D
"Deans, ang ganda! Sobra... Ang ganda talaga! You are really a genius!" nagpaikot ikot pa tong si ate Bea dito sa rooftop.
Nainstall na namin lahat ng ilaw dito sa rooftop ng school. Eto ang inuna namin para pababa ang gawa namin di na kami akyat baba pa.
Isang linggo ko din tong tinrabaho, this rooftop alone. Ayoko kasi madaliin yung gawa. Gusto ko maayos lahat, ayoko madaliin yung mga tauhan namin. Dapat pulido at maganda.
"Para kang sira dyan, ate Bea. Paikot ikot ka pa. Walang yayakap sayo dyan. Haha.. Tara, baba na tayo gabi na oh.. Nagugutom na ko, ililibre mo pa ko.."
"Deans, 10 minutes pa please.. Ang sarap ng hangin dito. Saka ang ganda ng citylights ohhh.."
"Hanggang 6pm lang dapat tayo dito.. Lagpas 7pm na ohhh." hinarap ko pa sa kanya yung relo ko.
"Let's go na, ate Bea.. Balik ka na lang ulit dito... Baka matraffic pa tayo pauwi.." hinila ko na siya papunta sa exit ng rooftop.
Pero nasalubong namin yung mga papasok ng rooftop..
"Hey, girls.. Let's go! Ang ganda dito ohh may ilaw na!"
Huminto kami ni ate Bea sa gilid, to give way sa mga papasok dito sa rooftop.
"Oh, my god! Ang ganda nga dito girl! Ay, may tao pala.." napatingin na samin yung isang babae..
"Hi, sorry.. Pababa na din kami.." sabi ko.
Dumiretso na kami sa exit ni ate Bea...
"Jema!" ate Bea exclaimed.. Nasa likod ko siya..
Si Jema nga tong paakyat..
"Hi, Jema.." bati ko pag lapit niya samin.
"Uy, hi, Deanna! Kamusta ka na? Nice seeing you again.."
"Jema, nag dinner ka na?" ate Bea.
"Hmmm... Hindi pa, kaka-out ko lang. Nagyaya mga kasama ko na umakyat muna dito."
"Tara, sama ka samin, Jema! Magdidinner kami. Treat ko.." wow, ate Bea sa treat ah..
"Ate Bei, may kasama si Jema.. Ano ka ba.."
"Ay wait.. Papaalam lang ako sa mga kasama ko. Uy, wait niyo ko ah, gutom na din talaga ako hehe.." umakyat na si Jema sa rooftop. Naiwan kami ni ate Bea dito sa stairs.
"Hindi ka ba magthathank you sakin?" nakakaloko tong ngitian ni ate Bea.
"Pinagsasabi mo, ate Bei?"
"A dinner with Jema.. Hehe.."
"So? Ikaw nag aya kaya. Sumbong kita kay ate Jho eh."
"Sus, kunwari ka pa. The way you look at Jema.. She's something no, Deans?"
"Hay naku, ate Bei.. Nagugutom na koooo.."
"Hey, I'm back. Sorry, natagalan ako nagpicture picture pa kasi kami. Sorry... Let's go? Dinner? Hehe.. Okay lang ba?" halatang nagmadali nga to si Jema. Medyo hinihingal pa siya eh.
"Its okay, Jema.. Breathe in, breathe out. Hinihingal ka pa eh hehe.." biro ko sa kanya.
"That breathe in, breathe out, Deanna.. But, thanks.."
"Tara, dinner na tayo.. Gutom na ko eh.." ate Bea.
Sa isang pizza house kami dinala ni ate Bea. Yung malapit lang sa school.
Si ate Bea kwento lang ng kwento kay Jema hanggang ngayon, kumakain na sige daldal pa din.
Di ko alam kung tinotolerate lang ni Jema si ate Bea o talaga bang nag eenjoy siya kausap to.
BINABASA MO ANG
Stranded
FanfictionWhat if you know how much time you have left? What would you do? Would you live in fear? Or would you live life differently?