CHAPTER 8

48 3 0
                                    

Kate’s POV:

1 year later nagpatuloy ako sa pag-aaral ko sa California matapos akong manganak. May naka-arrange marriage ako dahil sa negosyo ng step father ko sa California at siya si Niko James Smith. Sabi ni mama pakasalan ko daw si Niko para makalimutan si Sander at para magkaroon ng daddy si Sabrina yung baby ko. Pumayag naman si Niko sa fixed marriage kahit may anak nako at tama nga si mama noon nung pagdating ko dito sa California na may makikilala akong isang lalaki na tatanggapin ako kasama ang anak ko.

“Hi babe?” sabi sakin ni Niko nang magkita kami sa isang resto.

“Hello babe. Kamusta?” sabi ko sa kanya matapos kaming mag beso beso.

“Ay oo nga pala babe yung engagement party natin gusto ko sanang gawin sa Pilipinas kasi sabi ng pinsan ko na napakulit at gustong makita yung magiging asawa ko. Ok lang ba sayo?” tanong sakin ni Niko.

“Huh? Oo ok lang naman total doon naman ako tumira 1 year ago.” I shared.

“Ahh oo nga pala nasaan na si Sabrina bakit di mo sinama?” sabi sakin ni Niko habang sinusubo yung kinakain niya.

“Andoon sa bahay kasi pinatulog ko na muna”

“Ahh ganun ba? Diba sabi mo kanina tumira ka sa Pilipinas kamusta pala buhay mo donn bakit ka pumunta dito sa California?” he ask.

“ha? Ah sa Pilipinas ok naman kaso mainit nga lang di katulad dito” sinabi ko na lang para hindi na siya magtanong at ayaw ko mabanggit pa ang tungkol kay Sander.

“Ahh. Alam mo ba may pinsan ako sa Pilipinas nagkahiwalay kami seven years ago kasi nagmigrate si mama dito sa California kasama si Papa tas yung mga parents naman nang pinsan ko andito rin sa California pero siya lang yung andoon ewan ko kung bakit niya gusto yung Pilipinas” Niko shared about his cousin.

“Ahh ganon ba siguro mahal niya lang sobra yung Pilipinas.” Sabi ko na lang.

Matapos naming kumain hinatid niya ko sa bahay.

“Tyanga pala Kate sa makalawa tayo uuwi sa Pilipinas” sabi sakin ni Niko.

“Sige maghahanda muna ako ng mga gamit ko. Bye babe” pamamaalam ko sa kanya.

“Bye” sabay halik niya sa noo ko.

Sander’s POV:

Kumusta na kaya si Kate sa California siguro may mahal na yung iba pero ako dito sa Pilipinas wala mahal ko pa rin siya. Naalala ko yung sinabi sakin ni Niko nang minsan kaming magkausap sa telepono na ikakasal na yung gago at dito sa Pilipinas gagawin ang engagement party sabagay request ko naman yun at sa makalawa na uwi nila miss ko na si Niko ang pinsan kong gago na ikakasal na talaga.

“Uy Alex kamusta?” pangungumusta sakin ni Persy matapos kaming magkita sa mall.

“Ito ok lang” sabi ko kay Persy.

“Uy alam mo ba yung balita?” sabi sakin ni Persy at naexcite naman ako.

“Anong balita?”

“Si Kate uuwi ng Pilipinas” sabi ni Persy sakin.

“Ha? Kailan daw?” tanong ko naman sa sobrang excitement.

“sa makalawa daw eh, ahh sige pare ha mauna nako kasi mukhang galit natong gf ko, sige bye” pagpapaalam sakin ni Persy.

Si Kate uuwi ng Pilipinas sobrang naexcite ako doon ah. Sa wakas magkikita na kami at magprpropose nako sa kanya, babawiin ko lahat ng sinabi ko ng mga araw na iyon ng dahil sakin ay umalis siya papuntang Pilipinas.

Pumunta ako sa isang jewelry shop at bumili ng singsing.

My Cousin's GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon