J
"Deanna, sit back and relax ah? Saan nga pala kita ihahatid?"
Buti naman napapayag ko si Deanna ihatid siya. Ang hirap pa naman sumakay dito sa Manila. Saka minsan ang hirap magbook dito ng grab lalo pag gabi na. Ayaw kasi maipit ng mga driver sa traffic.
"Thanks, Jema ah.. Ang ganda naman ng car mo.."
Ha? Maganda yung car ko? Eh ang luma na nito.. Eto pa yung kotse ko nung first year college ako. Iningatan ko lang talaga to at inalagaan sa maintenance. May sentimental value kasi sakin to eh.
Regalo kasi to ng kapatid ko sakin, yung ate namin ni Mafe.. Eto yung graduation gift niya sakin, binigay niya sakin to nung mismong graduation ko nung high school. Sobrang close namin ni ate.
Kaya nung nawala si ate sobrang nalungkot ako. Di ko matanggap na ganon ganon lang nawala si ate samin. Wala man lang pasabi, wala kaming kaalam alam. Basta isang araw, tumawag sakin si papa, kakatapos lang ng klase ko non, ibinalita niya sakin ang isang napakasamang balita na hanggang ngayon ipinagdadasal ko na sana panaginip lang yun.
Pero hindi.. Wala na si ate. Inatake siya sa puso. Lumipas na ang maraming taon. Lahat sila sigurado ako naka-move on na, natanggap na yung nangyari. Ako hindi. Si ate kasi yung pinaka naniwala sakin sa gusto kong maging ako, siya pa nga yung nagpush sakin na mag exam sa UP kahit ayaw ni mama.
Para kay ate, mas magiging magaling at masaya ako pag pinili ko kung anong nasa puso ko. Mas magiging malaya daw ako dun. Kaya nung nawala siya, parang nawalan na din ako ng tagapagtanggol, yung magpapatunay na hindi mali na sundin ko ang gusto ko.
"Jema? Did I upset you? May nasabi ba kong di maganda? Sorry, Jema.."
"Ay, hindi, Deanna. May naalala lang ako. Nagagandahan ka talaga sa kotse ko? Ang luma na nito.. This is an old civic.. Fasten your seatbelt na."
"This is old, yes, but its really cool. Alagang alaga mo to no?"
"Alam mo ba ang dami ng nagsasabi na palitan ko na to kasi lumang luma na. Ikaw lang naka appreciate ng kotse ko. Si Brian kasi sabi---... Nevermind. Saan ka nga ulit, Deanna?"
"I like your car.. I like the interior.." sabi pa niya habang tinitignan ang paligid ng sasakyan ko.
"Sa Makati pala ako, Jema. Baka out of your way ah, pwede mo naman ako ibaba sa di ka maaabala."
"Makati? Wow.. Dun din apartment ko. Cool, Deanna.. Ihahatid na kita, ituro mo lang kung saan."
Pareho lang pala kami ng way ni Deanna eh.. Mas okay di na ko mapapalayo. Nag start na ko mag drive. Inopen ko din yung radio para may music man lang.
"Di mo naman sinabing rakista ka pala, Jema.. Hehe.." komento ni Deanna sa music.
Naku, si Brian talaga di man lang tinanggal yung cd niya sa player..
"Ay, sorry.. Kay Brian yan. Sorry, sorry.." nilagay ko na lang sa isang station yung radio.
Ang ingay naman kasi ng nag play na kanta. Ang sakit sa tenga. Ewan ko ba bakit ganito yung mga gusto ni Brian eh.
"Its okay, Jema.. Your car, your rules hehe.. Nakikisakay lang naman ako."
"Kay Brian talaga to hehe.. Di ako rakista ah."
"Who's Brian pala, Jema? Kung okay lang itanong. Pero okay lang kung di mo sasagutin."
Ayoko na sana pag usapan si Brian kasi naiinis pa din ako sa kanya pero sige na nga..
"Ah.. He's my boy---fiance pala.."
"Di sigurado, Jema? Hehe uy joke lang ha? Wag mo ko pababain sa gitna ng kalsada hehe.." nag peace sign pa tong si Deanna.
BINABASA MO ANG
Stranded
FanfictionWhat if you know how much time you have left? What would you do? Would you live in fear? Or would you live life differently?