CHAPTER 9

48 4 0
                                    

Kate’s POV:

Pagkababa ko ng airport bumalik lahat ng memory ko tungkol kay Sander.

“Kate? Saan ka ba magstay? Sa bahay niyo ditto sa Pilipinas?” tanong sakin ni Niko habang nakatulala ako.

“ahh oo sa bahay ikaw saan kaba matutulog mamayang gabi? Doon kana lang sa bahay namin may extra room pa naman doon.” Sabi ko kay Niko.

“ahh hindi na kasi doon ako matutulog sa pinsan ko ah tsaka nga pala nagyayaya nga pala yung pinsan ko na magdinner mamaya susunduin kita mamaya” sabi niyas sakin.

“huh? Huwag na ako na lang ang pupunta saan ba?” at sinabi niya naman yung pangalan ng resto ng pagkakainan naming mamaya.

Pagkauwi ko ng bahay pinatulog ko muna si Sabrina at pinabantayan kay Manag pagkagabi kasi lalabas ako at magdidinner kasama si Niko at ang pinsan nito.

Sander’s POV:

Dumating kanina sa bahay si Niko hindi kasama ang magiging fiancée nito kasi daw may bahay daw ito sa Pilipinas kaya hindi na lang ako nagtanong, ilang oras ang lumipas pumatak na ang alas 7 at nagbihis nako at nakabihis na din si Niko para sa dinner namin mamaya kasama ang magiging fiancee nito. Dumating kami sa isang mamahaling resto at nag-antay ng ilang oras. Maya-maya sa pangatlong bukas ng pintuan ng resto nagtaka ako kung bakit andito si Kate ang bestfriend ko dati may kasama si Manang at dala ang isang baby.

“Oh ayan na pala yung magiging asawa ko” sabi sakin ni Niko sabay turo kay Kate. Tumingin samin si Kate at nabigla ng makita ako at ilang segundo ay lumakad papunta sa mesa namin.

“Hi babe?” sabay halik ni Kate kay Niko. Ouch!

“Alex this is Kate my soon to be wife” pagpapakilala sakin ni Niko kay Kate.

“I know her already” I said.

“huh? Saan kayo nagkakakilala?” Niko ask me matapos kaming makaupo lahat.

“She is my college friend” I said ng Makita ko ang mukha ni Kate na parang balewala lang sa kanya yung pagkikita namin.

“HAHAHAHA akala ko yung mahal mong bestfriend” sabi ni Niko at nakita ko ang pagkabigla ni Kate sa sinabi ni Niko.

“Loko kumain na nga tayo” yaya ko sa kanila tiningnan ko si Manang parang wala lang din sa kanya ang mga nangyari. Matapos ang nakakabinging katahimikan ay nagsalita ako.

“Sino tong baby? Anak mo ba’to pinsan?” Tanong ko sa kanila.

“Hindi eh pero mahal ko yang baby na yan kahit fixed marriage lang ang ginawa samin still natuto pa rin kaming mahalin ang isa’t-isa, diba babe?” sabay kapit sa kamay ni Kate si Niko at tumango naman si Kate sa sinabi nito.

Nagtaka ako bigla pano nagkaanak si Kate eh di naman ama si Niko ng biglang tumayo si Kate at pumunta ng CR.

“Ano ba pangalan ng baby Niko?” tanong ko kay Niko habang tinitingnan ang mukha ng bata na hawak ni Manang sa tabi ko.

“She is baby Sabrina, cute niya no” tanong sakin ni Niko.

“Oo sobra, Manang sino po ama ng batang ito kung hindi ang pinsan ko?” tanong ko kay Manang sa pagiging tahimik nito.

“Ahhh. Hindi ko alam iho eh” sabi sakin ni Manang.

“Ikaw pinsan alam mo ba sino ama ng batang ito?” tanong ko kay Niko.

“Hindi ko rin alam eh” sagot sakin ni Niko.

 Maya-maya ay dumating si Kate.

“Babe uuwi na kami ni Manag kasi si Sabrina kailangan maagang matulog kasi hindi sanay sa klima ng Pilipinas.” Kate excuses.

“Ahh sige hatid ko na kayo. Mauna na kami Alex” pagpapaalam sakin ni Niko.

“O sige” tanging naisagot ko na lang kay Niko matapos kong tingnan si Kate na nakatingin kay Niko.

My Cousin's GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon