J
Nakakatuwa naman asar asarin to si Deanna. Yung kilay niya nagiging isang linya haha.. Ang sarap lang bunutin ng kilay niya haha..
Hay naku.. Kung di lang kami kumakain kanina kung ano ano ng natanong ko sa kanya. Ex pala niya pala si ate girl kanina. Haha nakakatawa talaga yung reaction niya.
Di pa talaga dapat ako babalik sa table namin kaso natanaw ko siya mula sa dessert area at nakita ko nga si ate girl na nakaupo na sa harap niya at yung kilay ni Deanna isang linya na lang talaga. Halata pang uneasy siya non.
Kaya bumalik ako para talaga makichismis haha. Nacurious talaga kasi ako kay ate girl. Pero infairness ah, ang ganda niya talaga. Ang tangkad, mas matangkad pa sakin, tapos ang fit pa niya. Kahit nga simple dress lang suot niya ang sophisticated pa din ng dating niya. At ang kinis niya girl, grabe.. Nahiya ang balat ko..
Pero dahil ako ang kasama ni Deanna, di siya makakatakas sa kakulitan ko. Di ko nga alam bakit natitiis pa nito ang kakulitan ko hanggang ngayon, almost 12 hours na kaming magkasama.
Take note sa buong 12 hours na yun di ako firm and proper, real Jema talaga ang kasama niya, yung makulit, madaldal, childish, baliw at matakaw. Kay Brian kasi kailangan firm and proper ako. Ayaw ni Brian ng sobrang kulit at daldal ko, naiinis nga yun pag ang childish ko at pag kumakain kami sinasaway ako pag sobrang dami na ng nacoconsume ko.
Pero iba si Deanna.. Di ko alam kung tinotolerate lang ba niya ko o talagang ganon siya, tanggap niya lang kung ano ako. Kaya ang komportable ng pakiramdam ko sa kanya.
After mag dinner, inaya ako ni Deanna dito sa pool area.. Akala ko aakyat kami sa executive lounge pero sabi niya bukas na lang baka daw kumain na naman ako, grabe talaga mang asar sakin eh.
"Jema, tara dito.. Upo ka.." nakaupo na si Deanna sa pool side.
"Wait, magpipicture lang ako. Ganda ng ilaw dito eh."
Ang ganda naman kasi talaga.. Sarap kuhanan ng picture bawat sulok eh.
"Galing ko ba, Jema? Ako may gawa nyan hehe.."
"Oo na, ikaw na ang genius ng mga ilaw.. Light up my world naman, D haha.. Charot!"
"Ako naman picturan mo, Jema ng magka subject naman yang mga kuna mo.." tawag sakin ni Deanna.
Pag lingon ko sa kanya, winawagayway na niya yung kamay niya sakin.. Parang baliw talaga. Kanina lang salubong yung kilay ngayon naman ang saya saya na.
Mainterview na nga ulit to.. Aasarin ko lang ulit.
Umupo na ko sa tabi niya..
"Shocks, Deanna! Di mo naman sinabing basa pala dito.." bwiset na Deanna to, tawa na ng tawa..
"Kaya nga pinapaupo kita, para dalawa na tayong basa ang shorts haha."
"Ah ganon.. Eto sayooooo!" binasa ko siya ng tubig sa pool..
"Hey, Jema... Tama na, uy..."
Ano ka ngayon, Deanna.. Nakakatawa! Basang basa na yung mukha niya.
"Ah, ayaw mo tumigil, Jema ahhh.."
Waaahhh! Langhiya! Hinila niya ko sa pool!
"Etong sayo, Jema! Haha.." binasa basa pa niya ko sa pool bwiset.
"Shocks, Deanna. Basang basa na tayo.. Langhiya ka buti di nabasa phone ko."
Buti na lang ibinaba ko yung phone sa pool side bago niya ko hilahin dito..
"Ang lameeeg pala, Jemaaaa.." ayan ayan.
"Ma'am, bawal po mag swimming ng di naka swim attire.." sita samin ng lifeguard.
BINABASA MO ANG
Stranded
FanfictionWhat if you know how much time you have left? What would you do? Would you live in fear? Or would you live life differently?