15

2.8K 126 17
                                    

D

"Gutom ka na ba, Jema?"

"Hmmm.. Medyo hehe.. Saan ba tayo?"

Nasa daan na kami ni Jema.. Pero sa totoo lang di ko pa siya natatanong kung ano na bang balak namin. Uuwi na ba kami o ano ba? Madalim na din kasi eh.

"Gusto mo na ba umuwi o ano ba?"

"Gabi na ohh.. Saka nakakapagod.. Overnight na lang tayo kung saan pwede, okay lang ba, Deanna?"

"Sure, Jema.. Para makapagpahinga tayo. Alam kong napagod ka sumigaw kanina hehe."

"Uy, grabe ka.. Nakakatakot kasi, first time ko pa naman yun. Pero, Deanna.. Nagugutom na talaga ako hehe.. Parang gusto ko ng buffet haha.."

"Ang takaw, Jema ahh.. Pero sure, alam ko na kung saan tayo mag sstay tonight, dun na din tayo mag bubuffet.."

"Dami mong alam dito, Deanna ahh.. Saan naman yan? Yung keri lang ng budget ko ah hehe.."

"Don't worry, Jema.. Akong bahala. Kaya pa ba mga 1 hour drive pa? Sa Clark Marriott tayo.."

"Kaya pa naman.. Kainin ko na muna tong chips mo hehe."

"Sure kuha ka lang dyan.."

"Teka lang, Clark Marriott? Uy! Di ko ata keri don.. Ang mahal kaya don.."

"Ako ngang bahala.. Maganda dun. Saka masarap yung buffet promise..."

"Di nga? Nakakahiya, Deanna.. Mag share na lang ako sa abot ng makakaya ko."

Nakakatuwa talaga to si Jema.. Sarap kasama eh.

"Sure, Jema.. Pero kahit wag na kasi kilala ko naman yung mag aaccommodate satin dun. Naging client kasi namin sila non. So, yun haha.."

"Pang malakasan ka talaga, Deanna.. Iba din talaga.. Sure, sige dun na tayo! Excited na ko.."
.
.
.
.
"Hi, I'm Deanna Wong, I made a reservation here.. Can you please check?"

Nandito na kami sa hotel lobby..

"Ang ganda naman dito, Deanna.. Halatang ang mahal.." bulong sakin ni Jema..

"This is a 5-star hotel, Jema.. Ganda no? Kami may gawa ng mga ilaw dito."

"Talaga? Wow! Ang galing galing niyo, Deanna! Ang ganda!" manghang mangha si Jema habang tinitignan yung paligid nitong hotel lobby.

"Ms. Deanna Wong, Deluxe room with balcony, 2 double size bed.. Confirm na po, ma'am. Can I have your id po for verification?"

"Sure, here's my id.."

Tinitignan ko si Jema.. Busy na siya sa phone niya, pinipicturan niya yung paligid.

Magaling nga siyang kumuha ng litrato. Kahit sa phone lang niya ang gaganda na ng mga anggulo niya. Paano pa kaya kung professional camera ang hawak niya, lalo sigurong mas maganda.

"Here's your keycard po ma'am.. Enjoy your stay here. Good evening.."

Kinuha ko na yung keycard namin sa receptionist. Sa 12th floor pala ang nakuha ko na room..

Nilapitan ko na si Jema. Masyado na siyang natuwa sa interior ng lobby.

"Jema, okay ka na? Nakuha ko na yung keycard natin."

"Ang ganda dito, Deanna.. Pwede ba tayong mag ikot mamaya? Kung okay lang sayo.."

"Sure, Jema.. Baba muna natin tong gamit natin, then, dinner tayo. After non, ikot kita dito. Mas madami pang magagandang view dito."

StrandedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon