D
"Babe?" naglalakad na kami palabas ng ospital ng mapahinto si Jema.
"Hey, baby.. What's wrong?" sinundan ko kung saan siya nakatingin.
Nakatingin siya sa babae na may karga na little girl, I think mga 2 years old yung bata.
"Let's go, Jema.." hinila ko siya pero nakatingin pa din siya dun.
"Close ka sa anak ni ate Nicole di ba?"
"Kay Aya? Oo.. Para ko ng anak yun eh.."
"Gusto mo rin ba ng ganon?"
"Ano, babe? Ng ano?"
"Gusto mo rin ba ng ganon, yung sariling anak mo. Syempre iba pag sariling anak mo di ba."
"Ikaw talaga, babe. Kung ano ano nang naiisip mo. Gutom ka na no? Tara, kumain muna tayo bago mag gala.."
Nitong mga nakaraang araw lagi akong tinatanong ni Jema tungkol kay Aya. Tuwang tuwa siya pag nagkukwento ako ng mga bonding namin ni Aya.
"Babe, ayaw mo ba magkababy, yung magka anak?"
Ha? Ano daw? Baby? 😲
"Gusto.. Mahilig ako sa mga bata eh. But, that's impossible. Tara na, babe.." naglakad na kami palabas ng ospital.
Sakto pag labas namin may cab na agad.. Nakayap si Jema sa braso ko..
"Pano mo naman nasabing imposible yun, babe?"
"Kasi imposible naman talaga, alam mo naman kung bakit eh."
"Di ba nga we're in New York, so? Everything is possible here, babe! What do you think?"
Ano bang sinasabi nito ni Jema? 😕
"Hmmmm.. Kain muna tayo hehe.. Gutom ka na talaga, babe.."
Bigla siyang umalis sa yakap ko..
"Urrrggghhh! Deanna naman ehhh.. Seryoso ako.."
"Lika dito, baby.. Yakapin mo ko hehe.."
Nakakatawa yung mukha ni Jema.. Naaasar na siya haha..
Hinila ko siya payakap ulit sakin.. Bahala ka dyan manong driver haha nakikita ko kasi napapatingin yung driver ng cab sa rearview mirror.
"Seryoso ako, babe.. Ayaw mo ba?"
"May sakit nga ako sa puso di ba, babe? Di pwede sakin mapagod ng sobra.."
"Anong kinalaman non ha? Ako magdadala ng baby natin hihihi.. Papayag na yan hihihi.." hala si Jema, parang kinikilig pa.
"Nakakapagod gumawa ng baby hahaha.."
At lumapat ang kamay niya sa ulo ko.. Nabatukan lang naman niya ko..
"Aray, baby.. Makabatok ka naman.."
"Kalokohan mo eh.. Pero seryoso ako, I want a baby Wong hihihi.."
"Seryoso din ako, gagawa tayo ng baby Wong mamaya. Uwi na kaya tayo?"
"Loko! Di mo kaya.. Bawal sayo mapagod.."
"Para kay baby Wong kakayanin ko! Haha.."
.
.
.
.
.
Pagkatapos namin kumain at mamasyal saglit, umuwi na din kami ni Jema. Ayaw niyang masyado akong napapagod.Tapos na din kaming mag dinner, nakaupo na lang kami dito sa couch, nanunuod ng kung ano ano. Hinahayaan ko lang si Jema na siya ang mamili ng papanuorin.
At maalala ko, matagal tagal na si Jema dito. Naka isang buwan na siya. Start na ng enrollment niya ah.
"Babe, di ba start na ng enrollment mo?"
Parang di naman nagworry si Jema sa tanong ko. Di man lang siya gumalaw sa pagkakahiga sa hita ko, nakatutok pa din siya sa pinapanuod niya.
"Ayaw mo na ba ko dito, babe?"
"Inaalala ko lang yung pasok mo."
"Hindi na muna ako mag eenroll. Sasamahan kita dito."
Well, sinabi na niya sakin to nung unang linggo palang niya dito. Seryoso pala talaga siya dun.
"Paano parents mo? Hindi ka nakapagpaalam ng maayos sa kanila di ba?"
Actually, mag iisang taon na kami ni Jema pero hindi ko pa namemeet yung parents at kapatid niya. Yung best friend niya na si Kayla, once ko pa lang nakita after nung makita namin sila sa coffee shop non. Tapos hindi naman niya ako naipakilala kay Kayla ng maayos non.
So, parang wala pang nakakaalam sa side ni Jema ng tungkol samin. Pero ako naipakilala ko na siya sa mga kaibigan ko at sa family ko. Magkasundo nga sila ni ate Nicole, kaya din siguro nasundan ako ni Jema dito.
"Babe, hayaan mo na muna.. Di pa kami ulit nag uusap nila mama eh."
"Tawagan kaya natin sila tapos ipakilala mo na din ako. Nakakahiya naman, nandito ka kasama ako tapos di man lang tayo nagpaalam ng maayos sa kanila."
Napabangon na siya..
"Di mo kilala si mama..."
"Babe, akong bahala. Kaya nga ipapakilala mo ko di ba? O gusto mo umuwi na tayo sa Pilipinas? Para mameet ko sila personally, dun mo ko ipakilala."
Parang biglang naging problemado yung itsura ni Jema. May nasabi ba kong masama?
Gusto ko lang naman sana makilala yung parents niya, respeto na din syempre. Biglaan na nga yung naging kami, di na ko nakapagpaalam sa kanila tapos mag iisang taon na kami di pa rin ako nakakapagsabi sa parents niya.
Gusto ko sana ipakita sa kanila na nirerespeto ko sila at mabuti ang intensyon ko kay Jema..
"Wag muna natin sila pag usapan, babe please.."
"Gusto mong magka anak tayo di ba?"
"Oo. Gusto ko, gustong gusto ko."
"Bago natin gawin yun, ipakilala mo ko sa pamilya mo. Di pwedeng basta basta tayo gagawa ng desisyon ng di nagsasabi man lang sa kanila. Respeto na din ba, Jema.."
"Bahala na.. Inaantok na ko. Matulog na tayo." tumayo siya at dire-diretsong lumakad papuntang kwarto.
Hinabol ko siya, nag uusap pa kami.. Di pwedeng ganito lang.
"Jema, wait.. Nag uusap---"
Ahhhhh! Bad trip!
"Deanna! Deanna!" di ako makabangon agad napalakas ata pag bagsak ko sa sahig. Di man lang ako nakahawak sa kahit ano. Diretsong likod ko yung tumama.
"Mag usap tayo please, Jema.."
"Saan masakit? Saan?" natataranta na si Jema.
"Sorry, babe... Sorryyy.. Di ko sinasadya.. Saan masakit, babe? Please sabihin mo.." naiiyak pa siya.
Naku naman.. Napaka tanga ko naman para talaga madulas. Naiinis tuloy ako sa sarili ko.
"Wala, babe. Okay lang ako.. Medyo masakit lang yung likod ko." dahan dahan na kong bumangon, tinulungan ako ni Jema hanggang sa makaupo ulit kami sa couch.
"Babe, sorry.. Let me see your back, o kaya pumunta tayo sa ospital baka napano ka na." nag aalala pa din siya.
"I'm fine, babe.. Don't worry. Manuod na lang ulit tayo."
"Kukuha lang ako ng cold compress, baka magka bruises ka sa likod.."
"Lika nga dito.. Wag na, babe.. Okay lang talaga ako. Buhay ako. Hug me na lang please.."
Niyakap niya ko at nanuod na lang kami..
Saka ko na lang siya kakausapin tungkol sa parents niya. Hindi ko alam bakit ayaw pag usapan ni Jema, at never pa talaga namin napagusapan ang parents niya.
Hahanap na muna ako ng magandang pagkakataon para i-open ulit sa kanya yun, ayokong pag awayan namin to.
BINABASA MO ANG
Stranded
FanfictionWhat if you know how much time you have left? What would you do? Would you live in fear? Or would you live life differently?