33

3.1K 145 5
                                    

D

"Deanna.."

"Babe.... Wake up..."

I opened my eyes and saw Jema smiling at me...

"Hi, baby.." I smiled back.

We're finally back home.

Dito sa condo ko napagpasyahan namin ni Jema na mag stay. Ayaw na niya umuwi sa apartment niya. Saka mas accessible nga naman lahat dito, lalo na yung ospital.

Bumangon ako at umupo sa kama.

"Look, babe.." may inabot siyang pahabang box sakin.

"What is it, babe?"

"A gift, babe."

"Gift for what? Hindi ko naman birthday ah? Tapos na din ang anniversary natin."

"Just open it, babe."

Well, may okasyon o wala, a gift is a gift.

Wait, what's this??? Is this true???

Pag tingin ko kay Jema nakangiti siya at tumatango sakin, para bang nabasa niya yung tanong sa utak ko.

"Babe, we're having a baby? Seryoso ba, babe?" di ako makapaniwala.

It's a pregnancy test result.

"Here, tatlong beses ko inulit. Yan yung pangatlong kit. Same result lahat, babe." pinakita niya yung dalawa pang kit na same result.

Sa sobrang saya ko, niyakap ko agad si Jema. Hindi ko na naalala to. Bago nga pala kami umuwi sinubukan namin ulit. I can't say no kay Jema. Mahal na mahal ko talaga siya, kaya kahit ayoko sana pinagbigyan ko pa din siya.

"I love you, Jema! I love you!" lalo ko siyang niyakap ng mahigpit.

"Kaya babe magpagaling ka lang ah. Magpalakas ka kasi pag lumabas si baby dapat dalawa tayong mag aalaga sa kanya." napabitaw ako ng yakap kay Jema.

"Oh.. Bakit, babe? Ayaw mo bang alagaan si baby pag labas niya?"

"Syempre gusto ko, babe. Pipilitin kong umabot sa pag labas niya."

"Hay naku, ang nega mo na naman. Hmmmm.." pinisil niya ang magkabilang pisngi ko.

"Gutom ka ba, babe? Tara, merienda tayo. Nagugutom ako. Samahan mo ko kumain." dagdag pa ni Jema.

Lumabas na kami ng kwarto. Pinaupo niya ko sa sala, siya na ang naghanda ng merienda namin.

Simula ng makauwi kami parang dinismiss na ni Jema yung katotohanan na hindi na ko gagaling. Di ko na siya nakikitang masyadong nag aalala, mas nakatutok siya sa mga treatment ko.

Bumalik kami sa dati naming ginagawa. Para kaming nagliligawan ulit, gala dito, gala doon. Kung saan saan kami nagpupunta pero syempre hindi niya hinahayaan na mapagod ako masyado. Masaya lang lagi. Hindi rin niya hinahayaan na pumalya ako ng inom ng mga gamot ko.

At pag hindi ako makahinga o masakit ang dibdib ko, alam na alam na niya ang gagawin, inalam niya lahat. Para kahit nasaan kami, alam niya ang gagawin sakin.

Sa totoo lang, magkahalo ang nararamdaman ko sa balitang to ni Jema. Natutuwa ako na sa wakas, matutupad na yung pangarap ni Jema para samin, magkakaanak na kami.

Pero kasabay non, di ko maiwasang malungkot sa katotohanang baka di ko na maabutang lumabas ang anak ko. Baka di ko na siya makita at mahawakan. Baka mag isa na lang si Jema na mag aalaga sa kanya.

Nakakalungkot isipin na baka di ko na marinig ang unang iyak niya at ang unang tawag sakin. Na baka di ko na siya magawang ihatid sa unang araw niya sa pag pasok sa school, di ko na siya maipagtanggol sa aaway sa kanya, at di ko na mapunasan ang mga luha niya sa unang pag iyak niya dahil nasaktan siya.

Nalulungkot na agad ako. Dapat masaya lang kami ni Jema ngayon, pero eto ako nalulungkot para sa kanya at sa magiging anak namin.

"Deanna, wag ka ng malungkot dyan. Magagawa mo lahat yun. Makikita mo ang anak mo."

Napatingin ako kay Jema. Inaayos na niya yung mga pagkain sa center table.

"Ano, babe?"

"Alam ko iniisip mo. Lika na, kumain na muna tayo." umupo siya sa tabi ko at nagsimula agad kumain.

"Babe, ang takaw mo na ngayon." ang dami kasing pagkain. Di naman ako malakas kumain, siya din.

Pero nitong mga nakaraang linggo ang lakas na niya kumain tapos maya maya gutom siya.

"Dalawa na kaming kumakain kaya ni baby. Kaya siguro ang lakas ko na kumain nitong mga nakaraang araw. I'm preggy hihihi!" yumakap ako sa kanya at hinalikan siya sa pisngi.

"Sweet naman po. Here, babe try this pasta. Ako nagluto nyan at pwede sayo yan." sinubuan niya ko.

"Hmmm.. Ang sarap, babe. Magaling ka na din magluto, babe."

"Dati ba hindi, babe?" ay, tampo siya.

"Mas magaling ka ngayon magluto, babe."

"Palusot ka pa. But, I love you! Hihihi."

"And I love you too, Jema! Kailan natin sasabihin kina mommy yung about sa pregnancy mo? At pati na rin, babe sa family mo."

Ilang linggo na kaming nakauwi pero di pa rin namin nakakausap ang pamilya ni Jema. Tapos eto na, may laman na ang tiyan niya. Ano na lang ang ihaharap ko sa mga magulang niya?

"Ang lalim na naman ng iniisip mo, babe. Sige, ganito. Sa family ko muna tapos kina mommy mo naman, what do you think?"

"Una sa family mo para pag negative, at least sa family ko positive. Kumbaga, di masyadong masakit haha."

"Loko loko.. Pero parang ganon na nga. Nakwento ko naman na sayo si mama di ba."

Sabagay, nakwento na nga niya sakin ang buong pamilya niya. At sa kwento pa lang niya, natatakot na agad ako sa magiging reaksyon ng nanay niya pag nalamang buntis na agad si Jema di pa ko napapakilala.

"Deanna Wong! Wala ka na naman sa sarili mo. Wag mo isipin si mama. Wala na siyang magagawa at hindi na niya mababago ang desisyon ko. Mahal kita at ang magiging anak natin."

"Nag aalala lang ako. Ayoko mag isip ng masama sakin ang pamilya mo. Mabuti ang intensyon ko sayo, Jema."

"Alam ko yun, Deanna. Ipapaliwanag natin ng mabuti sa kanila. Magkasama naman tayo. Wag ka na mag alala, babe ha?"

"Opo.. Sige na nga, hindi na po. Pero kailan natin sila kakausapin?"

"This weekend gusto mo?"

"Sure, babe. Excited na din kasi ako sabihin kina mommy. Matutuwa silang lahat sigurado. Lalo na si ate, magkakaron na ng kalaro si Aya."

"Baby narinig mo ba yun, may kalaro ka na pag labas mo. Excited na si dada mo." pareho naming hinawakan ni Jema ang tyan niya. Di pa naman to malaki.

Oh myyy.. She really called me dada?

"Babe, nakakatouch naman. You called me dada agad."

"Cute mo, babe. Soon to be dada nga di ba, kaya dapat masanay ka na."

"I can't wait na, babe. Mas masaya na pag may makulit ng iikot ikot dito sa bahay, tapos pupuyat satin sa madaling araw."

Haaaayyy.. Ang sarap naman isipin, parang gusto ko ng dumating ang araw na yun. Surely, Jema and I will be good parents. Lalo na si Jema, napaka mother figure niya. Maalaga at mapagmahal talaga.

StrandedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon