jollibee ang peg HAHAHAHA.

"Ano gagawin naten? Upakan ko ba?" Wow protective kuya? Di nga siya totoong kuya ni Kiara eh, sadyang ganun lang tawag niya pag di niya clows.

"Shh shh nakatingen saten." Sambit naman ni Margaux kaya tinitigan ko yung babae. Nakita ko namang sakin nakatingin yung babae kaya nginitian ko siya, pero pinalitan ko agad ng masamang tingin.

Natawa naman si Kiara kasi nakita niya yung ginawa ko. Naalala ko tuloy dati palagi akong iniiwasan ni Kiara lalo na nung first day kasi sobrang tahimik ko daw, mukha daw akong mataray lalo na pag di ngumingiti... eh hindi naman talaga ako ngumingiti.

Pero pag nakilala naman daw ako, madaldal naman daw pala ako, pero mataray pa rin.

"Sino ba yung panget na yun?" Nagulat naman ako sa sinabi ni Taehyung. Waaahhhhh suportib pren kaiyak. Di na ko galet sa kanya.

Umalis naman na kami sa upuan namin, tatambay na lang siguro sa gym.

Habang naglalakad naman kami papunta sa gym may bumangga kay Sam.

"putangina-" Napamura naman si Sam sa gulat. Ansama ng tingin niya dun sa babae.

Ano bang problema nun samin?

"Sorry." Sabi naman nung babae pero halatang di sincere. Sobrang lawak ng daan tas babanggain niya kame?

Bumulong naman sakin si Taehyung.

"Gaano ba siya kalaki para di magkasya sa ganyan kalaking daan?" Kung titignan mo kasi, apat na tao pwedeng dumaan ng sabay-sabay, nang HINDI nagkakabanggaan.

"Tss, laking harang." Mahinang sabi ni Sam pero malakas na para marinig naming lahat.

Nangunguna si Sam maglakad saming lahat, kaya nakasunod lang kami sa kanya. Kaming dalawa ni Taehyung yung nasa pinakalikod.

Nang katapat ko na yung babae, binangga ko siya, malakas para mapa-atras siya nang kaunti.

"Aray!" Napalingon naman silang apat tsaka yung mga nakaupo malapit samin.

"Hala! Sorry sinadya."

━ cheater .Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon