32

2.9K 142 16
                                    

D

"Baby, please.... Speak, babe..." Jema crying, trying to calm me, but my breathing just can't..

We were just doing our normal routine when I started feeling out of breath...

Madalas ko ng maramdaman to, konting galaw ko lang hihingalin na agad ako. Sabi ng doctor ko dito, magiging mahirap na sakin yung mga normal activity ko non, hindi ko na kakayanin yung simpleng pag akyat o pag baba ng hagdan.

Hindi ko na maalala kung kailan ba ko huling may natulong dito sa apartment, puro si Jema ang nag aasikaso. Maghapon na lang akong nakahiga o nakaupo.  Pati nga sa pag gamit ko ng cr, kulang na lang samahan niya ko.

Pero iba ngayon, hindi ako makahinga.. Kanina pa ko naka oxygen pero para pa din akong sinasakal....

Mabilis lang nakarating yung doctor ko pagkatawag ni Jema kanina... At sinusubukan nilang pakalmahin ako...

Para akong nalulunod pero wala namang tubig...

"Please, doctor... Help her...." paikot ikot si Jema, pati siya hindi alam kung paano ako tutulungan.

Ano pa nga bang magagawa niya o ng doctor ko? Matagal naman ng pinaliwanag samin to. Pero iba pa din pala pag nandito na..

Ang hirap makita na nahihirapan din si Jema sa nangyayari sakin...

"Deanna, please... Breathe in, breathe out... Sabayan mo ko.. Please..."

Ramdam kong unti unting gumagaan ang pakiramdam ko. Wala akong ginawa pero pakiramdam ko tumakbo ako ng napakalayo, pagod na pagod ako...

Gusto ko na lang matulog, magpahinga..

"Don't sleep, Deanna.. Don't.."

I feel so exhausted...
.
.
.
.
.
.
----------

J

Gaano na ba katagal?

Gaano na ba katagal kaming ganito?

Alam ko naman na mangyayari to. Ilang beses inulit ulit ng doctor ang mga gagawin namin. Ilang beses naming hinanda ang sarili namin.

Pero iba pa din..

Iba pa din nang makita ko si Deanna na habol ang bawat hininga niya. Yung wala akong magawa. Yung sana ako na lang, wag lang siya. Ang sakit makitang nasasaktan siya at wala akong magawa kundi maghintay.

Buti na lang sumunod ako, pano pala kung wala siyang kasama? Paano? Pero ang sakit sakit... Ang sakit sakit makitang nahihirapan siya.

"J-jema....." agad akong lumapit sa gilid ng kama.

Akala ko nakatulog na siya. Alam kong pagod na pagod siya.

"Deanna, baby, wag kang masyadong mag salita... Magpahinga ka muna..." Hinawakan ko ang kamay niya, malamig to. Alam kong mismo siya takot na takot kanina.

Makikita mo ang pagod at sakit sa mukha niya...

"U-uwi na t-tayo, J-jema...."

Gusto na talaga niyang umuwi. Ako na lang naman tong gusto pang mag stay dito para sa plano namin. Alam kong pinagbibigyan niya lang ako kaya nandito pa kami.

Pinagbigyan niya nga ako, ganon niya ko kamahal. Ramdam ko na hindi buo ang loob niya sa plano ko, pero ginawa pa din niya. Pumayag pa din siya.

Kaso parang ako lang ang may gusto sa plano na to, sa tagal ng naging paghahanda namin sa procedure, umasa ako na maganda ang kalalabasan, kasi ayoko ng ulitin yung pinagdaanan namin, lalo sa parte ni Deanna. Inabot din kamin ng dalawang buwan, tapos ang outcome lang, negative..

Nag aksaya kami ng panahon at pera para sa wala. Nahirapan na nga kami sa procedure kasi hindi naman pwedeng mapagod si Deanna.. Tapos walang nangyari. Hindi successful.

Nung una, sobrang frustrated ko talaga. Deanna told me na baka hindi pa talaga yun ang time para samin. Ayokong sumuko agad. Alam kong selfish, pero pinilit ko siyang subukan ulit.

Alam ko naman na ayaw talaga niya, ramdam ko. Pero di siya nagdalawang isip na pumayag sa hiling ko sa kanya. Sinubukan ulit namin. Its been a month.. At sana naman this time successful na.

Pero sa ngayon, hindi ang result sa procedure na ginawa namin ang priority ko kundi si Deanna...

"Uuwi na tayo, Deanna.. Kung yan ang gusto mo, babe..." ako naman ang dapat pagbigyan siya..

Matagal tagal na din kami dito.. Its about time to go home. Matutuwa ang pamilya niya kung nandun siya.

"T-thank you, babe... I l-love you, Jema, everyday..."

"I love you too, Deanna... Everyday..."

Everyday....

StrandedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon