C H A P T E R 03
Sabi ko titigil na ko,
Pero ano bang saysay ng
mga sinasabi ko,
Kung hindi naman kita maalis
sa isipan ko?⊱ ────── {.⋅ ♕ ⋅.} ────── ⊰
"Ayos ka lang ba?"
Mga salitang hindi ko alam kung itatanong ko sayo dahil sobrang lungkot mo ngayon o itatanong ko sa sarili ko dahil alam ko namang kinausap mo lang ako dahil nilalayuan ka niya, pero natutuwa pa rin ako.
Hindi ko nga rin alam kung bakit ako natutuwa, alam ko namang pagkatapos nito mawawala ka na ulit sa tabi ko, at makakalimutan mo na ulit ako.
Pero siguro ayos na rin to, mapansin mo lang ako kahit ngayon lang. Kahit isang araw lang, maging "akin" ka.
Pero...
pangako, kakalimutan din kita. Hindi man ngayon, pwede namang bukas.
Siguro naman makakahanap ako ng iba. Pero kung hindi, hahanap ako ng iba.
Kaya ko gawin lahat ng yan, makalimutan lang kita.
BINABASA MO ANG
━ cheater .
Novela Juvenil❝ you already have a girlfriend, you don't need another one. ❞ ▪ ▫ ▪ ▫ ▪ ▫ ▪ ▫ ▪ ▫ ▪ DS: 07.27.19 DE: -