21

2.9K 135 18
                                    

D

"Ateeee!" nakita ko na si ate Nicole agad pag labas nung mga passengers sa flight nila..

Kumakaway kaway pa ko para makita ako ni ate, ang dami kasi nilang kasabay..

"Jema! Ayan na yung ate ko ohh. Yun ohhh kaway ka din.." tinaas ko pa yung kamay ni Jema haha para kasi siyang di mapakali eh.

Kakasigaw ko nakita na ko ni ate Nicole, si Aya tumakbo agad papunta sakin.

"D!!!" sigaw ni Aya habang tumatakbo papunta sakin..

"Aya! Dont' run..." pero di na pinansin ni Aya si ate Nicole

Binuhat ko agad siya pag lapit niya sakin..

"Hi, baby! I miss you!"

Pinanggigilan ni Aya yung pisngi ko at hinalik halikan ako.

"D, I miss you! How's your heart?" hinawakan pa niya yung dibdib ko. Ang cute cute talaga nitong pamangkin ko.

"Still beating, baby..."

Nakalapit na samin si ate Nicole..

"Aya, come here... Baka mapagod si D sige ka..."

Bumaba agad si Aya pagkasabi non ni ate Nicole..

Yumakap ako kay ate. Sobrang namiss ko siya..

"How are you, ate? Akin na yang bag mo ako na magdadala."

"I'm okay but I'm starving. Ako na magdadala nito."

"Ohh, let's go, ate.. Kain muna tayo, pero bago yun, this is Jema pala, ate Nicole. Friend ko." pagpapakilala ko kay Jema.

"Hello po.." maikling bati ni Jema kay ate, halatang hiyang hiya to. Kanina ang daldal ngayon natahimik na.

"Hi, Jema.. Hmmm, paano kayo nagkakilala ni Deanna? Sorry for asking, ngayon lang kasi may pinakilalang bagong kaibigan si Deanna.."

"Matagal ko na siyang kilala, ate. Siya yung kasama ko non ma-stranded sa island. Tapos yun, I met her again." ako na yung sumagot para kasing gulat na gulat pa si Jema.

"Ohhhh.. Ikaw pala yun.. You're so pretty. Wag ka papaloko sa kapatid ko ahh haha.."

Waaaahhh? Ate!!!

Si Jema di na maintindihan yung reaction ng mukha..

"Uy, joke lang yun, Jema hehe.. Wag kang mahiya sakin.."

"Sorry po, hehe.. Ang ganda niyo po kasi..." wow, Jema.. Wag mong binobola si ate.. Mabilis maniwala yan.

Hinila hila ni Aya yung kamay ko.. Napatingin tuloy ako sa kanya..

"D, I'm hungryyyy.." nakasimangot na to at hawak hawak ang tyan..

"Hey, let's go na.. Aya is hungry na ohhh.."

"Ayy, oo nga pala.. Tara na, Deanna. Saan ka ba nakapark.."

"Dun lang, ate. Malapit lang.."

"D, buhat? I'm tired na ehhh.." yumakap na to sa bewang ko..

"Come here, baby..." akmang bubuhatin ko na si Aya pero pinigilan ako ni ate.

"Mommy will carry you, baby.. Come here..." si ate na ang bumuhat kay Aya.

Nauuna akong maglakad. Si ate at Jema magkasabay sa likod ko. Nagkkwentuhan sila. Naku, may katapat na yung kadaldalan ni Jema. For sure maya maya lang wala na yang hiya ni Jema kay ate.

Sa pinakamalapit na mall sa airport na kami pumunta baka matraffic pa kami pag pumunta pa kami sa malayo. Alanganing oras na din kahit ako nagugutom na.

StrandedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon