c h a p t e r 1

228 18 3
                                    

C H A P T E R  01

Masaya ka na ba?
Sa piling niya?
Sabihin mo lang,
Handa akong magparaya.

⊱ ────── {.⋅ ♕ ⋅.} ────── ⊰

"Masaya ka na ba...?"

Bakit ba kasi ganito?! Mas pinili ko pang maniwala sa mga kathang-isip ko.

Sabagay, kasalanan ko naman talaga lahat. Lahat naman kasi para sakin may ibig sabihin. Simula pa lang naman nung una, dapat di na ko umasa.

Pero bat ganun? Bakit sobrang sakit manampal ng katotohanan? Katotohanan na hindi kayo para sa isa't isa.

Gusto ko sana sabihing paasa siya... pero wala namang taong paasa kung walang taong umasa.

Pero wala din namang aasa kung walang paasa. Naguguluhan ako... ako ba yung pinaasa o ako lang yung umasa?

Masakit... sobrang sakit. Pero ano bang magagawa ko? Wala namang kami... wala rin akong karapatan mag-selos. Wala namang kami.

"Masaya ka bang nagpaka-tanga ka
sa kanya?"

━ cheater .Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon