c h a p t e r 4

85 15 9
                                    

C H A P T E R  04

Ikaw na nga ba
ang bagong hanap ng puso ko?
Kung oo,
Bakit mas mukha tayong
kumplikado?

⊱ ────── {.⋅ ♕ ⋅.} ────── ⊰

"Bakit ba kase sa dinami-dami ng lalaki dito sa school, siya pa nagustuhan mo?" Tanong ni Sam sakin, kaibigan ko.

"Baka kasi-" Di ko na natapos yung sasabihin ko nang biglang pumasok si Prof Buenaventura.

"Good afternoon class." Pagkasabi na pagkasabi niya pa lang ng mga salitang yan, nagsibalikan na lahat ng mga kaklase ko sa upuan nila. Strict kasi si sir, masungit pa. Sa 3 months na pagtuturo samin niyan di pa namin nakita ngumiti yan.

"Miss Mendoza" Naalimpungatan naman ako nang di ko namalayang natulala na pala ako. Nakatingin naman sakin yung mga nanlilisik niyang mata. Paktay kang bata ka.

"Sorry sir..." Kinabahan ako don ah...

▪ ▫ ▪ ▫ ▪ ▫ ▪ ▫ ▪ ▫ ▪ ▫ ▪ ▫ ▪ ▫ ▪ ▫ ▪ ▫ ▪

Lumipas naman yung oras nang walang pagbabago... ata?

Tingin nang tingin sakin si prof huhu. Baka di maka-move on sa nangyari kanina, papagalitan pa ko mamaya. Sabagay, ako nga ilang linggo na di pa rin maka-move on, pano pa kaya kung kanina?

"Class dismissed. Goodbye everyone." Pagkarinig na pagkarinig ko nun, inayos ko na agad yung mga gamit ko. Gusto ko na umuwi !!

"Miss Mendoza? Pwede bang makausap kita saglit?" Oh no... papagalitan ako nito tapos bibigyan ako ng narrative tapos-

"Miss Mendoza, nakikinig ka ba?" Paktay na !!

"Yes- opo sir." Huhu

Pagka-alis naman ng mga kaklase ko sa room, pumunta ako sa harapan ni sir.

"Ba-"

"Sorrysirdikoposinasadyangmatulalakaninabakamadamilangpoakonginiisiptsaka-" Natigilan naman ako sa pagsasalita nang makita kong kumunot yung noo ni sir pero sinundan ng unting kurba sa labi.

Ngumiti si sir ?!!

"Sir?" Naguguluhan talaga ako. Akala ko ba papagalitan niya ko? Ready na kaya ako sa speech ko hehe.

"Tatanungin lang naman sana kita kung anong problema, andami mo yatang sinabi." Ahh yun ba? Kinabahan ako as in !!

"Sir... wala naman po..?" Wala naman ata?

"Bat parang di ka rin sigurado?" Tanong naman ni sir. Eh sa ganun hehe.

"Di ko rin po alam eh..." Napahawak naman ako sa batok ko.

"Iriiisss !! Di ka pa ba- charrot. Mamaya na lang ulit hehe." Sumilip naman si Sam sa pintuan kaya napatingin kami ni prof sa kanya.

"Ay! Mag-aalas otso na pala. Bukas na lang ulit." Afternoon classes kasi kami kaya gabi na nakakauwi. Tumayo naman si sir tsaka inayos na yung mga gamit niya.

"Ah sige po..." Paalis na sana ako pero nagsalita ulit siya.

"Ingat." Napalingon naman ako kay sir na nakangiti sakin. Shuxx ang gwapo pala ni sir.

"Sige po, kayo rin po."

━ cheater .Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon